Addison
Ngayong gabi ay pormal na mamanhikan sa bahay namin ang pamilya ni kuya Lucas. Sa buong durasyon ng hapunan ay hindi ako masyadong nagsasalita nakikinig lang ako sa usapan ng mga magulang namin ni kuya Lucas tungkol sa kasal. Nagsasalita lang ako kapag may tanong na dapat kong sagutin.
Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na palihim na sulyapan si kuya Lucas na nakaupo sa tapat ko.
'This man in front of me is really handsome'
Mabilis naman akong nagbaba ng tingin sa pagkain nang tumingin ito sa akin. Lihim naman akong napabungtong-hininga kahit pa hinahangaan ko ang taglay nitong kaguwapuhan ay hindi pa rin mawawala ang katotohanang ito ang ex-boyfriend ni ate Freya.
"So, okay lang sa inyo na ikasal sa isang buwan?" tanong ni dad.
"Opo, I want to get married as soon as we can. Gusto ko po sana sa simbahan talaga, pero mas gusto ni Addison na civil lang muna," tugon naman ni kuya Lucas.
Tama ang sabi ni kuya Lucas gusto kong civil lang muna ang kasal namin na sinang-ayunan naman ng lahat nang tanungin nila ako kanina kung anong klaseng kasal ang gusto ko.
"Oo nga, okay nga sana kung sa simbahan, pero okay na rin ang civil wedding muna saka na lang kayo magpakasal sa simbahan para mas mapagplanuhan," segunda naman ng mommy ni kuya Lucas.
"Opo, I want a grand wedding your son deserves that," nakangiting saad ni kuya Lucas na tumingin pa sa akin.
Natapos naman ang pag-uusap nang maluwalhati tungkol sa kasal at kagaya nang napagkasunduan ng mga magulang namin sa katapusan nang buwan kami magpapakasal ni kuya Lucas.
Matapos masettle ang lahat ng iyon ay tumayo ako at nagpunta ako sa may veranda upang magpahangin habang hinihintay ang mga magulang kong nakikipagkuwentuhan pa rin sa mga future-in-laws ko.
'Tuloy na tuloy na talaga ang kasal namin'
"It's cold outside, buntis ka pa naman," saad ni kuya Lucas na sinundan pala ako rito sa may veranda.
"Hindi naman sobrang malamig dito," tugon ko.
Napansin ko na lang na hinubad ni kuya Lucas ang suot nitong coat.
"Here wear this," ani nito na ipinatong sa balikat ko yung coat.
"S-Salamat."
Namayani ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin bago ito muling nagsalita.
"Addison, Can you trust me on this," ani nito.
"H-Huh," confuse naman akong napatingin kay kuya Lucas.
"I mean is It's my fault, kasalanan ko kaya nasa sitwasyon tayo na kailangan nating magpakasal kahit naman hindi mo sabihin nakikita ko sa mga mata mo na ayaw sa ideyang ikasal tayo," seryosong saad ni kuya Lucas.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko hindi ko maapuhap kung ano ang mga tamang salita na puwede kong sabihin.
"Don't worry too much about our wedding. Wala namang magbabago, kailangan lang nating tumira sa iisang bahay, but we don't need to act as a real married couple, we could be like friends, housemates, kung gusto mo hindi naman kailangan malaman ng mga kaibigan mo na kasal tayo. Pero siyempre kailangan nating maging maingat, we can't have relationship outside the marriage. Puwede rin naman tayong maghiwalay kung hindi talaga magwowork ang marriage nating dalawa. As for our child we can do the co-parenting," mahabang ani nito.
Napaawang naman ang mga labi ko sa mga sinabi nito. I felt a strong surge of admiration for the handsome man in front of me. Napaka-mature talaga nitong mag-isip kumpasa akin.
Humigit muna ko ng hangin at tumitig kay kuya Lucas at sa hindi malamang dahilan ay ang pagflutter ng sikmura ko at pagbilis ng heartbeat ko.
