Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Señorita, o La Señorita
Isang itong painting or larawan ng isang dalaga na naka baro't saya. Mukhang luma na ang nasabing larawan, dahil halos pakupas na ang mga kulay at nababakbak na rin ang gintong frames nito.
Sa titulo palang, iisipin mo na ang Senyorita ay isang magandang dilag na ginawang obra maestra at naging imortal sa pamamagitan ng isang natatanging larawan.
Pero may halong misteryo ang painting na ito.
Nakatalikod ang La Señorita imbis na nakaharap. Marami nang haka haka kung bakit patalikod siyang ginuhit. Sabi nang iba, di naman talagang magandang dilag ang Señorita, kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya. Sabi naman sa ibang kwento, anak ng isang prayle ang Señorita at ayaw makilala ng angkan niya na may katakot-takot silang lihim. Halatang galing siya sa may kayang-pamilya noong panahon ng kastila, at kapag nalaman noon na ang isang babae ay hija de bastarda ay malaking kahihiyan ang aabutin nito. Lalo na kapag anak ito ng isang prayle.
Walang nakakaalam sa kasaysayan ng nasabing larawan, lalo na kung sino ang nakatalikod na modelo at kung sino ang nagpinta nito.
Paborito itong urban legend ng mga bumibisita sa isang museo sa maynila. Marami nang mga historians ang nagsulat tungkol sa nasabing painting, ngunit walang sa kanila ang nakahanap ng katibayan tungkol sa kasaysayan ni La Señorita. Sinasabi pa nga na jinxed o may dalang kamalasan ang painting sa kung sino man ang magmamay-ari nito, kaya nilagak muna sa museo bilang historical artifact.
Sino kaya angdilag na ito at totoo kaya ang mga kwento tungkol dito?
At totoong malas kaya ang painting?
RECUERDOSDE UNA DAMA
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Memories of a Lady)
Sequel to "The Señorita"
Higit pang kilalanin si Señorita Almira de Izquierdo sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, na nasa kamay ni Tammy Cho.