8 months na nakalipas, it's been tough pero nakakasurvive ako.
Pumasa pala ako ng nesting, endorsed narin ako at regular na! Sawakas, hindi ako nagkaproblema during probation period ko at na-regular rin ako.
8 months naring buntis si Gen. Dun parin sila nakatira samin, at yung boyfriend niya working student. At least, talagang pinanagutan niya ung kapatid ko. Hindi kami nam-mroblema ni mama dahil college na si Jason. Mostly school at bahay lang talaga siya, pati magulang niya minsan natawag si tita Mayra at nadalaw naman ang papa niya, si tito Rodel.
Nagtatrabaho siya sa isang fast food malapit sa bahay. 10 pm ng gabi halos sya palaging nakakauwi kapag may duty. Medyo nahirapan rin ako kay Gen, kapag off ko, madaling araw nagpapahanap ng kung ano-anong pagkain. Wala naman akong choice kundi tulungan yung boyfriend niyang maghanap. Nag-oorder lang naman kami, pero parang pagod na pagod ako kasi syempre kalagitnaan ng tulog ko biglang may kakatok at naghahanap ng pagkain sa kwarto ko.
Naiintindihan ko naman, buntis eh. Talagang may cravings, hays.
Ngayon, day off ko. Mag-grocery muna ako ng gamit ko at ilang kailangan sa bahay.
As usual, bitbit ko yung eco bag ko. May tindahan naman kami kaya hindi gaanong marami ang kailangan.
Inuna ko ang saakin. Dumampot na ako ng conditioner, deodorant, toothpaste at shampoo. Sinamahan ko narin ng napkin, dahil ubos na ang stock ko.
Sinunod ko namang kuhanin eh ung mga skincare products ko. Nag-invest ako bigla, kasi pang-gabi ako! Nakakaloka, 3 weeks after ng endorsement namin sa prod, pinimple ako ng malala. Hindi ko naman alam ang gagawin, dahil hilamos lang ako ng sabon palagi bago matulog.
Napanood ko sa YouTube na itry yung silk pillow cover, para naman daw hindi tigyawatin. Umorder agad ako sa Shopee nung sumahod ako. Medyo mainit sa umpisa, pero nasasanay narin ako dahil naka-aircon naman.
Sa anim na bwan na nakalipas, nakapag tabi ako ng pera para sa solar panel. Nabilhan ko rin si papa ng freezer, para naman makapagtinda siya ng frozen foods. Hindi na gaanong mataas ang bill namin sa kuryente, laking tulong ng solar panel! Nabilhan ko rin ng aircon ang mga kwarto nila, si mama at papa, tska si Jen at Jason.
Malakas rin kasi ako mag overtime, may incentives rin pala dito kapag maayos ung scorecard. Tiba tiba talaga!
Nung nakaraan, binilhan ko ng crib si Gen at Jason. Gusto pang bayaran saakin, sabi ko nalang wag na dahil pamangkin ko naman yung gagamit.
Going back sa pinamimili, nasa food section na ako. Namili ako ng snacks, at biscuits para baunin ko sa opisina. Mas mabuti ng may imbak sa locker, minsan kasi ang haba ng pila sa pantry tapos konti lang naman bibilhin ko.
Ang rule ko kapag nag-grocery dapat hindi ako makatatlong basket. So, hindi pa sya puno, good thing! Kaya nagbayad narin ako.
2,068.50 pesos ung nagastos ko, konti lang pero ang taas narin kasi ng bilihin. Umuwi na rin ako agad pagkatapos ko mag grocery.
Binigay ko agad kay mama ung mga para sa bahay, kay Gen naman ung mga pinabili niya. Si Jason naman eh gusto lang ng matamis, kaya halos lahat ay kay Gen na.
Nagbasa lang ako ng libro ko, until-until ko ng nabibili ang gusto ko. Nakakataba ng puso. Last week nga, nagbago na ung schedule namin. Hindi na 9pm to 6am. Ganun pala talaga, nagbabago lagi ang schedule at natapat ako sa pang 12 midnight na shift. Medyo nahirapan mag adjust yung katawan ko sa oras ng pasok pero okay okay naman.
Nung nag out ako ng 9am kahapon, inantay ko lang magbukas ang mall sa tabi ng building namin at dun na ako nagalmusal. Kakasahod lang rin namin kahapon, kaya nakapamili rin ako ngayon.
BINABASA MO ANG
And I Love Her (girlxgirl)
Teen FictionShe's a girl who also like girls. Chantal, an 18-year old girl who strive hard for her family. She plans her future ahead, her world revolves around her family. Raven, a 23-year old who loves to enjoy everything in life. An adventurous girl, who do...