Kalandian 1

1.4K 66 50
                                    

"Ror! Ror! Ror!"  kumakanta lang ako habang naglalakad ako sa daan upang bumili ng isda sa tindahan nila Aleng Lengleng. Si Aleng Lengleng ang nanay ng crush ko. Ng Ultimate super duper ultra mega crush ko.

Sa kanila ako bibili ng isda kahit na tatlong kanto ang layo nito.

Rule #1: Kahit gaano pa kalayo si crush gumawa ka pa rin ng paraan para magkita kayo.

Kapag parati niya akong nakikita ay di na ako mawawala sa isip niya. Yon ang parati kong tinatandaan. HAHAHA

Naglalakad lang ako. Patalon talon pa. Hinawakan ko nga ang dede ko kasi baka umalog pero may nakakainis na sumigaw.

"Tangina Chuchu wag mo nang hawakan wala ka namang dibdib." Tinignan ko nga siya ng sobrang sama. Kaya ayon umatras ang betlog niya. Hmp! Kala niya sakin ha!

Pero na discreet. Discretion. Discremate. Discriminimalist. Hay. Nasaktan na nga lang. Nasaktan ako sa sinabi niya ha. May dede kaya ako. Si sasa at si sally. Baby pa sila kaya ganito pa lang sila ka liit no.

"Magandang tanghali po Mama Lengleng nandiyan po ba si Jon?" mama tawag ko kay Aleng Lengleng. Total future mama ko din naman siya eh. Hihi.

"Nako Chuchu anong nangyari diyan sa mukha mo? Ang dugyot mo. Tignan mo nga yang pawis mo. Kadiri kang bata ka. Wala akong anak na kadiri." diring diri pa ang itsura ni Aleng Lengleng. Pasalamat siya Mama siya ni crush kung hindi. Sinipa ko na siya papuntang Mars. Hmp!

"Di niyo naman po sinagot ang tanong ko eh." malungkot pa kunwaring ani ko. Sabay pout. At beautifully ice. Beauty eyes?. Basta ganon.

"Wala siya rito. Tigilan mo na nga ang anak ko Chuchu. Naiirita na siya sa pagmumukha mo. Ba't ka ba naparito? Para lumandi?"

Na sad namn ako sa sinabi ni Aleng Lengleng. Tatlong kanto kaya ang nilakad ko para lang mapuntahan si crush. Tapos wala pa siya.

Bumili na ako ng isda kina Aleng Lengleng at umuwi akong parang pinagbagsakan ng langit.

"Paano na yan di ako nakita ni crush ngayong gabi? Di niya ako mapapanaginipan! Huhuhu" umiyak lang ako ng umiyak. Tapos napatigil ako ng makita ko ang manika na nasa lamesa ko.

Tama! May paraan pa para mapanaginipan niya ako.

Rule #2: Kapag hindi kayo nagkita ni crush ngayong araw gamitan mo na ng pinagbabawal na teknik.

Kinuha ko na ang manika at kumuha na rin ako ng karayom at kandila. Hinanap ko din ang picture ni crush sa kama ko. Para kunwari ay katabi ko siyang matulog.

Sinindihan ko na ang kandila at inumpisahan ko nang tuskin ang ulo ni crush.

"Adobo pancit pancakes siomai rice kikiam shanghai." inawit ko na ang orasyon ko. Habang tinutusok ang ulo ni crush.

"Adobo pancit pancakes siomai rice kikiam shanghai."

"Adobo pancit pancakes siomai rice kikiam shanghai."

"Adobo pancit pancakes siomai rice kikiam shanghai."

Ilang beses ko inulit yon. Palakas ng palakas.

"Adobo pancit pancakes siomai rice kikiam shang—"

"Chuchu? Anong katarantadohan na naman ang pinaggagawa mo diyang bata ka?"

"Stay calm. Don't brother me." pag-e-english ko kay mama, distorbo kasi siya sa ginagawa kong orasyon eh.

"Mapapanaginipan mo akong gabi. Ikakasal tayo sa simabahn. HAHAHAHAHA." pagtatapos ko sa orasyon.

Matutulog na sana ako ng narinig ko ang sigaw ni Mama.

"Chuchu! Hugasan mo muna ang mga pinggan bago ka matulog!"

Kainis naman! Di na nga ako kumain para di makapaghugas ng pinggan eh!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Super mabilis lang ang story na 'to. Kagaya ng relasyon niyo. HAHAHA. Lol!

Rules paano ma-crushbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon