'' STUDY THE PAST IF YOU WOULD DEFINE THE FUTURE ''
-CONFUCIUS
Happy Month of March ~! Congratulations in advance to the graduating students (me :P) ♥
A/N : asterisk (*) - look for the meaning at the bottom / subject for revision .
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
TAKBO.TAKBO.TAKBO.
Madilim ang paligid pero tuloy pa rin ako sa pagtakbo , natatakot na pag tumigil ako ay kukunin ako nang mga demonyo .
'' Tyron !! '' tawag nang boses .
'' Mama ? '' patuloy ako sa pagtakbo at sawakas ay nakakita ako nang liwanag . Pumasok ako sa liwanag at tuluyan akong nagising .
Panaginip lang pala ang lahat .
'' TYRON !!! '' sigaw ni Mama . Bumukas ang pinto , at pumasok si Mama , hawak-hawak ang bote nang alak sa kamay .
'' Mama . Tigilan niyo na ang pag-inom . '' pagsuway ko sa kanya . Umupo siya sa sahig at patuloy sa pag-inom nang alak . '' Mama , tama na !! '' sigaw ko .
* SLAP *
'' WALA KANG KARAPATAN PARA PAGSABIHIN AKO !!! . '' sigaw niya
'' Mama ... ''
'' PAREHO LANG KAYO NANG TATAY MO !! PAREHO KAYONG DEMONYO !! '' sigaw pa niya at sabay bato nang bote nang alak sa'kin .
'' Mama .. ''
'' LAYAS !! LUMAYAS KA !! '' pagpapalayas niya sa'kin . Sa takot na baka saktan niya ulit ako , sinunod ko ang gusto niya at lumabas na nang bahay . Umupo ako sa labas nang bahay namin at umiyak .
''Naomi !!! Lumabas kang pesteng bata ka !!!? '' galit na sigaw nang kapitbahay namin .
'' B-Bakit po 'tay ? '' nangingig na sinabi ni Naomi .
'' Wag mo akong i-bakit po 'tay dyan !!! Nasaan na yung pera ?!! ''
'' Hindi ko po alam ... '' umiiyak na sinabi ni Naomi .
'' Anong hindi mo alam ?! Bilisan mo ilabas mo yung pera !! '''
'' 'Tay , hindi ko po alam . ''
'' Walang silbi !! '' at sinampal nito si Naomi . '' Parehas lang kayo nang Nanay mo . Parehas kayong walang silbi !! Mga inutil !! '' sabi pa nito at pumasok na sa loob nang bahay . Patuloy sa pag-iyak si Naomi , kaya naisipan kong lapitan ito .
'' Ayos ka lang ba ? '' tanong ko at umupo sa tabi niya .
BINABASA MO ANG
In the dark (One night stand with my boss) [FIN]
Подростковая литература[under revision]It all started with a one night stand . What will happen when destiny decided to let them meet again ?