Chapter 2

42 0 0
                                    

Good morning! Maaga akong nagising kasi magluluto ako ng almusal namin.

4 am palang, so nagdecide akong mag jogging for 30 minutes. Nagprepare na para sa jogging ko.

Habang umiikot ako sa village namin, may napansin ako. May bagong lipat dito sa street namin, kasi kagabi wala pang ilaw yung bahay nila. Ngayon may naglilinis na, pagke-aga aga! Hahaha!

After 30 minutes, nakauwi na ako. Naligo lang ako saglit, tapos nagluto ng tinapa, itlog at sinangag ko ung kanin kagabi. Nagluto rin ako ng gulay, chopseuy para kay papa.

"Good morning ma! Kain na!" Masigla kong bati kay mama, after ko magluto ng almusal.

"Salamat nak, may gagawin kaba ngayon?" Tanong ni mama.

"Kukuha lang po ng government IDs ngayon. Sana mabilis lang. May tutor kasi ako mamayang hapon." Sagot ko.

"Oh sige, bukas samahan mo ang papa mo sa ospital. May monthly check up siya diba, bukas un. Ipapacheck kung anong lagay ng diabetes niya." Malungkot na sabi ni mama.

I know, pagod na si mama. Hindi biro na saluhin niya lahat ng gastos kasi nagkasakit si papa. Dating OFW si papa, kakauwi niya lang galing Taiwan. Nung nalaman sa medical na may diabetes siya, hindi na ulit siya nakaalis ng Pinas kaya nagtindahan nalang siya dito. Malakas naman kita, lalo na pag uwi ni Gen. Nagtitinda rin kasi siya ng mga meryenda, kaya kahit papano nakakapag ipon siya ng kanya at nakakatulong kay mama at papa kasi marami rin nabili samin.

Walang palamig na tinda si Gen, pero si papa merong softdrinks, tubig at mga juice kaya may panulak. Oh diba! Idea nila un.

Naalala ko, tuwang tuwa si mama nung nalaman niya kasi tama naman, pag walang panulak, saamin nalang bibili. Hahaha!

"Ate, may extra kaba jan? Kailangan ko kasi ng 100 para sa group payment namin. Hindi pa ako nagbabayad, kasi tinitipid ko yung allowance na binigay ni mama." Naputol ung iniisip ko dahil sa tanong ni Gen.

"Oo naman, eto 200. Itabi mo nalang, baka may kailangan ka pang bilhin."

"Thanks ate! Pasok na ako. Salamat sa ulam."

After umalis ni mama at Gen, naghugas na ako ng pinagkainan at naghanda para sa aasikasuhin ko ngayon. May tutor rin ako mamaya. Bukas naman may New Hire Orientation sa work. Ang hectic ng schedule ko ha! Hahaha.

Mga 6am nakapila na ako dito, 7:30 pa daw magbubukas. Sakto naman na lahat ng kailangan ko pwede irequest dito, ayun.

Nagfill out lang ako ng mga ilang form, para isubmit. Sinabihan nalang ako na tatawagumin nalang daw kapag okay na, which is mga 2-3 hours daw.

Naisipan ko munang tumambay sa convenience store sa baba, kasi mainit. Baka maligo ako sa pawis kung doon ako sa taas maghihintay.

After 2 hours bumalik ako, and sakto nakita ko ung name ko sa releasing! Buti nalang.

"Gomez, Chantal." Tawag nung sa information desk.

Agad akong pumunta sa table niya.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning, ineng. Eto na ung dokyumento mo. May ID naring kasama etong mga to. Paki-ingatan dahil kapag nawala, magpapa affidavit of loss ka na may notaryo tapos 150 pesos isa ang bayad sa replacement." Sabi ng officer.

"Maraming salamat po."

Pagkatapos kong kuhanin lahat, sumakay nako ng jeep papauwi. Ilalapag ko lang to at dederecho na ako sa kabilang village namin para magtutor.

By 2pm andito na ako kela Mrs. Guillermo. Yung anak niya kasing bunso ang tinu-tutor ko.

"Magandang hapon po. Asan po si Annalise?" Hanap ko sa yaya nila, kasi di ko naman nakita yung bata pag-pasok ko ng bahay.

"Ay naliligo lang ineng. Dito na kayo sa lamesa, dahil ginagawa ung kwarto niya."

"Sige po. Thank you."

After few minutes, bumaba na si Annalise.

"Ate Chantal, hi!" Bati niya sakin.

"Hello, kamusta ang school?"

"It's okay, by the way, ate I aced my quiz today!" Masiglang sabi niya sakin.

"Good job! Anong subject?"

"Science, English and MAPEH!"

Nakakatuwa naman dahil halos lahat ng subjects niya, ako ang tutor niya araw araw.

"Great! Now, let's start. Give me the books of your subjects today, and tomorrow. Plus your notebooks."

Grade 5 na pala si Annalise. Solong anak siya, kaya halos lahat talaga binibigay sakanya ng parents niya. Madalas kasing nasa trabaho sila Mr. at Mrs. Guillermo kaya walang nakakatutok sa pag-aaral niya. Nung nagstart yung school year, ako na ang nagt-tutor sakanya. Dagdag baon ko rin to nung nag-aaral pa ako. May pasok pa sila kahit halos lahat bakasyon na, kasi sa international school siya naga-aral. Naka-base ung oras at araw ng pasok niya sa ibang bansa, kaya kakaiba.

Nang matapos ang tutor, niyakap ako ng bata. Naluha naman ako bigla, kasi alam ko magtatrabaho na rin ako at hindi ko na siya matuturuan palagi. Baka kapag day-off ko nalang.

"Ate, I'm really happy you're my tutor. Para akong may kapatid." She smiled.

"Aww, thank you, Annalise."

Nagpaalam na ako sakanya, at umuwi na saamin.

Nagluluto na ng hapunan si mama habang si Gen naman ay naga-aral sa kusina. Si papa, as usual, bantay ng tindahan namin.

"Oh, anjan kana pala, ate." Bati ni Gen sakin.

Ngumiti ako sakanya, at sumenyas na aakyat na muna ako.

Nagprepare na ako ng gamit ko para bukas, kasi bukas ung NHO namin.

Habang kumakain, nagpaalam ako kela mama.

"Ma, pa, pang-gabi po pala yung pasok ko sa call center. Mag simula na ako bukas. 9pm ung pasok ko." Sabi ko.

"Magdala ka ng pepper spray, tska ng panyo at jacket. Baka malamig doon, tapos mainit paglabas mo." Paalala ni papa.

"Kailangan mo ba ng pamasahe, anak?" Tanong ni mama.

"Hindi po. May naitabi naman ako sa pagtutor ko." Sagot ko kay mama.

Nagkwentuhan nalang kaming apat, tapos si Gen na muna ang pinaghugas ko ng plato. Aasikasuhin ko kasi lahat para bukas.

Nagbuhos muna ako ng katawan, mainit kasi. Haha!

Good night!

---
Salamat sa pagbabasa.

And I Love Her (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon