The Mask Behind The Past

82 3 0
                                        

Author: shlisara

Language: Filipino


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Naranasan mo na bang pagtulungan dahil lang sa mahina ka at walang kuwenta?

Naranasan mo na bang paglaruan ng mga tao dahil uto-uto ka?

Naranasan mo na bang hindi paniwalaan na kahit ilang beses kang nagpaliwanag ay ayaw ka pa rin nilang pakinggan?

Shanelle Ramirez. Sa pangalan pa lamang, alam nang simpleng babae, at gusto lang ng tahimik at mapayapang buhay. Na kahit hindi siya kasingganda ng mga babaeng nakikita, nagugustuhan ng mga matitipunong lalaki, ay kuntento siya sa kung anong mayroon ang buhay niya. Sa malayo lang hinahangaan ang mga taong nakaaangat sa kanya dahil sapat nang makita ang sarili na kahit binu-bully sa eskuwelahan, huwag lang makasakit sa kapwa.

Sa kabilang dako ay dumating ang apat na babaeng hindi inaasahan ni Shanelle na pababagsakin siya. Dawn, Aura, Linda, at Kylie. Buong akala niya ay itinuring siya ng mga ito bilang totoong kaibigan. Na kahit mukha siyang 'outcast' sa pangkat dahil sa kagandahan at kasikatang dala ng mga ito ay hindi niya ito alintana.

Ngunit sa mga hindi inasahang pangyayari, trinaydor lang pala ng apat na babae si Shanelle. Nang sinubukang lumaban, pinatay ng apat ang babaeng kanilang pinaglaruan, nilibing nang walang awa, at iniwan nang nag-iisa sa ilalim ng lupa. Akala ni Shanelle, noong nasa hukay siya, ay tapos na ang lahat.

"Lumaban ka..."

At sa palaisipang iyon, bumangon muli siya na puno ng galit at poot. Hindi bilang si Shanelle Ramirez, ang mahina at inosenteng babae, ngunit bilang si Beatrice Reign Corpuz, ang maghihiganti at maniningil sa apat na babaeng sumira sa buhay niya.

"Magbabayad kayo..."



























••••••••••••••••••••••••••••••••••••







🖤🖤🖤


















Best Wattpad StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon