Chapter 6

27 2 0
                                    

Good morning! Ang sakit ng ulo ko. Ang hina ng alcohol tolerance ko, kaya kahit ilang bote lang ng beer ay nahilo na ako agad.

Pagka bangon ko, inayos ko lang ang higaan ko at nagpatay ng aircon. Naghilamos agad ako at nagalmusal. Si Gen ang nagluto ng agahan ngayon dahil nalate ako ng gising.

7am na, almusal namin ngayon ay sunny side up na itlog, tuyo, sinangag at tocino. Panigurado, cravings nanaman to ni Gen. Ayaw nito ng tocino nung hindi pa siya buntis. Haha!

"Ma, pa, good morning. Kain na po." Bati ko sakanila.

"Himala at hindi ka nag jogging ngayon?" Sabi ni papa, natatawa pa.

"Nalate ako ng gising pa. Lowbatt pala ung phone ko, ayun di ako nagising sa alarm ko. Hehehe."

Nang matapos akong kumain, naglinis na ako ng pinagkainan at naglipit sandali sa sala. Yung kwarto ko naman ang sinunod ko. Konti lang naman ang iimisin ko, kaya nagbasa ako pagkatapos.

Hindi ko masimulan ung Harry Potter kasi tinatapos ko pacung Percy Jackson ngayon. Mamaya, may pasok narin ako ulit. Tapos na ang aking day off.

"Ate, tinatanong ni mama kung maghahapunan ka daw. May pasok ka na mamaya ulit diba?" Tanong sakin ni Gen.

"Hindi na ko maghahapunan, dederecho na ako pasok. Pasuyo nalang kamo ng baon ko." Sabi ko kay Gen.

"Kamusta naman, hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?" Tanong ko kay Gen.

"Hindi naman ate. Maraming salamat sainyo, nakaka-ahon ako kahit papano. Si Jason, nagbibigay sakin ng pera ate. Kapag sumasahod siya, itinatabi ko ung pera niya kapag wala naman akong pag gagamitan.

Nagtatabi rin ako ng mga binibigay niyo. Kinausap pala ako ng principal, kasi bakit pa daw ako pumapasok ng buntis. Sabi ko, sabi ng ate ko hindi ako pwedeng magstop. Saka na ako liliban kapag manganganak na ako. Hahaha! Mga chismosa pati ung mga nasa school. Sino daw tatay, dedma sakanila. Di naman sila importante." Kwento niya sakin.

Nagkwentuhan pa kami ng ibang bagay. Nagutom siya bigla, kaya bumaba narin. Hiniram niya ung isang libro ko, These Shallow Graves. Maganda un! Soothing. Hahaha!

Around 1:30 pm, naligo na ako at iidlip sandali. Baka mahirapan ako sa shift namin mamaya dahil 12 midnight na ang pasok ko, pero maaga ako umaalis kasi delikado sa daan.

Nagising ako sa alarm ko na 8:30 pm. Naghahapunan na sila mama. Sabi ko, di na ako kakain at dun nalang sa opisina. Maliligo na kasi ako, baka mahirapan ako sumakay.

"Anak, eto baon mong pagkain. Yung biscuit mo, inilagay ko narin. Salamat para sa perang ibinigay mo kanina 'nak." Sabi ni mama, habang nakangiti.

"Wala po yun ma. Alis na po ako."

Mabilis naman akong nakasakay ng jeep at nakarating ng opisina. Nilagay ko muna ung baon ko sa ref sa pantry, para di masira yung pagkain. Baka mapanis agad kung sa locker ko eh.

Tumambay muna ako ng sleeping quarters, dahil 9:30 pm ako nakarating ng opisina. Nag alarm nalang ako ng 11 pm para makapag set up ng maaga.

Nagising ako bago ang alarm ko, dahil sa ingay na naririnig ko. May lumalangitngit na kama? Ano ba yun? May mga ipit na ungol rin. Nakakatakot ah! Mamaya ako lang pala magisa dito at multo yun!

Dali dali akong bumangon ng higaan ko at tumambay nalang sa smoking area hanggang 11 pm. Hintay hintay nalang ng oras. Naka dalawang stick din ako ng yosi, ang random naman kasi nung biglang may ganung tunog! Para akong minumulto eh.

Pagka 11 pm ay umakyat narin ako ka agad. Nagset up na ako, at tumambay sa lounge room bago ng mga 30 minutes.

At sa hindi nga naman inaasahang panahon, nakita ko yung babae na nag-abot samin ng tissue ni Coleen sa coffee shop! Dito pala siya nagtatrabaho, at mukhang parehas kami ng account.

And I Love Her (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon