'' SCANDAL IS WHAT ONE HALF OF THE WORLD TAKES PLEASURE IN INVENTING , AND THE OTHER HALF IN BELIEVING .''
- PAUL CHATFIELD
Hello again folks ~♥ . I'm in a writing madness right now so I hope you enjoy this update that I worked my brain so hard for. Happy New Year . HOHOHO ^_^+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
SHARMAINE'S P.O.V
Nobody's perfect . Alam ko yun . Lahat tayo nagkakamali . Pero hindi ko inaakala na napakalaking pagkakamali ang gagawin ko sa harap nang napakaraming tao .
'' BUNTIS AKO !! '' sigaw ko .
Imbes na sa press launch na nagaganap , lahat nang attensyon nang mga tao ay napapunta sa'kin . Bad timing . Yeah , that's what I would like to call it . Sa dinami-dami nang oras at lugar kung saan pwede kung sabihin kay Tyron ang katotohanan , bakit dito pa ?
'' Oh my God . '' sabi nang isang reporter .
'' Ang hottest bachelor sa bansa ay isa nang ama ?!!! '' dagdag pa nang isang reporter at sabay tutok nang camera sa'kin .
'' Isa 'tong napakalaking scandal ! '' ani pa nang isang reporter at lahat nang mga reporter ay nagsitutukan na din nang camera sa'kin .
* SNAP SNAP *
Tuloy-tuloy ang pagkuha nang mga reporter sa litrato ko . Nakakasilaw . Tinakpan ko ang mga mata ko pero hindi pa rin ito sapat para takpan ang mga flash nang camera .
'' Totoo bang buntis ka ? '' tanong nang isang reporter .
'' Paano kayo nagkakilala ni Tyron ? ''
''Ilang buwan ka nang buntis ?''
Patuloy ang mga tanong sa'kin nang mga reporter . Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sabay-sabay silang nagtatanong .
'' Tama na ... '' bulong ko .
'' Nagpabuntis ka ba kay Tyron dahil alam mong mayaman ang pamilya niya ? '' tanong nang isang reporter . Napatigil ang ibang reporter at napatingin sa'kin . Tumingon ako sa direksyon ni Tyron at nakitang nakatingin din siya sa'kin .
'' Hindi - '' bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay pinutol 'to agad nang mga reporter .
'' Oo nga . Imposible naman na magkagusto sa kanya si Tyron Serrano . '' sabi nang isang reporter .
'' Tama ka . Malamang pera lang ang habol niya . '' pagsang-ayon pa nang isang reporter .
'' GOLD DIGGER !! '' sigaw nang isa pang reporter .
Lahat nang mga reporter ay sumang-ayon . Tumingin ako sa direksyon ni Tyron at nakitang kasama niya si Naomi .
BINABASA MO ANG
In the dark (One night stand with my boss) [FIN]
Teen Fiction[under revision]It all started with a one night stand . What will happen when destiny decided to let them meet again ?