"Magikot ka muna may hahanapin lang ako." sabi ko sa kanya sabay talikod na.
"Wala kong bibilhin dito." sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
Kanina pa to ah.
"Parang napapansin ko lang kanina ka pa nanghahawak ng kamay," sabi ko.
Hindi ko nadin sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko dahil alam kong wala din syang balak tanggalin yun.
"Napansin mo pala." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Aba, nakangisi ang bakla?
Bakla ba talaga to?
Minsan talaga napapatanong din ako kung totoo ba ang sinabi niyang bakla siya.
"Tara na." hila nanaman wala bang katapusan tong paghila nya sakin.
"Kung makahila kala mo alam kung saan ako papunta." bulong ko sa hangin habang magkasalubong ang kilay.
"Kape?"
Nang una ay hindi ko pa nakuha ang sinabi niya kaya nakatayo lang ako sa pwesto namin. Ng hinila niya ako papunta sa section ng mga kape ay napatawa nanaman ako.
Kanina mo pa ako pinapatawa..
"Kuha na." sabi niya sabay tingin sa mga kapeng nasa harapan namin.
Kumuha na ako ng dalawang haba ng kopiko brown at nilagay sa basket na kinuha niya ng may madaan kami.
"Gatas diba?"sabi niya kaya tumango ako at nagpahila na ulit sa kanya.
Kumuha lang ako ng dalawang box ng gatas tapos yung ibang mga kailangan sa condo.
Nasa tatlong bag ang napamili namin. Sabi niya siya nadaw magbubuhat lahat.
Ng makalabas ng grocery ay napagpasyahan muna niyang ilagay muna ang mga binili kaya iniwan niya na muna ako sa may tapat ng grocery.
May nakita akong bilihan ng jewelry sa mismong tapat ng grocery.
Pumasok ako dun at tumingin ng mga kwintas.
May nakita akong magandang design worth ten lang naman kaya binili ko na.
Sabi pa nila ay pwede mo daw tangglin ang pendant.
Natatanggal naman talaga ang mga pendant sa kwintas diba?
Paglabas ko ng shop, hindi ko pa nakita si Maxx.
Siguro tatlong minuto pa bago ito dumating.
"San ka?" tanong niya.
"Hindi ba ikaw ang nagsabing samahan kita?" tanong ko pabalik.
"Bili ako damit." sabi niya tapos hinawakan nanaman ang kamay ko.
INTERTWINED...
YOU ARE READING
WANTED: Boy(best)Friend
RomanceWANTED:Boy(best)Friend. If you want to apply kindly call this number: 09922543792315136 You can have for being her Boy(best)Friend: You can have a condo. You can have a 5 thousand a month It doesn't matter if your a gay or guy as long as you wan't...