Silver's (POV)
Nagpaalam akong mag-leave sa trabaho ngayon dahil napagdesisyunan kong sadyain ang mga Agency na ibinigay ng isang kaibigan.
Magta-try akong mag-apply papunta sa abroad.
Isang desisyon na napagpasyahan ko nitong mga nakaraang araw dahil tila lumala ang kalagayan ng aking Lolo dahil sa sakit niya. Hindi ko naman gustong malayo sa kanila but it leave me with no choice.
Hindi na sapat ang kinikita ko sa ngayon na karaniwang napupunta na lamang sa gamot ni Lolo Teddy . Naaawa na din ako kay Aira dahil maski ito ay napilitan ng mag-part time job sa isang convenient store para lang matustusan ang kanyang pag-aaral.
Bilang isang breadwinner hindi birong pressure at stress ang kasalukuyang hinaharap kaya kahit labag sa kalooban ay gagawin kong lumayo para lamang matulungan sila.
"sa tabi lang po" pagpara ko.
Bumaba ako ng jeep at nagpalinga-linga bago tumawid.
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko mapigilan ang hindi ma-istress.
Papunta ako kila Argel para kunin ang ilang dokumento na naiwan sa kanila.
Nabitbit ko iyon ng minsang mamilit si Mayette na pumunta kila Argel dahil sa kagustuhang makita si Kiel. Unfortunately, wala si Kiel dahil may inasikaso ito sa bahay nila Argel. Aniya magtatagal ito duon at hindi niya alam kung kailan ang balik. Ang ending, nagkayayaan na lamang uminom at dahil nakantiyawan ng sobra ay hindi ko na nagawa pang tumanggi. Sa kasamaang palad ay naiwan ko ang gamit ng umuwi kami ng gabi ring iyon.
Palinga-linga ako sa naghilera na mga pintuan at hinahanap ang bahay nila Argel.
Huminto pa ako ng bahagyang malito but suddenly felt relief ng matagpuan iyon.
1928-B
Oo , tama ito iyon.
I gently knock on the door sa pagiingat na mabulabog ng husto ang taong nanduon.
May kaagahan kasi akong nagpunta para kako makaalis din kaagad at ng mapuntahan ang mga Agency.
Kumunot ang noo ko ng wala man lang nagbukas ng pintuan.
Tulog pa siguro.
Kung sabagay ay wala naman itong pasok sa Resto kaya malamang ay naghihilik pa ito. Pero pasensya na lang siya dahil kailangan ko siyang bulabugin ng pansamantala.
I sighed.
Bakit ba kasi hindi ko nabanggit sa kanya kahapon na dadaan ako ngayon. Itinext ko naman ito ng makuha ko ang number kay Mayette, pero hindi ito nagreply. Hindi ko tuloy malaman kung nabasa ba niya ang mensahe ko o hindi.
Tumingin ako sa orasan.
Mag-aalas-siyete na pala, pihadong mahihirapan ako nito magcommute dahil sa rush hour.
Ibinaling ko ang tingin sa pintuan at muling kumatok ng mainip.
"Argel" tawag ko pa habang sumisilip silip sa bintanang nanduon.
Hoping na lumabas na ito.
Napangiti ako ng sa wakas ay may kumaluskos sa loob.
Animo may bumagsak pa duon ng may biglang kumalabog.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa aking kinaroroonan.
Hay, buti naman at nagising na siya.
BINABASA MO ANG
Take RISK
RomanceSimple lang ang nais na buhay ni Sil. Ang mai-angat sa hirap ang kanyang pamilya. Maipagamot ang lolo niyang may sakit at maitaguyod sa pag-aaral ang nag-iisang niyang kapatid. Pero tila sinuwerte siya dahil higit pa sa simpleng pamumuhay ang nakata...