"S-Sigurado ka ba na puwede rin tayong maghiwalay magagalit ang mga magulang natin."
"Hindi naman tayo agad-agad maghihiwalay puwede 2 or 3 years, siguro maiintindihan naman na nila 'yun kasi sinubukan naman nating magsamang na dalawa, So, do agreed on it."
"I-I agree," pagsang-ayon ko sa mga sinabi nito.
**********
1 Month Later
"Addison? Ready ka na ba?" narinig kong tanong ni kuya Lucas mula sa pinto ng hotel suite ko.
"Oo, ready na ko, kuya Lucas. Sandali lang," sagot ko. "Tapos na 'yan, di ba?" baling ko sa make up artist.
"Yes, okay na," ani nito. "Sige, iiwan ko na muna kayo ng iyong napaka-handsome na husband," paalam nito.
"Thanks, Icy," nakangiting saad ko.
"No, prob," at inayos na nito ang gamit saka tuluyang umalis.
Tumayo naman ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang aking sarili. I am wearing a simple white suit and my make up, na pinagmukha akong sweet and pure.
"You look really pretty," narinig kong komento ni kuya Lucas. Hindi ko napansing nakapasok na pala ito sa loob ng suite. Napaangat ang tingin ko sa salamin at nakita itong nakatayo sa likuran ko. Nagtama ang aming mga mata at naramdam ko na saglit na huminto ang tibok ng aking puso pagkatapos ay biglang kumabog. He was wearing a dark polo and coat that day, corporate na corporate lang ang dating but I don't mind.
"T-Thanks." humarap ako rito at nilahad nito ang kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon.
"Nervous?"
"Konti, sigurado ba talaga tayo sa gagawin nating ito?"
Bahagyahang tumawa naman ito. "Hey, don't ask that now."
"Joke lang, kaya natin 'to."
"Yes, kaya natin 'to." Nakangiting tugon nito sa akin muli ay naramdaman na naman ang pagflutter sa sikmura ko. "Halika na," aya nito at nakangiti naman akong tumango.
Magkahawak ang kamay na lumabas na kami sa hotel suite. Pinagpasyahan naming sa Zaavedra Hotel na lang rin gawin ang venue ng kasal na pag-aari ng pamilya ni kuya Lucas.
Nang makarating sa kami sa may pinto venue hall ng hotel kung saan gaganapin ang kasal namin ay ko mapigilang hindi kabahan.
"Ready?" baling ni kuya Lucas sa akin
Ngumiti at tumango naman ako. Kuya Lucas squeezed my hand and we went inside the venue hall.
Piling-Pili lang ang mga bisita na naroroon sa side ng pamilya ni kuya Lucas at ang ilan sa malalapit naming kamag-anak. Hindi ko na nagawa pang ipaalam sa mga kaibigan ang tungkol sa kasal kaya wala sila. Wala din si ate Freya dahil hindi naman nito alam ang tungkol sa kasal namin ni kuya Lucas, wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin kay ate. Sa tingin ko rin ay sinadya ng mga magulang ko na si ate ang ipadala sa isang business trip.
My mom and dad wave at me, kita ko sa mga mukha nito ang saya. Ngiting kagaya noong sabihin ko sa mga ito na dean's lister ako sa school. Hindi ko maiwasan na may tumulong butil ng luha sa mga mata ko. Napakasuwerte ko na mayroon akong mga magulang na tatanggapin ako kahit ano pa ang mangyari.
"We'll make this work," bulong sa akin ni kuya Lucas.
Nakangiting tumango naman ako sa sinabi nito at saka nagsimula na ang seremonyas nang kasal.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brother's Series 2: The Lawyer's Baby (BxB)
Romans"Tell me, Is it true that your pregnant?" tanong ni kuya Lucas. "O-Oo," pag-amin ko. "A-Ako ba ama ng pinag-bubuntis mo?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot kay kuya Lucas. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong alam na nito ang totoo...