Maaga akong nagising at nagbihis papuntang school para makita ko si crush. Araw araw akong pumapasok. Di talaga ako uma-absent dahil bukod sa para makita si crush ay pumapasok din ako para sa baon. Syempre sayang naman ang baon na ibibigay sakin ni Mama sa araw na 'yon no. Pambili ko pa 'yon ng pang-regalo sa birthday ni crush. At sa Valentines. Christmas. New Year. At sa iba pang okasyon.
Nandito na ako sa labas ng school alas singko pa lang ng umaga kaya di pa bukas ang gate.
Rule #3: Maagang pumasok para maagang makita si Crush.
5:30 na nong binuksan ni Manong guard ang gate. Tinignan ko pa nga siya ng masama kasi sinabihan niya pa akong puro lang daw landi ang alam ko.
Sa classroom ko na hinihintay si crush. Ayaw ko naman tumambay sa labas ng classroom. Kasi ayaw ko na nakikita ako ng iba kong schoolmates ang maganda kong pagmumukha no. Mamaya mapanaginipan pa nila ako at ma-inlove sila sakin. Nako bawal yon!
"Crush! Baby! Darling! My love!" tawag ko sa crush kong si Jon. Tinignan niya naman ako na halata kong na-i-inlove na din siya sa akin.
Pagkatapos ng titigan namin ay bumalik na siya sa kaniyang upuan. At nahiga sa desk niya.
Di na din ako nag ka chance na lumapit sa crush ko dahil dumating na ang teacher namin.
Nag-discuss naman siya. Hindi na ako nakinig no. Tinitigan ko na lang si crush na super nakikinig kay ma'am.
Maya maya pa ay tumingin din sakin si crush. Hindi pa aminin nito na crush niya din ako. Ngumiti naman ako sa kaniya pero inismiran niya lang ako. Kita ko pa na may binulong bulong siya. Ano kaya yon?
"MISS BATONGBUKID!"
"Huwag mo kong sigawan!" sigaw ko pabalik sa sumigaw sakin. Natuyot naman ang lalamunan ko kasi si ma'am pala ang sumigaw sakin.
Kaya ba nakatitig sakin kanina si crush dahil tinatawag na ako ni ma'am?
Kinagat ko naman ang labi ko at dahan dahang tumayo. Parang maghihiwalay na ang mga buto ko sa paa.
Hindi din ako makatingin kay ma'am dahil baka lamunin niya ako ng buhay.
Tinignan ko na lang si crush para pampalakas ng loob.
"Miss batongbukid,parati ka na lang di nakikinig sa klase ko. Nasasayang lang ang pera ng mga magulang mo Miss batongbukid!"
"Pera naman nila yon eh. Hindi mo naman pera. Bakit ka ba nagagalit diyan. Di naman kita inaano." bulong ko pa pero narinig naman ni ma'am.
"Miss batongbukid! To the principal! NOW!" nag walk out si ma'am.
Hay nako. Ilang beses na akong napupunta sa principal pero di naman ako natatakot no. Subukan lang nilang paalisin ako dito sa school no. Susugurin ko talaga ang mga bahay nila.
Sumunod na ako kay ma'am. Pero bago ako lumabas. Tinignan ko muna si crush. Nagpa-cute pa ako ng konti. Oo, konti lang.
Rule #4: Huwag masyadong magpa-cute sa crush para di siya maumay sa pagmumukha mo.
Mukha naman siyang nandiri sa ginawa ko.
Ito talagang si crush kunwari pang di kinilig. Napaka-hard in get. Hard the get. Hard it get. Basta. Ganon.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gusto ko lang hatiin ang mga chapters. Kaya kahit maikli. Next chapter na. Para naman madaming chapter no.
BINABASA MO ANG
Rules paano ma-crushback
HumorSawi ka din ba sa crush mo? Di ka pinapansin? Hindi nagiging kayo? Hindi ka nag-e-exist sa paningin niya? Kawawang nilalang. Hanap ka na lang ng bagong crush. Joke! Halika na't samahan si Chuchu sa kaniyang paglalakbay- Este sa kaniyang paghuhugas...