05

1.1K 21 1
                                    

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Alas siete y media na pala kaya napagpasyahan kong bumangon at simulan ang araw ko. I took a shower and picked my outfit.


Today is a Saturday at wala kaming practice sa dance studio ngayon. We only have classes every weekdays so free kami during weekends.


Rain decided na magigym nalang kami to kill our time. Sumangayon na rin ako dahil wala naman akong gagawin ngayon.



As much as possible I want the following days to be relaxing dahil this 2 months of summer is the closest thing to freedom that I could possibly get.


My parents don't really bother me this much kapag summer. Well, sometimes they do. Gusto nila na mag-take ako ng advance Math and Science classes para hindi na 'ko mahirapan sa lessons next academic year, but luckily, parang wala silang planong i-enroll ako ngayong summer.


I have noticed that they are quite busier than before. Madalang ko na lang silang maabutan sa bahay.


I rummaged through my closet and decided to wear a black sports bra and a compression shorts. I picked my black Nike shoes and my duffel bag before I walked out my room. Hindi na ako nag-abala pang mag breakfast dahil kakain naman kami mamaya.


Pagbaba ko ng hagdan ay si Constantine lang ang nakita ko. He was dripping with sweat dahil katatapos lang niyang mag morning jog sa loob ng aming subdivision.


"Saan ka?" He stopped in front of me, asking.


"Gym." I casually answered, "Ikaw na magsabi kina Dad."


He nodded and began wiping his sweat. "Iyong Range Rover ipagamit mo kay Kuya Erick dahil gagamitin ko ang Sedan."


I raised my brow and stared at him curiously.


"Pinayagan ka mag-drive? Wala kang lisensya, ah?"


"Tss. It doesn't matter, malapit lang ang pupuntahan ko."


"Kung malapit lang pala, bakit hindi mo nalang lakarin?" I surveyed him.


He tilted his head before answering, "Where's the fun in that?" and gave a sly smile. I unconsciously rolled my eyes.


"Whatever, aalis na 'ko." sabi ko at nilagpasan na siya.


Sumakay na ako sa Range Rover at sinabihan si Kuya Erick kung saan ako patungo. I opened my phone and received texts from Adi and Rain asking me kung saan na'ko.


Alas otso ang aming pinagplanuhan na oras pero alam ko naman na late sila kaya binagalan ko nang kaunti.


Para maranasan naman nila gaano kahirap maghintay.


I arrived at exactly 8:45 AM kaya dumiretso na ako sa gym. Pagkapasok ko ay agad kong pinasadahan ng tingin ang interiors nito. The colors were mostly in black and red.


Matataas ang ceilings nito na kahit pa tumalon ka sa isang trampoline ay hindi mo ito maaabot.


Sa isang gilid ay may malaking boxing ring at pinalilibutan ito ng mga lalaki. Mukhang may training sila. The 950 sqm gym didn't look like a gym that would accept walk-ins. It's more like for members only.


Huminto muna ako sa isang counter para iverify and membership ko. Nalaman ko na membership pala ang kailangan kaya umavail ako ng one year subscription na nakapost sa site nila. Pagkatapos ko itong pirmahan ay iginaya nila ako sa isang locker room kung saan ko pwedeng ilagay ang mga gamit ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arctic SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon