Chapter 8

12 0 0
                                    

Mabilis dumaan ang araw, nadischarge na si Gen. Day off na! Si Raven naman, nagaaya manood ng sine ngayong weekend. Hindi ko alam kung anong motibo niya pero pumayag akong sumama. Baka mas makilala ko rin siya kapag lumalabas kami. Hindi naman siguro masamang sumama? Baka naman may iba rin kaming kasama, hindi na kaming dalawa lang.

"Pa, alis lang po ako saglit. Kasama po ung mga kawork ko."

"Ingat nak, anong oras ka uuwi?"

"Di ko pa po alam, pero magtetext nalang po ako kapag malelate ako ng uwi." Sagot ko.

"Ingat anak." Sabi ni papa.

Nag-aabang ako ng jeep, ng may pamilyar na sasakyang tumigil sa harap ko. Pagbaba niya ng bintana, si Raven agad ang bumungad.

"Hi! Tara na, wag ka na mag-jeep!" Sumakay naman ako agad, nagseat belt ako pagka-upo ko.

"Salamat! Bakit naman may pag-sundo pa? Hindi naman ako mawawala or mangi-indian! Hahaha."

"Siyempre, ganun talaga. Ihahatid rin kita mamaya pauwi." Sabay kindat niya saakin. Naramdaman ko namang uminit ung tenga ko at ang pisngi ko kaya tumingin nalang ako sa kalsada.

Habang nasa byahe kami, nakangiti lang si Raven. Ang ganda ng mga ngiti niya...

"Pwede magpa-tugtog?" Tanong niya.

"Oo naman, kotse mo kaya to! Haha!"

🎶I used to wanna be
Living like there's only me
But now I spend my time
Thinkin' 'bout a way to get you off my mind (yeah, you)
I used to be so tough
Never really gave enough
And then you caught my eye
Giving me the feeling of a lightning strike (yeah, you)
Look at me now, I'm falling
I can't even talk, still stuttering
This ground of mine keeps shaking
Oh, oh, oh, now
All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you
All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you
Everybody's tryna be a billionaire
But every time I look at you, I just don't care
'Cause all I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you (yeah, you) 🎵

Napakanta din ako sa isip ko, isa rin kasi sa mga crush ko before ang The Vamps!

Mga ilang minuto pa, nakarating na kami sa SM Batangas. Nagpark lang si Raven sa malapit sa entrance.

"Anong gusto mong panoorin?"

"Ha, akala ko ung Frozen 2?" Tanong ko.

"Hala ka, nagbibiro lang ako dun! Hahaha, parang di naman ideal na Frozen 2 ang papanoorin natin."

"Yun nalang! Favorite ko si Olaf, di ko gusto ung mga ibang showing na movie hehehe." Sabi ko sakanya.

Bumili muna kami ng pop corn, ng drinks, snacks tska ticket.

Naalala ko si Coleen, ang hilig nun bumili ng maraming pagkain kapag nasa sinehan!

"Tara na?" Aya ko kay Raven, na may dalang malaking popcorn! Jusmiyo di naman namin mauubos yun dahil bumili rin ako ng fries.

"Bakit naman bumili kapa niyan? Ako nag-aya sayo dito, sagot ko lahat to." Sabi niya habang pinipilit dalhin ung pagkain at inumin namin.

"Mukha kasing kulang pa sayo yang binili mo, charot! Hahaha!" Asar ko sakanya. Tinawanan niya nalang ako.

Pagpasok namin sa loob, hinanap agad namin yung upuan namin. Nagsimula narin ung movie, advertisements pa nga lang nakakarami na si Raven sa pagkain!

Tumagal rin ng halos two hours, take note, malaki na ung binili niyang pop corn, nabitin parin siya. Bumili ng maliit!

And I Love Her (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon