Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa mundo natin, maraming mga kababalaghan ang nangyayari... Di naman kailangang pahirapan ang sarili. Maniwala ka man o Hindi , nandyan lang sila sa tabi-tabi... Ang mga ELEMENTO.
ELEMENTO
Apoy Si Gino Ivan Lazaro ay nakakaranas ng napakaraming kababalaghan. Gabi-gabi nalang at paulit ulit ang kanyang bangungot na para bang Totoo. May mga pagkakataon din na para bang may nagmamasid sa bawat galaw niya. Isang ding malaking misteryo ang gabi na naaksidente siya kasama ang kaniyang nanay na ngayon ay baliw na at tatay na Bigla nalang na nawala. Marami siyang mga katanungan at di niya lubos maisip na sa isang nagsasalitang pusa niya malalaman ang kasagutan. Ngayon kailangan niya maghanda at mag ingat sa isang masamang espirito na nagnanais na kunin siya upang maisakatuparan ang di natapos na paghahasik ng lagim sa mundo. Matatakasan ba niya ang nakatandang kapalaran niya?
Lupa Si Clarissa Gutang ay anak na isang albularyo na mahiyain at mapag-isa. Dina bago sa kanya ang mga engkanto o ang mga espiritong pangkalikasan. Di niya inaasahan, may isang engkanto ang nagkagusto sa kanya at nagnais na isama siya sa mundo nitong panghabang buhay. Mabuti nalang may isang diwata ang nagligtas sa kanya na siyang nagpalakas sa kanyang loob at nag angat ng kanyang tiwala sa sarili. Pero nagbalik ang engkantong nagkagusto sa kanyau upang muli siyang kunin. Pano siya makakaligtas?
Hangin Si Junior "jun-jun" Sta. Maria ay may malagim na lihim na habang buhay niyang dadalhin. Isang sekreto na nagmumulto sa kanya tulog man o gising na siyang sinisisi sa isang diwata lubos na nagmamalasakit sa kanya. Simula din ng mangyari iyon, nagsimula siyang Makakita ng mga patay na tao na laging humihingi sa kanya ng tulong. Iniinis siya. Ayaw niyang makinig sa ingay ng mga multong ito. May isang multo na lumapit sa kanya at sinabing ang taong gustong-gusto niya ay nasa panganib. Makikinig ba siya?