Chapter 5
Nang magising ako ay nasa sofa parin ako, may kumot na din na naka patong sa may bandang bewang ko.
Siguro si Sam naglagay. Andito pa kaya si Sam?
Ang pagtayo ko ay yun ding pagbukas ng pinto ng kwarto ni Maxx.
"Morning." Sam greet.
"Morning." i greet back. "Hindi ka umuwi?"
i asked."Hindi ako pinauwi." tumango ako.
"San sya natulog?" tinuro ko yung kwarto.
"Dyan din?""Hindi." sabay lingon sa ibang direksyon. Sa direksyon papuntang pinto kaya lumingon din ako don.
Ayun. Si bakla Tulog. Naka-cross arm pa.
Hindi ko sya nakita kanina kasi nasa may sofa sya sa bandang uluhan ko.
Bakit dyan yan natulog?
"Ayaw nya akong papasukin sa kwarto mo." tumingin ako sa kanya ng magsalita sya.
Eh, yung ibang guest room?
"Eh, yung ibang gue-----?" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya.
"Sarado. Nasayo daw yung susi." sabi nya habang nakakunot ang noo. "Sinabi ko ng alam ko naman kung nasaan yung susi."
Lumingon ako kay Maxx. Tulog parin.
"Pft--Buti nag-kasya yan dyan."sabi ko, natawa. Onti nalang kasi mahuhulog na sya.Tumayo na ako sa pagkakaupo sa sofa.
Dumiretso ako sa kwarto at naghilamos.
"Bes, kain na tayo!"maya maya narinig kong sumigaw si Sam.
Nakabihis na ako ng lumabas ako ng banyo.
Nang buksan ko ang pinto muntik pang makatok ni Maxx ang mukha ko.
" Shit!!Sorry!Sorry!tumama ba teh?!" natatarantang tanong nya sakin.
Obvious ba?
"Hindi naman....... masyado." sabi ko, binulong ko lang yung huli kong sinabi.
"K-kain na-----?" i cut his words.
"Eto na nga diba?" sabi ko habang nakataas ang kilay.
Nakita kong gumilid sya kaya dumiretso na ako papunta sa kusina.
Nakita ko si Sam na pata-tawa habang nakatayo sa may kusina. Habang ako seryoso lang dere-deretso sa kusina.
Nang lingunin ko si Sam bigla syang napahinto sa pagtawa.
Nang nakaupo na kaming dalawa biglang nagsalita si Sam.
"Uwi na ko." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Di kana kakain?" tanong ko.
"Di na. Magpapaliwanag pa ako kay tito eh."
"Hmm. Ingat." sabi ko tapos nagpatuloy na sa pagkain.
"Kuya, alis na ako." sabi nya kay Maxx.
"Hmm. Ingat." napatingin ako sa kanya.
Gaya-gaya to ah.
Napatingin kami pareho kay Sam ng magsalita ito.
"Wow! Relationship goals?" sabi nya.
Magtatanong na nga lang may halo pang pang-aasar."Wow, nafriendzone?" biglang sabi ni Maxx habang nakataas ang kilay sa kapatid nya.
Habang si Sam ay hindi maipinta ang mukha.
Base sa reaksyon nya parang totoo ang sinabi ng kapatid nya.
Habang nag-aasaran sila ako naman ay matawa-tawa lang sa tabi ni Maxx.
Mas lalo pa akong natawa ng biglang magmadali si Sam sa pagkuha ng gamit nya at halos kumaripas pa ng takbo para makalapit sakin at bumeso.
Nang lalapit na ito kay Maxx ay napansin kong ngumisi ito bago itinaas ang kamay at binatukan si Maxx.
"What the?!" narinig kong sabi ni Maxx.
"Lagot ka talaga kay tito!!" habol nya pa nyang sabi habang nakatingin kay Sam na nagmamadaling lumabas ng pinto.
Pero bago pa maisara ni Sam ang pinto ay dinungaw nito ang ulo nya.
"SML?" rinig kong sabi nya sabay sara ng pinto kaya natawa ako.
"Pakyuu. " sigaw ni Maxx kahit sarado na ang pinto.
_____________
YOU ARE READING
WANTED: Boy(best)Friend
RomanceWANTED:Boy(best)Friend. If you want to apply kindly call this number: 09922543792315136 You can have for being her Boy(best)Friend: You can have a condo. You can have a 5 thousand a month It doesn't matter if your a gay or guy as long as you wan't...