04

402 10 0
                                    

"Aray! Ang sakit naman nito!" Reklamo ni Adina.


"Dapat as much as possible ay maflatten mo iyong legs mo sa sahig at walang gap sa dalawa mong binti."


"Gago! kung bakit kasi ngayon ko lang to sinimulan!" She tried to do the butterfly position, "Pakyu middle splits!"


"Ganito ba, Scar?" Rain asked and pointed her position, "Wala namang masakit 'ah!"


Napatingin si Adi sa kanya, "Sana all, flexible" Umismid si Adina, "Scar, anong susunod?"


Tumayo ako at pumwesto sa harapan nila. "Try niyong iextend 'yong arms niyo"  I extended both of my arms and let both of my palms touch the yoga mat. I admit masakit siya but I'm kinda' used to it. Araw-araw ka ba namang masasaktan? Sinong 'di masasanay doon?


"Pwede naming ma modify 'to pag di kaya." I demonstrated, "Let your head down. Ang goal dito ay dapat may mararamdaman kayong stretch sa hips niyo."


Tinigil ko na ang pag demonstrate at tiningnan sila.  I inspected if tama ba ang placements nila, mahirap na baka mabalian pa sila ng buto, kasalanan ko pa.


"Hold it for 10 seconds."


"Hoy, Adina 2 seconds palang 'yon ah!" Binato ni Julie ng unan si Adi, "Cheater ka!"


Adina raised her middle finger at Julieza, who is sitting causally in my bed. "Ulol! Ikaw nga dyan, sitting pretty! Kung sumali ka kaya para malaman mo kung gaano kasakit!"


"Yoga lang yan," Julie fanned herself using her hands, "Akala ko ba sabi mo sanay ka nang masaktan?"


Tinapunan siya ng masamang tingin ni Adi,


"Bars! Walang personalan oy," Rain intruded and laughed.


"Joke only! Pangpainspire lang 'yon para madistracted ka at makaabot ng 10 seconds!"


"Salamat ha," Her tone laced with sarcasm. Binalik ni Adi ang kanyang focus sa pagyoyoga. "Pasalamat ka at medyo good mood ako ngayon!"



Pinagpatuloy ko ang paggabay sa poses ng mga kaibigan ko. Ilang minuto ay nag-alarm 'yong phone ko na sinet ko kanina para may water break naman kami. Tumayo ako at kinuha ang aking water jug sa bedside table at uminom na. Nagsitayuan naman sila Rain para kumuha ng baso at lumapit sa water dispenser dito sa loob ng kwarto ko.


"Bakit ba kasi bigla kang naging interesado sa yoga, Adi?" Rain asked.


"Kailangan ng middle splits sa upcoming dance contest namin." Uminom ng tubig si Adina, "May isang buwan kaming practice tapos pagpipilian lang nila kung sino ang  pwedeng sumali sa contest... Alam niyo naman na gusto kong matry 'yong contest."


Agad akong napalingon sa gawi nila. "'Saan yan?" Interesado kong tanong.


"Sasali ka, Scar?" Napangisi si Rain. "Sali tayo!" Aniya.


"Oo nga, Scar! Diba kasali naman kayo ng dance troupe noon?" Nilapag ni Adina ang kanyang baso at inutusan si Julie na paandarin ang aircon. "Bakit ba kayo tumigil?"


Napaubo si Rain at pinatong ang baso niya sa lamesa. "Ay, busy ka pala ngayon Scar, next time nalang tayo sumali."


"Ha? Summer naman ngayon ba't ka busy? Sumali na kayo para may kasabay ako. Nakakahiya rin kaya dahil wala akong mapuntahan kada break... At siguradong matatanggap kayo dahil mabilis naman kayong matuto ng steps." Adina tried to convince me. I should consider her suggestion. Maybe it's time to give it another try?


Arctic SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon