CHAPTER 2

108 0 0
                                    

"Teine, ikaw ang witness ng bago naming deal ni Mac ha?"

"Aba siyempre naman! As always," she said with a big smile. :D

Masaya 'yan kasi kausap ang crush eh.

"Pumasok na tayo, Red. Late na tayo sa next subject natin. At saka, nasaan na ba si Blue? Hanapin mo nga 'yun."

"Kung makapagsalita parang master," bulong ko sa sarili ko.

"Master naman talaga ako, eh. Sa bahay man o sa campus."

Wow! Ang lakas makasagap ng ears niya. I just whispered to myself. Bilib na ako sa kanya. Ngayon lang.

"Bye Teine. Mauna muna kami," sabi ni Red. "Kita lang tayo. Bye Mac."

"Bye!" Anong ibig sabihin ng 'kita lang tayo' ? Sheeessshh.. Napatsismosa ko naman. But I smell something fishy, ha.

"Bye Mac!" sabi naman ni mahangin sa'kin. "'Wag mong kalimutan ang deal natin ha?"

"Hindi ako magpapatalo sa'yo."

"'Wag munang pilitin ang sarili mo na mag-aral. Alam ko naman na ako ang mananalo, eh! HAHAHA!"

"Asa ka pa! Tsupiii.. Alis ka na nga."

Umalis na rin si Mr. Mahangin kasama ang kambal.

Narinig kong nag-sigh si Teine. Well, mukhang baliw 'ata ang bespren ko. Laki ng ngiti sa labi, eh.

“'Wag kang masyadong ngumiti, bespren at baka mapunit ang maganda mong face,” sabi ko sa kanya.

“Ikaw naman, parang pasan mo ang daigdig,” tawang-tawa niyang sabi.

“Shhhhhhh!”

Napatigil si Teine sa pagtawa ng tumayo ang librarian sa desk.

Lahat yata ng students dito sa campus takot sa librarian. Lakihan ba naman ang mga mata at taasan ka ng kilay 'pag nag-ingay ka sa loob. Sinong hindi matatakot dun? At kapag nahuli ka na nag-ingay, naku! Ilalagay ang name mo sa bawat bulletin board ng campus at may isang punishment na ibibigay niya which hindi ko alam kasi wala pa naman akong nabalitaang nabigyan ng parusa.

“'Yan ang tinatawag na karma,” sabi ko.

“Ha-ha-ha. Ano kasi ang niyayamot mo

dyan?”

First, badtrip ako kasi hindi ko nakausap si Blue ko.

Second, si Mr. Mahangin. Palagi naman akong naasar dun, eh. Since mga bata pa kami, inaasar na ako nun.

===== Flashback====

I was 12 years old with my best friend, Teine. Naglalaro kami nun ng dolls. We were so happy playing with our toys when the door of my room opened. Nakita ko ang 12 – year - old JN.

Oh 'di ba? Unang kita palang namin umepal na siya.Siya kasi ang nakakuha ng Dakilang Epal award.

“Who are you?” I ask him. Englishera na ako, 'no? HAHAHA.

Lumapit siya sa 'kin. “I’m JN and I challenge you in a duel.” Siya rin english ng english noong bata pa kami. =__=

Duel? Ano naman 'yun?

“What duel? As you can see, I’m busy playing with my best friend.”

“A duel in archery.”

“You’ll lose.”

“I will win and you’re the loser, Mac.”

Nakakaasar ang batang 'to ha! Kung alam lang niya na nag-champion na ako sa archery in junior level. Hindi ako nagyayabang, ha. Totoo 'yun.

Yet Another Teenage Love Story (on going)Where stories live. Discover now