Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
lucentareplied: Taray ang lusog mo diyan prend
holymogen: Hala buti naman may cellphone ka na ulit
lucenta: Regalo lang ni Lunata sa akin kahapon, advanced birthday, Christmas at New Year gift na raw hahahaha
holymogen: Laki naman ng natipid ni Lunata
lucenta: Taena wag nga tayo rito magchat, kinikilabutan ako sa pangalan mo tsaka sa pagiging mahinhin mo kahit hindi ko naririnig. Ang lala kasi ng IG feed mo, church girl!
holymogen: Ikaw nagchat dito e wait switch ako
lucenta: Nasa simbahan ka pa ba?
holymogen: Wala na
➖
| Direct Message |
mogendays: Hoy tanga dito na
lucenta: Kara Mia ikaw ba yan? Grabe yung dala ng account mong banal ah, pati ugali mo hahahahaha
mogendays: Mahirap na baka alam pala nila mommy password eh jk
lucent: True yan walang imposible sa pamilyang religious HAHAHAHAHAHA
Anong balita? Madalang ako makasama ngayon kahit sa school sensya na ha, nawalan kayo ng magandang friend
mogendays: Gagu ayos lang, hindi naman totoo yan
lucenta: Pota ka!
mogendays: Totoo ba na nagseselos sakin girlfriend mo? Sabi ni Lunata narinig daw kasi niya nag-aaway kayo nung nakaraan tas sabi ng girlfriend mo, parati kang nakadikit sa akin
lucenta: HAHAHAHAHHAHAHHA gago tsismosa talaga si Lunata pero totoo, hindi ko nga alam kung bakit? Pucha, kadiri talaga pero di naman yon reason kung bakit di ako nakakasama e. Lunod lang ako ngayon sa pag aaral, nakakamatay kasi malapit na deadline ng mga pinapagawa
mogendays: Ang random din ng girlfriend mo no pero siya naman nakakaramdam ng nakakadiring idea na yun. No offense sa gender mo, pero magbest friend tayo kaya nakakadiri isipin 🤮