01

2.3K 48 2
                                    

"Shout out to my ex! You're really quite a man!" Napakanta si Adina nang nakita niya yung 'ex' niya papunta sa stage. May practice kasi kami ngayon para sa upcoming stage play ng Filipino subject namin.


"My goodness Adi, stop embarrassing yourself!" Binaba ko ang hawak kong script. "Para namang maririnig ka niyan." Sita ko.


Tinapunan niya ako nang makahulugang tingin,"Come on Scar, I was kidding,"


"It's been a year since we broke up." Paliwanag niya, like that statement alone was enough to explain her sudden outburst earlier.


I stared at her looking disappointed. I hope she knows that defending her side was futile.


"Yeah right," I paused, "a year but you still can't get over him." I stated as a matter of fact, then shifted my gaze towards her 'ex'.


Pinaikot niya ang kanyang mga mata habang nililigpit ang mga gamit niya. "Whatever!"


"Uy Ad! Scar! Mauna na kami ni Ligaya!" Julie ran down from the top part of the auditorium to reach us.


Tumango ako. I checked my planner to see if I missed something to do bago ako tumayo at pumunta sa harapan ng stage para mag paalam. Total tapos na yung role ko at na memorize ko na yung script pwede na akong umalis.


"Ligaya bilisan mo! Next week na iyong birthday party at maghahanap pa ako ng--"


Iwinagayway ni Seyara ang kamay niya sa harap ng mukha ni Julie, "Ang ingay mo, Julieza! kailangan mo pa bang ipaglandakan na invited ka?" She raised her brow and crossed her hands.


Pinasadahan ni Rain ng kamay ang sarili niyang buhok habang tinitingnan si Seyara, "Well, It's not Nessa's fault naman na hindi ka niya kilala."


Seyara frowned. Lumapit si Ligaya sa amin dala-dala ang kaniyang tablet.


Contrary to her name, Ligaya has always been the silent type, 'yung tipong kahit masasagasaan na siya, hindi parin iimik. She rarely shows emotions too! Neutral lang palagi e.


"Ay! Wag kang mag-alala mamsh, ipapakilala kita sa kuya niya!" Pambawi ni Julie.


Lumiwanag ang mukha ni Seyara, "Dapat lang no! Crush ko kaya 'yon!" She giggled. Adi and Julie went silent, Ligaya stole a glance from me. I stared back at them in return. What?


Itinaas ni Rain ang kanyang kilay at inilagay ang braso sa kanyang bewang, "Hep! Hoy Seyara itikom mo yang bunganga mo ah! Baka may makarinig na naman sayo! Issue na naman to eh."


Seyara's face crumpled. "Sus! Para namang hindi kalat iyan sa buong campus! pati papel niya nga ako ang nag chi-check..." Napatingin ako kay Ligaya na umupo ulit sa isang silya malapit sa kung saan kami nakatayo ngayon at iniling ang kanyang ulo.


I returned my gaze to Seyara and snorted, "At ipanagmamalaki mo pa? Remember the time na nahuli ka niyang maglagay ng liham at tsokolate sa locker niya noong Valentines?" I mocked.


Seyara stilled like she remembered something embarrassing.


Lumapit siya sa akin, her eyes flared in anger. "Hoy! Hindi porket bitter ka ay papaalalahanin mo na ako sa nangyari noon!" Napahalakhak si Julie while Adina's eyes glimmered with interest. I let out a snickering smile.


Pinagpatuloy ni Julie ang pang-aasar kay Seyara, nakalimutan na yata niya na bibili pa siya ng damit para sa kaarawan ni Nessa.


Inunahan namin ni Adi sila na makaalis ng Audio Visual Room at pumunta kami sa may bench sa carpark at umupo. Ganoon palagi yung mga kaibigan ko. Maingay at palaging nang-aasar.


Arctic SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon