ZBS2#10

443 37 0
                                    

Addison

"I now pronounce you husband and husband," saad ng opisyal na nagkasal sa amin. "You may now kiss your partner."

Huminga muna ako nang malalim bago pumihit paharap kay kuya Lucas. Agad ko namang nagkasalubong ang mga mata nitong kulay tsokolate. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumalon ang puso ko dahil sa mga tingin na ibinibigay nito sa akin.

Itinaas nito ang mga kamay para ikulong ang aking mukha sa magkabila nitong palad. Pagkatapos ay marahang bumaba ang mga labi ni kuya Lucas para idampi sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang tuhod ko dahil sa halik na 'yon kaya naman napahawak ako sa balikat nito para kumuha ng suporta.

'Gosh! nakakahiya hindi naman ito yung unang beses na nahalikan niya pero nanlambot pa rin ang mga tuhod na tila nawalan ng lakas'

Pagkatapos ng halik na iginawad nito sa akin ay nagpalakpakan ang mga bisitang sumaksi sa kasal namin.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay naging abala naman kami sa pagbati sa amin ng mga bisita. Maya-maya ay lumapit sa akin ang mga magulang ko. Niyakap naman nila ako ng mahigpit habang lumuluha si mommy.

"Ang anak ko kasal na, hindi ka na rin namin makakasama sa bahay," ani ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mawawalay ako sa kinalakihan kong pamilya. Masyado akong nasanay na nasa tabi ko sila palagi.

"I will miss the both of you mom and dad," naiiyak na saad ko. "Pero, dadalaw naman po kayo sa akin di ba?" tanong ko pa.

Tumango naman sina mom at dad bilang tugon sa tanong ko. 

"Kapag may kailangan ka o ano pa man, tawagan mo lang kami ng mom mo okay, we love you sweetie," saad ni dad habang pinapahid ang mga luha ko.

"Alam namin ng dad mo na hindi napakabata mo pa at hindi ka pa ready sa pagpapakasal pero lagi mo lang iisipin na ginagawa namin ito para sa kabutihan mo at magiging anak ninyo ni Lucas," saad ni mom.

"O-Opo mom naiintindihan ko naman po," ani ko.

"Take care of yourself anak, alam ko namang aalagaan ka nang asawa mo," nakangiting ani ni dad.

Napatingin naman ako sa mga magulang ni kuya Lucas ng lumapit ang mga ito sa amin para bumati.

"Hijo, hindi mo alam kung gaano mo kami kasaya ngayon," nakangiting saad ni Mrs. Lucia Zaavedra. "Welcome to the Zaavedra Family." ani nito sabay yakap sa akin.

"S-Salamat po," pasasalamat ko. Ang totoo naiilang pa rin ako sa pamilya ni kuya Lucas pero alam kong masasanay rin ako dahil mababait silang tao.

"Call me 'Mama' or Mom from now on," nakangiting saad nito. "So, shall we eat then," anyaya nito.

Tumango naman ako saka sumunod sa mga ito. Nagulat na lang ako nang tumabi sa akin si kuya Lucas. 

"I'm sorry for kissing you a while ago, ayokong isipin na nagtatake advantage na naman ako sayo," bulong nito sa tainga ko.

Hindi ko naman napigilan ang pamulahan ng mukha sa sinabi nito nang maalala ko ang paghalik nito sa akin kanina.

"W-Wala 'yon hindi ko 'yon  iniisip," saad ko naman.

'Bakit pa ba siya nagso-sorry hindi lang naman halik ang nakuha niya sa akin kaya nga kami magkakaanak'

Napailing na lang ako dahil kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Napapitlag na lang ako nang inabot ni kuya Lucas ang aking kamay saka nito iyon hinawak ng mahigpit at iginaya nito kung saan ang kanilang table.

**********

Gabi na rin nang matapos ang reception at ngayon ay nasa tapat na kami ng malaking bahay ng kanyang asawa. Agad naman ako nitong niyaya papasok sa loob ng bahay.

"This is my house," saad nito nang makapasok na kami sa loob ng bahay. "Nasa taas ang magiging kuwarto mo naipaayos ko na 'yun at sana lang pumasa sa panlasa mo," dagdag pa nito.

Iginala ko naman ang paningin ko sa buong bahay nito kitang-kita ang karangyaan kahit pati sa mga kagamitan na naroroon at napaganda ng interior design napakasimple lang. Hindi talaga maikakailang napakayaman ng nakatira sa bahay na ito hindi naman na nakapagtataka dahil galing ito sa isang maimpluwesiyang pamilya.

'Siya lang ba mag-isa ang nakatira sa malaking bahay na ito'

"Mag-isa lang bang nakatira dito," curious na tanong ko.

"May mga kasama akong kasambahay dito," tugon nito. 

"Hindi ka ba nalulungkot na mga kasambahay lang ang kasama mo rito?" tanong ko pa.

"Nope, lalo na ngayon kasama na kitang titira dito," saad nito

Pakiramdam ko ay nag-init ang mga pisngi ko at Napagat naman sa aking ang ibabang labi dahil sa tugon nito.

"Halika, ipapakita ko sayo ang kuwarto mo." anyaya nito sa akin.

Sumunod naman ako rito hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag nang bahay at matapat sa isang pinto.

"Ito ang magiging kuwarto mo habang nagsasama tayo," nakangiti nitong saad. "Feel at home, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ang mga kasambahay at nasa ibaba lang naman ang kuwarto ko."

"Thank you," pasasalamat ko.

"By the how's your pregnancy are you having a hard time, pinapahirapan ka ba ni baby?" tanong  nito.

"Hindi masyado saka kaya ko naman," nakangiting tugon ko.

"Kung may mga gusto kang kainin huwag kang mahihiyang magsabi sakin."

"Okay."

"Another thing is gusto ko sana samahan ka everytime you have check with the doctor I want the baby feel my presence as his father," ani nito.

"O-Oo naman, kuya Lucas," nakangiting saad ko.

"Your still calling me 'kuya'." saad nito.

"A-Ano kasi mas matanda ka sa akin at dun ako nasanay."

"Well your right I am old enough we have 11 years age gap but, dapat nasanay ka na tawagin ako sa pangalan ko dahil mag-asawa na tayong dalawa," saad nito.

"D-Dun lang kasi ako nasanay pero sige susubukan ko, L-Lucas," nahihiya na ko ng banggitin ko ang pangalan nito.

Napangiti naman ito nang pangalan na lang nito ang banggitin ko at wala na ang nakakabit na 'kuya'

"I think that's much better," nakangiting saad nito. "We both have a long day let's rest, Goodnight," ani nito saka nagpaalam na babalik na sa kuwarto nito.

Binuksan ko na ang pinto ng kuwarto sa loob namangha naman ako sa kuwarto dahil mas malawak pa ito sa kuwarto sa bahay namin. Lumapit naman ako sa built-in closet at binuksan iyon at napakaraming damit na naroon.

'Mukhang hindi ko yata kailangang kumuha pa ng gamit sa bahay namin dahil halos lahat na yata nandito na'

Napabungtung-hininga na lang ako at kumuha ng damit pantulog upang makapagpahinga na rin kami ni baby.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zaavedra Brother's Series 2: The Lawyer's Baby (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon