02

997 18 2
                                    

"Scene 6 na! Scene 7 stand-by!" Binuksan ni Isaac ang maliit na pinto na nagkokonekta sa entablado at backstage para paalalahanan sina Hector at Khafid dahil sila ang gaganap bilang Basilio at Crispin sa susunod na eksena.


Tumingin ako sa manila paper na sinabit sa isang pader dito sa backstage kung saan sinulat ang mga tao na gaganap kada scene ng Noli Me Tangere para magsilbi ito bilang gabay sa daloy ng dula.


Tatlong eksena nalang at kami na.


Uminom ako ng tubig ay binasa ulit ang huling linya na ilalahad ko para mamaya.


Ilang sandali ay natapos na ako kaya nilapag ko ang aking script sa isang table. Tumayo ako at inakyat ag hagdan sa backstage. Sinilip ko ang mga tao na nanunuod.


Agad akong natuod sa kinatatayuan ko.


"Shit." Mahina kong usal.


Puno ang Audio Visual Room ngayon. Maraming tao ang pokus na nanunuod sa entablado. Pero hindi iyong ang dahilan kung bakit ako biglang kinabahan.


Hindi ako naka imik nang nakita ko sa isang sulok ang dalawang pamilyar na pigura.


Dahan-dahan akong napaatras.


"Bakit sila nandito? They're supposed to be at work!" I exclaimed.


Sa isang normal na araw ay magiging masaya pa ako na makita ang mga magulang kong dumalo sa isang school activity, pero hindi ang araw na ito.


My hands started to shake.



Papaano kung may linya akong makalimutan? Paano kung madulas ako sa entablado? My mother would be so disappointed.


Patuloy akong napaatras sa ideya na namumuo sa aking isipan nang mabangga ko ang isang matigas na pader.


"Scar?"


Napalingon ako kay Atienza na siya pala ang nabangga ko.


Confusion was evident in his black eyes, "What are you doing here?"


"W-Wala," I avoided his gaze at bumalik sa backstage.


I need to perfect this play. Kinuha ko ag script ko at kinalma ang aking sarili. Binasa ko ito nang paulit-ulit para siguraduhin na nasaulo ko na ito.


Pumikit muna ako at inisip na para rin ito sa aking marka ngayong finals. Inisip ko ang gusto kung mangyari sa play ngayon pampawala sa mga negatibong ideya na pumapasok sa aking isipan.


Lumipas ang ilang minuto at bumukas muli ang munting pinto, niluwa nito si Isaac kasunod niya ay si Atienza na hawak ang sarili niyang script.


Isaac checked his paper and pointed at Hector and Khafid. "Kayo na, pagkalabas nila, pumasok na kayo agad." Tumayo na sila at nawala na sa paningin ko.


Bago bumalik si Isaac sa gilid ng stage ay nilagyan niya muna ng ekis ang natapos na mga eksena sa manila paper.


Sinimulan na akong pagpawisan.


shit! 2 more scenes to go!


Nalaglag ko ang script ko sa sahig. Nanginginig kong inabot ito nang may kamay na nauna sa akin.


"Hey..." Tawag niya sa atensyon ko, "You okay?'' Binigay niya sa akin ang aking script at umupo sa gilid ko. Hindi ko nalang siya pinansin.


Arctic SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon