TRES

55 5 0
                                    

Silver's (POV)

It's almost a week ng magsimula akong  pumasok dito sa bago kong trabaho na isang Buffet restaurant. So far ay okay naman ang mga kasamahan ko. Magugulo at masasaya din kagaya duon sa lumang restaurant na pinanggalingan ko. 

Nakapasok ako bilang Manager na sadyang ipinagpasalamat ko, dahil bukod sa na hire ako kaagad ay mas malaki ang nakatakda kong sahurin dito kumpara sa luma kong pinagtatrabahuan.

Nakasundo ko kaagad ang dalawa sa aking kasamahan na sila Mayette at Argel. Iyon nga lang paminsan-minsan ay naririndi ako dahil sa kanilang pagbabangayan. Pareho silang magulo at parehong ayaw magpatalo kaya ang ending ay laging nagkakapikunan. Magkagayunman kapwa sila maasahan sa kani-kanilang trabaho.

Napangiti ako. 

Hindi ko ikakaila na labis ang saya ko dahil halos lahat sa panalingin ko ay unti-unti ng nabibigyan ng katuparan. Malaking isyu ang pinansyal na bagay dahil ako na lamang ang tumatayong tagapagtaguyod sa aming pamilya. Ang Taga-pag paaral sa nagiisa kong kapatid na babae at tagapag-alaga sa lolo kong may sakit.

Kailan lang namin nalaman na nasa Stage 1 na ang Prostate Cancer ni Lolo. Ang isa sa dahilan kung kaya't nagpa plano pa ako makahanap ng isa pang sideline para naman matustusan ko hindi lang pangangailangan namin sa bahay kundi pati ang mga gamot nito. 

May konti naman akong naipon para sa operasyon niya pero malaki-laki pa ang aking bubunuin para makumpleto ko iyon. 

Isa lamang iyan sa alalahanin ko na kadalasan ko na lamang iwinawaksi para maiwasan ang stress sa buhay. Buti na lamang ako iyong tipo ng tao na kahit gaano kabigat ang dalahin ay hindi iyon iniinda. Optimistic ako pagdating sa pananaw sa pamumuhay. Kagaya na lamang ngayon na ikina-ka excite ko ang nakatakda kong pagsahod sa susunod na linggo . 

Hindi pa man ay nag-iisip na ako kung saan ko sila balak dalhin at ilibot. 

Sila na lamang dalawa ang pamilya ko. at gusto ko kahit sa maliit na bagay ay napapasaya ko sila dahil sa tuwing nakikita ko silang ganuon ay lumiligaya na din ako. 

Marami akong pangarap para sa amin. Mababaw nga lang kung tutuusin kumpara sa iba na naghahangad ng sobrang magandang buhay. Gusto ko lang mapagtapos sa kolehiyo ang bunsong kapatid, mapagamot ang taong nagtaguyod sa amin ng mahabang panahon at magkaroon ng maliit na bahay. 

I sighed and smile. 

Mahabang panahon man ang bubunuin pero alam ko kakayanin ko iyon. basta para sa kanila. para sa amin. 

Kung saan-saan na napadpad ang pag-iimagine ko hanggang napukaw ako ng isang mensahe galing sa aking kapatid na si Aira.

Hi ate, may extra kaba diyan? Bka pwede paload ako... nid ko lang makausap mga kasamahan ko sa group reporting.

Napakunot-noo ako. 

Naloko na. 

Nagbilin nga pala ito kanina bago ako pumasok. 

bakit ko nga ba iyon nakalimutan? 

Saglit akong nagpaalam kay Mayette para  tumungo sa katabing convenient store.

Daglian akong pumasok duon at kaagad na tumungo sa maliit na machine . Inilagay ko ang ilang details at kinuha ang payment slip.

Matapos gawin ang sadya ay naglakad na ako palabas. Nakatungo ang ulo ko ng magreply ako sa aking kapatid habang itinutulak ang pintuang salamin. 

Saktong pagbukas ko ng glass door gamit ang isang kamay ay napatigil ako.

Anong??!!

Nagulat ako ng may maramdamang may  dumakma sa aking dibdib.

Take RISKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon