Addison
Babangon na sana ako sa higaan nang bigla ay makaramdam ako ng pagkahilo. Kaya naman muli ay umayos ako ng higa at pinalipas ang ilang sandali. Pagkaraan ay nakaramdam naman ako ng pangangasim ng sikmura na parang naduduwal ako kaya agad napatakbo ako sa banyo. At doon ay dumuwal ako nang dumuwal hanggang sa manakit na ang lalamunan ko.
Napasandal na lang ako sa may gilid ng banyo na hinang-hina. Pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang buo kong katawan at natatamad akong gumalaw. Makaraan ang mahabang sandali mabilis akong naghilamos at agad nang bumalik sa kama at muli ay nahiga.
'Ang hirap palang magbuntis lalo na kapag ganitong ako lang ang nakakaalam sa kalagayan ko.'
Nang bumuti na nga ang kalagayan ko ay kumilos na ako upang maligo dahil meron pa akong pasok sa school. Pagkatapos ang routine ko ay nagtungo ako sa kusina upang uminom sana ng kape. Pero nang masilip ko na may softdrink sa loob ng fridge ay ito ang naisipan kong inumin. Nilagyan ko pa nga ng maraming ice ang baso. Nang ibalik ko na ang malaking bote ng softdrink sa loob ng fridge ay saka ko naman nakita ang manggang hilaw at bigla naman akong nangasim at nag - crave na kainin ang mangga. Kumuha ako ng isang manggang hilaw at pinili ko pa ang pinakamalaki. Mabilis naman na binalatan at hiniwa ko ito at naghanap pa nga ako ng bagoong alamang sa fridge pero wala kaya naman nagtiyaga na lamang ako na isawsaw ang manggang hilaw sa patis.
'Pansin ko lang na medyo kakaiba pala ang trip ng mga buntis kapag naglilihi'
Tahimik lamang akong kumakain sa kusina nang mapasukan ako ni Manang Sita.
"A-Addy?" gulat na sambit ni manang saka napatingin sa kinakain ko. Sino ba naman ang hindi magugulat sa kinakain ko, manggang hilaw na isinawsaw sa patis at isang baso ng softdrink.
"Kain po tayo, Manang Sita," aya ko pa kay manang Sita.
"Hindi kaya sikmurain ka niyan, Addy? Ang aga manggang hilaw at coke iyang ilalaman mo sa iyong tiyan hindi ka pa yata nag-aalmusal," mahaba nitong saad.
"Tama na po ito sa akin, manang Sita eto po kasi ang trip kong kainin," katwiran na saad ko naman.
"Kung hindi lang kita kilala Addy iisipin ko na daig mo pa ang naglilihi dahil diyan sa mga kinakain mo," ani ni manang Sita.
Napatigil naman ako sa ginagawa kong pagkain ng mangga sa sinabing iyon ni manang. Nawala sa isip ko na dapat pala ay nag-iingat ako sa mga ikinikilos ko dahil baka malaman nila kung ano ba talaga ang kalagayan ko.
"K-Kayo talaga manang alam ninyo namang impossibleng mangyari yun," medyo nauutal na saad ko pa saka sinimulang ligpitan ang pinagkainan ko. "Sige po manang papasok na po ako sa school," paalam na saad ko.
"Sige, mag - iingat ka," paalala ni manang
Isang ngiti na lamang ang ibinigay kong tugon kay manang Sita bago ko ito tinalikuran paalis.
**********
"Addy, sama ka sa amin, punta tayo sa bahay ni Oliver," aya sa akin ni Carla.
"Next time na lang," ani ko habang inaayos ang gamit sa bag. "Gusto kong umuwi nang maaga," ani ko pa saka naglakad kami palabas ng classroom. Masama kasi ang pakiramdam ko at gusto ko nang magpahinga sa bahay.
"Bakit? di ba wala ka namang kasama sa bahay ninyo dahil parehong busy ang parents mo at hindi rin naman umuuwi ang ate mo, alam ko na kami na lang pupunta sa bahay ninyo," ani ni Oliver.
"Pasensiya na Oliver gusto kong magpahinga isa pa mabobored lang kayo sa bahay dahil hindi ko rin naman kayo maaasikaso," saad ko.
"Ganun ba, sige hindi na lang kami mangungulit ni Carla next time na lang tayo magbonding na tatlo," nakakaunawang saad nito.
Habang naglalakad kami papunta sa may gate ng school ay napansin namin ang dami ng tao sa may gate.
"Oy, ba't ang daming tao sa may labas?" kunot-noong tanong ni Carla nang malapit na kami sa gate.
"Oo, nga. Wow!" biglang napasipol si Oliver. "Ganda ng kotse, pamatay." manghang dagdag pa nito.
Kunot-noong sinundan ko naman ang tingin nang dalawa kong kaibigan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang isang familiar na lalaking nakasandal sa rear end ng isang silver Benz, walang iba kundi si kuya Lucas na tila may hinihintay.
'My God!, anong ginawa niya dito.'
"Ano 'yan? may sinusundo ba siya rito?" narinig kong tanong ni Carla. "Pakshet! Tingnan mo, Addy ang guwapo! lumuwag yata ang garter ng panty ko," dagdag pa nito.
"AO mo naman Carla ngayon ka lang ba nakakita ng guwapo, para namang hindi mo ko nakikita araw-araw," saad naman ni Oliver.
"Mahiya ka naman Oli, talagang guwapong-guwapo ka sa sarili mo 'nuh!" pabalang na tugon ni Carla kay Oliver.
Hindi ko naman magawang nakipagkulitan sa dalawa dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na iyon kung matatago ba ko o haharapin si kuya Lucas. Nakasuot ito ng corporate attire at mukhang dito ito dumiretso paggaling sa trabaho. Pinagtitinginan pa nga ito ng mga taong dumadaan, babae man o lalaki tila namamanghang may naligaw na isang artistahin sa aming eskuwelahan.
"Para di siya bagay sa lugar, ano?" komento pa ni Carla. "Para siyang modelong tumalon mula sa billboard." dagdag pa nito.
He could not agree more, sa sinabi ng kaibigang si Carla. Napatingin na rin naman sa gawi namin si kuya Lucas.
"Shit, Addy! nakatingin siya sa akin!" tili ni Carla na tila kinikilig
"Dali, Carla puntahan mo na!" nakangisi namang itinulak ni Oliver si Carla. "Iwan mo na kami ni Addy."
"Oy, siraulo ka!" angil ni Carla at bumalik sa puwesto namin.
Sabay na lumipad ang tingin ng dalawa kong kaibigan sa lalaking naglalakad papalapit sa amin.
"Addison," tawag nito sa pangalan ko nang makalapit ito sa amin.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brother's Series 2: The Lawyer's Baby (BxB)
Romans"Tell me, Is it true that your pregnant?" tanong ni kuya Lucas. "O-Oo," pag-amin ko. "A-Ako ba ama ng pinag-bubuntis mo?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot kay kuya Lucas. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong alam na nito ang totoo...