02/17
Malcolm:
Hoy, balita ko may valentine's gifts ka ah? Ganda mo, pengeng chocolates. Hindi mo naman yan mauubos lahat, ang madamot mapupunta sa hell. Tandaan mo. Hahaha
Mogen:
Meron, galing kila Jari and Knight at yung iba sa schoolmates at church mates. Kunin mo na lang sa bahay, hindi ko naman kakainin lahat.
Malcolm:
Never say die talaga yang si Jari at Knight no? Dinig ko kila mame na si Knight daw ang nakakausap mo ah? Totoo ba?
Mogen:
Busy ako, Macoy. Wag kang istorbo.
Malcolm:
Nagtatanong lang naman ako kasi parang sad ka pa rin kahit maraming nagkakagusto sayo
Mogen:
Friends lang kami ni Knight, si Jari pinatigil ko na rin kaya baka for friendship lang yung gifts
Malcolm:
Malay mo pero wala ka bang natanggap na ibang regalo? Dun sa maraming tattoo na nagregalo sayo ng airforce?
Mogen:
Wala ayokong pag usapan yan
Malcolm:
Tampo ka?
seen
Malcolm:
Crush mo ba talaga yun?
Mogen:
Pambata yung crush
Malcolm:
Gusto mo?
Mogen:
I don't trust you
Malcolm:
Ouch medyo masakit yan ah
Mas trust worthy si Morphie sayo?
Mogen:
Wala akong pinagkakatiwalaan sa inyong dalawa
Malcolm:
Gusto mo nga? Nagtatanong ako
gusto mo yung lalaki na yon, Mogen?
Mogen:
Hindi
Malcolm:
Sagot mo yan kasi hindi ka tiwala sa akin?
Mogen:
Kung hinuhuli mo ako, alam mo na dapat ang totoo
Malcolm:
alam ko naman na pero gusto kong mula sayo para sure
Gusto mo? Oo o hindi? Tsaka bakit?
Mogen:
Oo
Ayoko magsabi ng rason
Malcolm:
Hindi ka naniniwala kila mame na sasaktan ka nun eventually? Hindi ka natatakot sa kanya?
Mogen:
Alam mo kung ganyan lang ang itatanong mo ulit, wag ka na magtext sakin
Malcolm:
Hahahahaha galit na galit ka naman
Nagtatanong lang kasi curious ako
Ang dami mong manliligaw na religious at mukhang mga mababait eh
Diba dati umiiyak ka pag sinasabi ni Morphie na magpapatattoo siya gaya sa TV? Tsaka dun sa anime na maraming tattoo? Sabi mo ayaw mo kasi ang pangit
