ZBS2#1

1.1K 62 4
                                    

Addison

"Come on, Addy huwag ka nang kj nandito na tayo saka it's my birthday today kaya pagbigyan muna ko, pretty please," pagkumbinsi sa akin ng bestfriend kong si Carla habang nasa harapan na kami ngayon ng isang bar.

"Car, alam mo namang hindi ako sanay sa mag-bar saka we were just 20. Puwede ba tayo diyan?"

"Of course, we are in our legal age and it's twenty first century. So, natural lang pumunta tayo sa ganitong lugar." saad ni Carla. Si Carla kasi ang tipo ng babae na laging nakasunod kung ano ang trend.

"Huwag mo na kasing pilitin si Addy kung ayaw niya," sabat naman ni Oliver na isa rin sa matalik kong kaibigan.

Since senior high school magkakaibigan na kaming tatlo hanggang ngayong 3rd year college ay sa iisang university at isang lang rin ang course namin.

"Bakit ba kasi sa lugar na ito mo kami dinala para mag-celebrate ng birthday mo, puwede namang sa restaurant na lang tayo, kumain at huwag nang uminom ng alak," saad pa ni Oliver.

"Di ba nga birthday ko kaya ako ang mamimili ng venue kung saan tayo mag-celebrate, alam mo dapat talaga hindi ka na sumama sa amin ni Addy."

"Para ano, madala mo si Addy sa kung saan katulad na lang nang pagpunta dito sa bar."

"So, anong pinalalabas mo bad influence ako ganun!"

"Bakit hindi ba!" saad ni Oliver. "Gusto mo lang naman kasing mag-boy hunting dito sa bar gusto mo pang isama si Addy," dagdag pa nito.

"So, what? Palibhasa sayo walang babaeng gustong pumatol dahil boring ka kasi," segunda naman ni Carla.

Pumagitna na ako sa dalawa para umawat.

"Huwag na kayong mag-away, okay awat na," pag-aawat ko sa pagbabangayan ng dalawa.

High School pa lang kaming ay ganito na dalawang ito palaging nag-aaway kapag hindi nagkasundo sa isang bagay. Kaya naman sanay na sanay na ako sa kanila.

"Oli, pagbigyan na natin si Car tutal birthday naman niya."

"Sigurado ka?" tanong nito.

Tumango ako kay Oliver para iparating na pagbigyan na namin ito saka naman ako tumingin kay Carla.

"Hindi naman siguro tayo magtatagal dito Car, right?"

"Ok promise, hindi tayo uumagahin dito sa bar. So, halika na," masayang saad ni Carla saka kumapit sa braso ko at magkaagapay kaming pumasok nang bar.

Pagpasok namin sa loob ng bar kagaya nang inaasahan ko maingay nga rito at medyo mausok rin. Nang makahanap kami ng puwesto ay tinawag ni Carla ang isang crew ng bar.

"Ladies drink na lang ba ang order mo Addy?" tanong ni Carla.

"Oo, 'yon na lang." pagsang-ayon ko.

"Ikaw ba Oli ladies drink din ang gusto mo?" tanong ni Carla sa tonong nang-aasar.

"Hindi beer ang akin."

"Tingnan mo iinom ka rin pala," saad ni Carla saka sinabi sa crew ang order namin.

Mayamaya pa ay dumating na ang mga order namin at nagsimula na kaming uminom.

"Halika sa dance floor sayaw tayo, let's have some fun" pag-aaya ni Carla saka ako nito hinawakan sa kamay sabay hila sakin papunta sa dancefloor.

"Car, bitawan mo si Addy," saad ni Oliver habang nakasunod sa amin.

Nang makarating sa dance floor nagsimula nang umindak si Carla. Habang si Oliver naman ay bigla na lang nawala. Naisipan ko na lang na umalis nang dance floor at lumabas ng bar para lumanghap ng sariwang hangin sobra kasi talaga ang usok sa loob idagdag pa ang ingay ng rock music masakit sa tenga.

Nasa pinto na ako ng bar nang may bumangga sa aking lalaki napaupo ito tila lasing na lasing.

"Naku po, sorry." saad ko.

Inalalayan ko ito para tulungang makatayo.

"Okay ka la---,"

Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin nang mamukhaan ko ang lalaki si kuya Lucas ito ang boyfriend ng nakakatanda kong kapatid. Magkaibigan ang mga pamilya namin pero hindi naman kami naging close ni kuya Lukas hindi naman kasi ito madalas pumunta sa bahay kapag yata may okasyon ko lang ito makita kasama si ate Freya.

"Kuya Lucas ayos ka lang ba," tanong ko.

"Hmmm," ungol lang ang naging sagot nito.

Napailing na lang ako dahil sa sobrang kalasingan nito.

'May problema ba sila ni ate Freya at nagpakalasing siya ng ganito'

Pumara ako ng taxi dadalhin ko si kuya Lucas sa pinakamalapit na hotel hindi ko naman kasi alam kung saan ito nakatira. Nang makarating sa hotel nagpatulong ako sa guwardiya na madala sa hotel room si kuya Lucas.

Nang makarating sa kuwarto ay agad nitong inihiga sa kama si kuya Lucas. Nagpasalamat naman ako sa guwardiyang tumulong sa akin.

Bigla kong naalala sina Carla at Oliver baka hanapin nila ako kaya naman dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa para tawagan si Oliver.

Pero bago ko pa matawagan si Oliver ay bigla na lang hawakan ni kuya Lucas ang kamay ko. Nagmulat ito ng mga mata at tumitig sa akin hindi na ako nakapalag nang hilahin ako nito kaya ang nangyari ay bumagsak ako papatong sa katawan nito.

Napatitig ako sa mukha ni kuya Lucas ngayon lang ako nabistahan ang mukha nito. Napaguwapo pala nito napasuwerte ni ate Freya na boyfriend niya si kuya Lucas.

'Ano nga kaya ang nangyari at nagpakalasing siya'

Babangon na sana ako sa pagkakapatong kay kuya Lucas nang sa gulat ko ay bigla na lang ako nitong siniil ng halik sa mga labi.

Zaavedra Brother's Series 2: The Lawyer's Baby (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon