Seventeen

1.2K 42 1
                                    

Seventeen

Kung may naagrabyado si Mommy, sino naman kaya? Hindi ko malalaman ang totoo kung na rito lang ako sa lugar na ito. Sheltered ng lahat. Walang silbi.

I need to do something. Pero bago ko magawa ang mga nasa isip ko kailangan kong kayanin muna ang takot sa puso ko.

Natigilan ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis akong bumaba ng pasimano at tinakbo ang tumutunog na cellphone.

"Princess?"

"Gosh, Naz! Magugulat ka sa nalaman ko."

"Ano yun? Sabihin mo sa akin."

"Si Gage...s'ya ang nakarelasyon ng Mommy mo."

"Princess, nagjojoke ka ba? Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo sa akin?"

"Narinig ko ang Lolo mo. Kukunin ka na n'ya d'yan. Nagpasya s'yang bawiin ka na kay Gage. Dahil feeling daw n'ya maling desisyon ang ihabilin ang kaligtasan mo sa tanong winasak ng Mommy mo." Sunod-sunod na pumatak ang luha ko.

"Naguguluhan ako, Princess."

"Wag kang mag-alala. Magsisiyasat pa ako. Pero mas mabuting iwasan mo si Gage habang nariyan ka pa. Tawagan mo ako kapag may gawin s'yang masama sa'iyo." Mabuting tao ang binata. Nararamdaman ko iyon.

Ibinaba ko ang tawag at pabagsak na humiga sa kama. This is so frustrating. Never kong nakitang nag-away ang magulang ko. Lahat ng memories ko kasama ng magulang ko ay masaya. At hindi ko rin nakikita kahit man lang sa imahinasyon ko na magagawa ni Mommy iyon sa amin na pamilya n'ya.

Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip. Nagising ako na hindi na ako mag-isa sa silid na iyon. Ngumiti ang babae sa akin at naglahad ng kamay.

"I'm Quinn! Nakausap ko si Gage, kailangan mo raw ng tulong ko." Ibig sabihin doctor ang babae?

"Kung iniisip mo na doctor ako, nagkakamali ka." Sabi nito na kumindat pa sa akin.

"Kung hindi ka doctor, ano ang maitutulong mo sa akin?" Tanong ko rito.

Ngunit nagkibitbalikat lang ito.

"Miss!" Tawag ko rito.

"Kung gusto mo ng normal na buhay, subukan mong magtiwala sa ibang tao. Lalo pa't ang taong iyon ay may magandang intension sa'yo."

"Paano ko gagawin iyon, hindi kita kilala. Hindi ko kayo lubos na kilala."

"That's the point, alam mo mas magandang magtiwala ka sa mga taong tulad ko at ni Gage. Hindi ka namin ipapahamak." Umiling ako. Bata pa lang ako nasira na ang tiwala ko sa ibang tao. Kaya nga ako nagkaganito eh. Sa sobrang pagtitiwala ko noon napahamak ako sa kamay ng mga taong kahit hindi mo kilala ay pinagkatiwalaan ko.

"Relax, Nazneen. Masarap ang maging malaya. Sa nakikita ko ikaw lang ang pumipigil sa sarili mo na gawin iyon."

"S-iguro nga." Malungkot kong tugon dito.

"Wala kasi akong magawa sa bahay. Kailangan mo raw ng makakausap kaya naman ininvite ako ni Gage dito. Well, kailangan mo ba ng katsismisan?" Nakangiti na nitong sabi sa akin.

Kung ito ang steps ni Gage para simulan kong mag-open up sa iba. So be it, itatry ko para naman makaahon na ako sa kinalulugmukan ko.

"Sige, maliligo lang ako. Hintayin mo na lang ako sa garden."

"Okay. Pakibilis lang. Mainipin kasi ako." Kumindat pa ito bago nagtungo sa pinto ng silid ko. Ako naman ay dali-daling nagtungo sa banyo para maligo.

Di rin nagtagal nakaligo na ako at nakapag-ayos.

"Sa garden ka na mag-breakfast naghihintay si Ma'am Quinn doon." Sabi ni Rosalinda na may bitbit na tray ng fresh juice. Sumunod ako rito.

Pagdating namin sa garden inabutan namin si Quinn na nakatayo sa isang gilid at hinahaplos ang isang bulaklak.

"Saluhan mo akong mag-breakfast." Kuha ko ng atensyon nito. Ngumiti naman ito at umupo sa bakanteng pwesto na malapit dito.

"Let's eat?" Tanong nito sa akin kaya naman tumango ako.

"Takot ka raw sa mga dolls." Sabi ni Quinn na ikinatigil ng paggalaw ng kamay ko."Alam mo ba ang isang way para matanggal ang takot na nabuo sa isip mo...harapin mo yung takot na yun. Kung patuloy mong iiwasan, habang. Buhay ka na lang paiikutin at mas maraming opportunity ang napapalagpas mo."

"Gusto ko mang mawala ito, marami na ring doctor ang sumubok na tulungan ako pero paulit-ulit lang kaming nabigo."

"Hinayaan ka ba nilang mapalapit sa mga kinatatakutan mo? Hinayaan mo bang mag-open ka sa kanila ng mga takot sa puso mo?" Tanong nito. Natigilan ako at napatitig sa plato ko.

"I think you didn't. Hinayaan mo lang sila na gamutin ka. Pero hindi mo pinayagan ang sarili mo na gumaling. Ang isang sugat kusang gumagaling yan, pero kung paulit-ulit na nagagalaw sa maling paraan walang paghilom na magaganap. Tulad mo Nazneen, hindi ka naghihilom."

Sino ba ang babaeng ito. Bakit parang marami itong alam.

"Wala akong alam sa pagkatao mo kung yan ang iniisip mo. Masyado ka pang bata sa edad mo, pero parang pasanpasan mo na ang mundo. Hindi rin ako mind reader. Sadyang visible sa expression ng mukha mo ang iniisip mo."

"G-usto kong umayos na ang buhay ko. Pero parang hindi pa ako nakakatagpo ng tamang tao na pwede kong pagsabihan ng nakaraan ko." Sabi ko rito.

"Ako, pwede ako. Makikinig ako." Assurance nito sa akin.

"Paano kung mabigo pa rin ako?"

"Ibig sabihin lang noon ay di ako ang tamang tao na dapat makinig sa mga kwento mo. Naranasan mo na ba ang umibig? Baka sa taong iyon mawala yang takot sa puso mo na iopen yang mga laman n'yan."

"Never ko pang na try." Sabi ko rito at nag-iwas ng tingin.

"Really? How about Gage? Wala ka bang nararamdaman kahit kaunti para sa lalaking iyon?" Tanong nito sa akin.

"..."

"Well, too early to answer that. Maiba na lang tayo ng usapan...ano ang mga hilig mo?" Tanong ni Quinn.

"Painting!" Mabilis na tugon ko rito. Nakaramdam ako ng excitement. Pero nilukuban rin ng lungkot dahil sa reality."Hindi ko nga lang natatapos ang mga obra ko. Himala na lang yung kay Rosalinda."

"Nung ipinipinta mo si Rosalinda, ano ang nararamdaman mo?" Tanong nito sa akin. Nakangiti ako.

"Masaya ako. Pakiramdam ko malaya ako sa ginagawa ko. Walang manghuhusga sa akin."

"Ipagpatuloy mo yan. Magandang step yan sa pagheal mo. Kung kailangan mo ng kausap tawagan mo ako. Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay namin."

"Saan ba ang bahay mo?"

"Malapit lang dito. Asawa ko si Abe!" Sabi nito ang mata ay kakikitaan ng lungkot ngunit mabilis ding naglaho at ngumiti sa akin. Hindi lang ako ang may pinagdadaanan, base sa nakita ko. Pero ang babaeng ito mukhang matatag di tulad ko.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon