FIRST KISS"MABUTI naman at hindi pa inaanay ang bahay nato" tanong ni harvey ng bumungad sa kanya ang bahay namin.
Inilibot ko ang tingin. Lalo itong pinalawak ni ate ash pero hindi nya ito Pinalagyan ng second floor bilang respeto sa lolo namin ni irohn at kay mama.
Nalungkot ako at muling ngumiti ng mapait habang naalala ang kakaunting memorya ko sa bahay na ito.
Si lola at mama nalang ang meron sa amin noon ni hindi nga rin namin nakilala ang tatay namin..
Puro tawanan ang bumuhay sa bahay nato at wala na kaming hihilingin pa ng mas higit pa roon basta mag kakasama lang kami.
Hanggang sa bigla nalang nag kasakit si lola at tuluyan ng nang hina.
Ang laking dagok non para amin na syang lalong nag pahina kay lola pero bigla nalang dumating sa buhay namin ang mag asawang florence at tinulungan nya kami sa pag papagamot kay lola at pati narin ang pang araw araw namin gastusin.
Simula din noong isinama kami nila mama ng mag asawang florence sa Cavite ay doon na kami nito pinatira at pinag aral ng mamatay na ang lola.
Doon din namin nakilala ang nag iisang anak nilang babae na si ate ash ang akala naman ay tulad ng ibang anak mayaman ay mapag mata ito at maldita pero binago nito ang pananaw sa katulad sa nya sa aming magka patid bagkus ay iturin pa kami nitong tunay na kapatid at pamilya.
Naging maayos ang pamumuhay namin noon sa puder ng mga florence hanggang sa mag kaisip kami
Pero ang akala naming tuloy tuloy na maganda at masayang buhay ay bigla nalang nawasak sa isang iglap. kinuha sa amin ang mag asawang florence kasama si mama.
Hindi na namin nakita ang katawan nila noon pa man mapa sa hanggang ngayon ay umaasa kaming buhay pa sila kahit matagal ng panahon simula nung mangyari ang aksidente.
Pagkatapos naming mag overnight sa cemetery ay dito naman kami dumiretso sa bahay kung saan kami nakatira noon.
Malinis ito laging mukhang maayos dahil may roong inupahan si ate na mag lilinis dito.
"Magandang umaga mam ash at sir Ean."
Bati sa amin ng mid 40s na babae. Sya yung laging nag lilinis at nag aalaga nitong bahay habang naroon kami sa manila. Sa kanya din namin ito ipinag katiwala
"Ano ba naman kayo manay Linda' ash nalang po masyado kayong pormal sa akin." Nakangiting sambit nito
Ngumiti si manay linda at nahihiyang tumango. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala itong babae na hinila nya pa mula sa labas ng pinto.
"Ah ma----ash. Adi mang baga anak kong babaye si savanah. Adi na sana pi kaiba ko sa pag lilinis didi. Usto ko sana siya na mag patuloy nag pag ke caretaker sa imong bahay."
Nandito kami sa sala at kasalukuyang nag papahinga.
Tumango kami sabay tingin sa babaeng kasama nito
Hindi sya na lalayo sa edad ko kung titingnan Morena ito at makinis ang balat may katamtamang taas at may pag wavey ang buhok na may pagka blonde na bumagay dito mas malaki ang dibdib kumpara sakin at may curve ang bewang na katamtaman naman sa manipis nitong katawan.
Nahihiya itong ngumiti at tumango sa amin. Ang cute..
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa pulsuhan saka hinala pa punta sa likod bahay.
YOU ARE READING
May Be This Time
RandomIrish Florence isang kilalang Spoiled brat. alam nitong maraming naiinis sa kanya dahil sa kaartihan na meron ito pero ano bang magagawa nya kung ganon talaga ang pag katao nya. Ang akala nya ay kuya lang nya ang makakatagal sa ugali na meron sya pe...