CHAPTER 1:
"Hmmmm... Think... Think... Pa'no nga ba 'to sagutin?" tanong ko sa sarili ko. Right now, I'm answering the most difficult subject ever --- MATH! Hindi kasi ako gaano katalino pagdating sa subject na ito. It mostly took me 10 minutes to answer one equation.
Evaluate the following:
1. sin 90°
2. cos 180°
3. cos 60°
4. sin 45°
5. sin 270°
6. cos 45°
Naku naman, men. Ang hirap! Ano ba 'tong sin at cos na 'to? Coscosin ko ang papel na 'to, eh. Amph! At eto pa:
Using the long division method, find the remainder of the following :
1. f(x)= x3-3x2+ x + 4 ÷ x - 2
2. f(x)= a3 - 3a2 - a + 20 ÷ a + 2
[Author's Note:*Sa mga matatalino out there o sinuman ang may nakakaalam sa answers, isipin niyo nalang na mahirap 'yan.
^___^ ]
Tulooooooong! Dumudugo na ang utak ko!!!!
Ughhhh... I'll be dead any time.
Pero nabuhay ang katawang lupa ko nang tinutulungan ako ng best friend ko na si Einstein.
Wait! Not Albert Einstein. He's a NO-NO in my list of friends. Patay na rin 'yon. May his soul won't haunt me. Takot pa naman ako sa mumu.. T^T
This best friend of mine is actually a lady. Her name is Lady Einsteinette Argoncillo. Teine for short. Mabait at napakatalino ng best friend ko. Nahihiya nga ako sa bawat turo niya sa akin ng math, eh. Kumakapal lang talaga ang face ko kapag tungkol na sa math ang pinopoblema ko. Hihihi.. ^____^
Oh! I forgot to tell my name. Eto kasing author nito makakalimutin. =_= 'Di ba Meshie?
By the way, I'm Pam Chrisha Elayne Mayer.
Oo, mahaba talaga ng name ko. Ang weird nga ng name ni Einsteinette eh, akin pa kaya?
Ewan ko nga ba sa parents ko, kung ano-ano na ang binibigay na name. Their only reason was that it's the combination of their names.
"Mac, anong nginingiti mo diyan?" tanong ni Einsteinette sa 'kin. Confusion and at the same time curiousity were drawn in her face.
"Ha? Wala," sabi ko sa kanya. Ah, oo nga pala. Mac is my nickname. Napaka-male ng nickname ko 'no? Si daddy kasi eh! >____<
"So why are you smiling?"
Teine naman, eh! Inulit mo lang ang tanong pero english version nga lang. (>____<) Hindi talaga ako tatantanan nito. =____=
"Okay. Suko na ako. I was just smiling kasi you're crush has just arrive inside the library," pabiro kong sabi sa kanya.
Agad namang lumingon-lingon itong si Teine sa paligid niya. Ako naman, pinipigil ko ang tumawa ng malakas, eh, kasi siyempre nasa library nga kami. Pulang-pula na kasi ang mukha ng bespren ko. Eh, kung makapag-react, wagas.
"Wala naman si Red, eh (>3<)," sabi niya habang nagpa-pout ang mukha. "Miminsan nga lang makita ang crush eh. Nakakainis ka. Sagutin mo na nga ang equations. Dadadagdagan ko talaga 'yan 'pag biniro mo pa ako ulit."
Ngumiti lang ako. Nakakatuwa talagang asarin itong si Tiene.
Red Timothy Olaer is Einsteinette's Einstein. Gets niyo?
Well, he's been her crush since our first year in high school. Kunbaga ultimate crush na niya si Red. Hindi lang si Tiene ang may crush kay Red, I think all the girls in this campus. Except me.
May iba akong gusto 'no. ^___^ Ang kakambal niyang si Blue. >/////<
"OH-EMM-GEE! Nandiyan ang ultimate trio princes." Mahinang tumitili ang mga babae sa likuran namin.
Naku naman, men. Pwede naman sa ibang lugar magpakita ang tatlong 'yan, 'di ba? 'Wag sa library. Only sanctuary ko ito, eh. >____< Please?
"Oh no! Not you, too..." Napasapo nalang ako sa noo. Kung nakikita o naiimagine n'yo nalang ang bespren ko, unti-unti nang nagfo-form ng heart shape ang mga mata niya. Nakita kasi si Red.
♥_____♥ <------ Teine
Ah, oo nga pala. Red and Blue are two of the so-called “Ultimate Trio Princes”. Ang isa dun ay ang kinaiinisan kong tao.
Si John Nathan dela Cruz, my mortal enemy and at the same time my, err, friend. He’s JN for short.
"Mac!"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit hindi ako lumingon sa kung saan man si Blue, alam ko na siya 'yun. Kabisado ko na siya, eh.
Eto naman si Teine, parang wala lang sa kanya na paparating sina Red. Pero alam ko deeeeeeeeeeeep inside her, kinikilig na 'yan. HAHAHAHAH!!!
"Mac!"
Tumingin agad ako sa kanya.
"Blue... eh?" Nasan na siya? Bakit ibang tao ang nakikita ko ngayon?
Ang nasa harapan ko lang eh ang asungot na si JN. =____= Pssh.
Lumingon-lingon ako para hanapin ang Blue ko at
*tugsh*
Nakita ko na ang target ko na may babaeng lapit ng lapit sa kanya... :(
Haaaaaayyyyyy...
As usual... Ganyang eksena talaga ang nakikita ko. Hearthrob din kaya siya campus tulad ng kakambal niya. Maraming babae ang nagfflirt sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Kami lang ni Teine. Chos!
"Ang dali-dali naman ng sinasagot mo. Nakahiya ang pagiging top 3 mo dito sa campus. Tsss."
Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko. Napaka-epal talaga ng JN na 'to kahit kailan. Nag-e-emote ako dito tapos biglang sisingit?
"Che! Nag-aaral po kasi ako at nagpapaturo sa Top 1 student dito sa campus." To the highest level na ang katarayan ko. :D "Ah, oo nga pala. Pang-ilan ka nga ulit? Top 4 right?"
Imbes na magalit sa sinabi ko, nagbigay lang ng evil smile si JN sa 'kin. Hindi maganda ang kutob ko rito. -___- May kung anong ideya ang pumasok sa kukote nito. Lumapit siya sa 'kin. As in close na sa mukha ko.
Narinig ko namang nagtitili ang mga babae sa kabilang table.
“Hahalikan ba ni Prince John ang nerd na 'yan?”
“'Di ko alam. Panuorin natin. May popcorn ka ba d’yan?”
Ano daw? Anong akala nila, nasa sinehan lang?
Mas lalong nilapit ni JN ang mukha niya. His lips touched my right ear which makes me shiver. Bigla akong kinabahan. Pero siyempre hindi ako nagpahalata. Baka humangin ng malakas at sabihing na-iinlove ako sa kanya. Yuck! EWWW!
"'Pag na unahan kita sa ranking sa honor roll, lagot ka sa 'kin," bulong niya sa 'kin. Humarap siya at hinawakan ang dulo ng buhok at inamoy. "Lahat ng gusto ko ay susundin mo.
Whether you like it or not," sinabi niya 'yon in a very seductive way. >////////////////////////////////////<
WAAAAAAAAHHHHHHH!!!! ANO DAW?!