Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex na stalker" tulak sa akin ng bestfriend Kong si alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis.
"S-sigurado ka ba dito Aly?" Pinagpapawisan na ako ng malapot lalo na at palapit na palapit na kami kay Blake at sa mga popular friends niya.
Tumigil kami sa harap ng table nila "Ah excuse me Blake" I said, trembling.
Huminto sila sa paguusap usap at saka sabay sabay na tumingin sakin.
"Yes?" He asked at tumayo sa harap ko.
Tumingala ako sa kanya. This is it pansit.
Pumikit ako at saka tumingkayad ako para halikan siya. Naramdaman kong tumahimik ang buong paligid dahil dahil sa ginawa ko. His lips were so soft and sweet.
Nakangiting minulat ko ang mata ko. Pero sa halip na si Blake ay ang shocked na mukha ng gorgeous yet bitchy girlfriend niya ni Reese Santillan ang nabungaran ko.