February 2
                              8:10am
                              Mogen:
Good morning!
                              9:30am
                              Alfieri:
good morning
                              Are you going to class now? 
                              Mogen:
Nasa class na ako
Kakagising mo lang no?
                              Alfieri:
Yes, sorry 
                              Mogen:
bakit ka naman nags-sorry?
                              Alfieri:
I woke up late
                              Mogen:
Ano naman? Wala ka namang work dito!
                              Alfieri:
I wanted to bring you to school
                              Mogen:
Hala ka-careerin mo na talaga pati paghatid sa school? Hahaha
                              Alfieri:
If that's okay 
                              Mogen:
Okay lang pero mas gusto ko makatulog ka ng maayos kasi maaga class ko, sayang time mo kung pwede naman sa pagsundo meet tayo
                              Alfieri:
Hmm
Okay then
Sundo na lang
                              Mogen:
Yes! 😄
                              Alfieri:
Did you eat breakfast? 
                              Mogen:
Maaga nagluto si mame ng champorado
grabe ang sarap nga e
tapos binilan ako ng taho ni dade
I feel loved talaga hahaha
                              Alfieri:
What's champorado and taho?
                              Mogen:
Ay naku hindi mo pala alam yun
Yung taho gawa sa tofu hinahaluan ng sago at arnibal, syrup yun na matamis. Tuwing umaga may naglalako nun dito sa subdivision
                              Champorado naman yung porridge na chocolate version, nilalagyan ng gatas. The best with powdered milk pag natikman mo!
                              Alfieri:
Really? I didn't know porridge had chocolate version and I can't imagine haha
Where can I find it?
                              And naglalako, what's that? 
                              Sorry, I have so many questions. Just wanna know about those food you're telling 
                              Mogen:
Lagi na lang talaga akong napapalaban sa English pag ikaw kausap ko hahaha pero ayos lang
                              Yung naglalako - person who goes to places, selling goods like yung taho, meron ding naglalako ng mga meryenda (lumpia, sapin-sapin, street food) marami pang iba
                              Wala ba niyan sa village niyo kahit minsan?
                              Alfieri:
I know now, I saw some people around with their food carts. 
                              Mogen:
Oo may ganon din, meron yung walang cart.
Sayang, walang naglalako ng taho sa village niyo
ang sarap nun
                              Alfieri:
Really? Is that sweet? 
                              Mogen:
Uu, gusto ko yon pag maraming arnibal
Dalhan kita minsan kaso mas masarap kasi pag mainit-init pa
                                      
                                   
                                              
                                           
                                               
                                                  