Author: hannarie_21
Language: Filipino-English
👣SERIES👣
Loving Aria
"Hanggang ganito na lang ba? Ang tingin mo sakin pamatid ng panandaliang pangangailangan mo?"
Iritableng napatingin ako sa pigurang iyon ni Corinne. Si Corinne! Fuck! Bakit ko ba kasi sya dinamay sa gulong ito.
"Sinabi ko na sayo nung una pa lang di ba? Stay away from me!" Gigil na singhal ko sa kanya. "Dikit ka ng dikit! Tapos ngayon ako pa lumalabas na masama."
Tila matutunaw naman ako ng unti-unting tumulo yung luha sa mga mata niya.
"I love you, Aria. Pero kahit ilang beses ko namang sabihin iyon sayo wala lang di ba? Kasi until now hindi mo pa din kayang ibigay yung sarili mo ng buong-buo. Kasi hanggang ngayon nakakulong ka pa din sa kahapon mo. "
"Hindi totoo yan.."
Nanghihinang napaupo ako. What have I done? Bakit ba paulit ulit ko na lang syang nasasaktan?
"I can't save you, Aria." Punung puno ng pait na sabi nya. "I can't save you kasi ayaw mong magpasalo. Hindi lahat sasaktan ka. Kelangan mo din magtiwala na hindi ko kayang saktan ka."
Natawa lang ako ng pagak.
"Tell me, Corinne. What's holding you back? Akala ko ba mahal mo ko? Bakit hindi mo magawang ibigay ng buo yung sarili mo?"
Pinalis ni Corinne yung luhang umaagos sa magkabila niyang pisngi.
"Because I know you. I know na pag nakuha mo na ko, Game over na. And I don't want to end everything that we have just because of that. "
"Wow!" Napapalatak ako sa kanya. "Now, who have trust issues sa ating dalawa ngayon?"
Ngumiti siya ng pilit. Another broken smile. How many times should I break her before she gives me up?
"If I give myself to you now, Will you give me your heart?"
Fuck! No! I don't know. I really don't know. She can have me. But I know that she can never have my heart.
Trapped with the Cactus-Lover