Addison
"Tell me, Is it true that your pregnant?" tanong ni kuya Lucas.
"O-Oo," pag-amin ko.
Wala na rin namang saysay pa kung patuloy pa akong magsisinungaling since alam na nito ang kalagayan ko.
"A-Ako ba ama ng pinag-bubuntis mo?" tanong nito.
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni kuya Lucas. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong alam na nito ang totoo. Pati na rin ang magiging reaction ni ate Freya kapag nalaman nitong ang ama ng pinagbubuntis ko ay ang boyfriend nito.
"H-How could you keep it from me?" tanong pa ni kuya Lucas.
"Paano ko ba sasabihin sayo na nagbunga ang pang-gagahasa mo akin hindi ko nga alam kung maniniwala ka ba sa akin."
"Sana sumubok ka pa ring ipinaalam sa akin na buntis ka anak ko rin naman iyang dinadala mo," ani nito.
"P-Pero," hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng hospital room na inuukopa ko at ang pagpasok ng mga magulang ko.
"T-Tama ba ang narinig namin anak na buntis ka at si Lucas ang ama nang dinadala mo hindi lang 'yun ginahasa ka rin niya?" bungad na tanong ng Mommy ko.
"M-Mommy, D-Daddy," ang nasambit ko na lamang.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong alam na rin nila ang tungkol sa pagdadalang-tao ko at kung sino ang ama nito. Ngayon ay natatakot na ako sa mga puwedeng mangyari.
Lumapit naman sa akin si mommy at hinawakan ang mga kamay ko habang si Daddy naman ay tahimik lamang at iyon ang mas nakakatakot.
"Anak sabihin mo totoo ba ang mga narinig namin," muling pagtatanong ni Mommy sa akin.
"Addison, sumagot ka tinatanong ka nang Mommy mo!," madiing saad ni Daddy.
Hindi ko na napigilan ang mapaiyak saka tumango bilang sagot sa tanong ni Mommy.
Nagulat na lamang ako nang mabilis na inundayan ng suntok ni Daddy si kuya Lucas. Kahit sa tingin ko malakas ang suntok na ibinigay ni Daddy kay kuya Lucas hindi naman iyon sapat upang mapatumba ito.
Napahawak na lamang si kuya Lucas sa panga nito nasuntok ni daddy nakita ko naman ang dugo sa may gilid nang labi nito.
"Daddy! H-Hindi naman po sinasadya ni kuya Lucas!" awat ko kay dad nang akmang uundayan pa ng isang suntok ulit si kuya Lucas.
"Alin ang hindi niya sinasadya Addison ang gahasain ka o ang buntisin ka?" asik na tanong ni Daddy.
"P-Pareho lang po dad, lasing po siya 'nun," lumuluhang saad ko.
"Tito... Tita, I'm really sorry, kasalanan ko po ang lahat. Hindi po excuse na lasing ako kaya nagawa ko ang bagay na 'yun kay Addison. Kung gusto po ninyo akong ipakulong handa po akong pagbayaran ang kasalanan ko sa anak ninyo" sabat naman ni kuya Lucas.
"Lucas hijo, alam mong magkaibigan kami ng Mommy mo at parang anak rin ang turing ko sayo at kung gusto mo talagang pagbayaran ang ginawa mo sa anak namin gawin mo ang tama panagutan mo ang ginawa mo sa anak ko, pakasalan mo siya." saad ni Mommy.
Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Mommy.
'Ako at si kuya Lucas magpapakasal'
"M-Mommy, alam po natin kung ano ang relasyon nila ni ate."
"Tama sinabi ng Mommy mo kailangan niyang panagutan ang mga ginawa niya sayo lalo na sa dinadala mo at kung si Freya ang inaalala mo naiintindihan niya ang sitwasyon mo," saad naman ni Daddy.
Nakapagdesisyon na ang mga magulang kong ipakasal ako kay kuya Lucas. Ayokong saktan si ate Freya pero hindi ko rin naman puwedeng suwayin ang kagustuhan ng mga magulang ko. Siguradong lalong magagalit sa akin si ate ano na ngayon ang dapat kong gawin.
Lucas
Hindi na ko nagprotesta pa sa gustong mangyari ng mga magulang ni Addison pakasalan ko ito. In the first place it is all my fault, sa akin nag-umpisa ang lahat dahil hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko. Masyado akong nagpalamon sa sakit ng panlolokong ginawa ni Freya.
Kaya nang gabi ring iyon ay napagdesisyunan ko na sabihin sa pamilya ang nagawa ko kay Addison. Nandito ang kami sa salas ng mansyon kaharap ang mga magulang ko at lahat ng kapatid ko present maliban kay Tyron.
"Y-You rape Addison and impregnant him!" hindi makapaniwalang saad ni Sebastian matapos kong ikuwento ang buong pangyayari sa pamilya ko.
"Y-Yeah," tugon ko saka tumingin sa mga magulang ko na tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Ipapakulong ka ba nila sa ginawa mo kailangan na ba kita hulihin," saad ni Dominic.
"This is not the time to joke around Dom, this is a serious matter," saad ni Weston.
"Hindi nila ako ipapakulong ang gusto nila pakasalan ko si Addison," ani ko.
Nagulat na lamang kami nang biglang tumayo si mommy at sinigawan ako.
"Ikaw na lalaki ka, bakit mo yun nagawa? lumapit ka dito at nang maputol ko 'yang nasa pagitan ng mga hita mo!" asik ni mommy.
'Mom is really angry'
"Hon, huwag! kumalma ka lang," pigil ni daddy kay mommy.
"Ano ba! Enrique! bitiwan mo ko," pagpupumiglas ni mom. "Pinalaki ba kitang ganyan Lucas!" Dissappointed na saad ni mommy.
Napayuko naman ako sa sinabing iyon ni mommy. My mom and dad always told us to be kind and respectful to ours, kahit ano pa ang antas nila sa buhay mayaman man o mahirap.
"Lucia, nangyari na wala na tayong magagawa, lasing siya hindi 'yun excuse pero malaking factor 'yon saka narinig mo naman ang sinabi ng anak mo di niya sinadya yung nangyari," pagtatanggol ni dad sa akin. "Isa pa pakakasalan naman niya si Addison, hindi ba Lucas?" baling sa akin ni dad.
"Y-Yes dad, handa po akong pakasalan si Addison," saad ko.
"Aba, dapat lang naman na pakasalan ng anak mo yung batang yun!"
Humigit na muna ako ng hangin bago lakas loob na lumapit kay mommy.
"Mom, I'm so sorry I dissappointed you," ani ko saka ko ito niyakap.
Naramdaman ko naman na kumalma kahit papaano si mommy.
"If your really sorry to what you've done, mag-set ka na agad nang appointment para ma-meet na natin sila Arthuro at Odessa para mapag-usapan na ang kasal ninyo ni Addison."
"Yes mom, I'll do that," saad ko.

BINABASA MO ANG
Zaavedra Brother's Series 2: The Lawyer's Baby (BxB)
Romantizm"Tell me, Is it true that your pregnant?" tanong ni kuya Lucas. "O-Oo," pag-amin ko. "A-Ako ba ama ng pinag-bubuntis mo?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot kay kuya Lucas. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong alam na nito ang totoo...