Thirty-Eight

1K 38 0
                                    

Thirty-Eight

Masyadong intimidating ang matanda sa harap ko. Hindi pa man ito magsalita ay dama ko na ang galit nito. Kaya siguro isa ito sa mga tiningala ko sa society na ito. Hindi kasi biro ang presensya nito. Mapapayukod ang lahat ng nakakasalubong nito.

"Alam kong nagkaroon kayo ng nakaraan ng daughter-in-law ko." Natigilan ako. Hindi man makita sa aura ko ang kaba, sa dibdib ko iyon umatake. Paano kung ilayo nito si Nazneen dahil sa nakaraan namin ni Olly?

"Sorry for that!" mabilis kong hingi ng despensa rito. Ngunit umiling lang ito.

"You don't need to, after all, hindi mo alam ang ugnayan ng anak ko sa babaeng iyon. Hindi ko rin isisisi sa'yo, victim ka rito." Mahinahon nitong sabi. Pero hindi iyon sapat para kumalma ako.

"Patawarin n'yo ako na hindi ko naprotektahan si Nazneen!"

"Honestly, it's my responsibility as her grandfather. Hindi ko dapat inasa sa iba ang responsibility ko. Masyado lang akong naghangad na mas maprotektahan s'ya, she's my princess. Simula noong sanggol s'ya hangang sa ganitong edad na s'ya. Mas malapit pa nga kaming dalawa dahil ang magulang n'ya ay abala rin sa mga buhay nila."

"Hindi ko pinagsisihan na inalagaan ko s'ya, Don Jacob Roberts!" deretsong sabi ko rito. Bahagyang ngumiti ang matanda.

"Ano ang dahilan mo, hijo? Hindi alam ng apo ko na ikaw na ang namamahala ng mga negosyo namin at hindi rin n'ya alam na tinanggihan mo ang shares na ipinangako ko sa'yo!" that's true. Simula ng mas nakilala ko si Nazneen, nawala ang interes ko sa share na iyon.

"Mahal ko po ang apo n'yo!" bahagyang tumawa ang matanda. Tawang nagdulot ng pangamba sa akin.

"Sa tingin ko hindi pagmamahal 'yan, ayoko ng pag-ibig na salawahan para sa apo ko. Gusto ko ang matamasa  n'yang pagmamahal ay puro at tunay."

"Pero mahal ko ang apo n'yo, mahal ko si Nazneen!" mariing giit ko rito.

"Mahal mo s'ya, dahil s'ya si Nazneen o mahal mo s'ya dahil kamukha n'ya ang kanyang ina?" natameme ako sa tanong nito sa akin. Biglang gumulo ang puso at utak ko na kahit ako ay 'di ko na rin masagot. Ngumiti naman ito.

"Hindi madaling kalimutan ang unang pag-ibig lalo pa't nagkaroon ng lamat ang puso mo sa unang pagkakataon na iyon. Mahal na mahal ko ang apo kong iyon, hindi ako tatanggap ng taong sa simpleng tanong ay naguguluhan. Sabihin mo sa akin 'yan kapag tinanong kita ulit at wala ng doubt d'yan." Huminga ako ng malalim. Tama naman kasi ito.

Saktong dumating ang mga kaibigan ko na pare-parehong may mga seryosong expression ng mukha. Sabay-sabay pang nagsiyukod ng makita ang matanda. Of course, hindi lang ako ang tinitingala ito.

Kanya-kanya upo na ang mga ito, may umupo sa bakanteng couch, ang iba ay sa carpeted floor.

"Let's check the last cctv video." Sabi ni Shade. Pagdating sa ganito, maaasahan talaga ito at si Landon. Wala pa si Boss H, pero tiyak kong tutulong din ito.

Napansin ko ang ilan nakaayos ang cellphone ng mga ito at ka-video call ang kanilang mga asawa. Tiyak na nag-aalala rin ang mga ito. Nauunawaan ko si Cayde kung bakit wala s'ya, hangang ngayon ay wala pa rin balita sa asawa nitong buntis na bigla na lang nawala.

"Lira, show us the last video!" anas ko. Napuno ng katahimikan ng umilaw ang pader at nag-show roon ang video na napanood ko kanina.

"Ibig sabihin, ang sinakyan nila palabas d'yan ay isa sa mga sasakyan na 'yan!" sabi ni Landon.

"Lira, ilang sasakyan ang dumaan sa parteng 'yan ng oras na mawala si Nazneen?"

"77!" fuck, kung iisa-isahin namin ang mga sasakyan na iyon, mapapatagal pa kami sa paghahanap kay Nazneen.

Frustrated na nasabunot ko ang buhok ko. Napaka-helpless namin sa sitwasyong ito.

"Hijo, may pinaghihinalaan akong kumuha sa kanya. Baka pwedeng doon tayo magsimula." Napatingin kami rito.

"Who?"

"Maaaring ang mga relatives ng apo ko sa mother side!" posible ang sinasabi ng matanda, after all, marami ang naiwan kay Nazneen na mula sa magulang n'ya.

"Sisimulan ko ng mag-imbestiga sa kanila!" sabi ni Landon. Tumitipa ito sa cellphone nito. For sure, isa sa mga contacts nito ang hihingan nito ng tulong.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis kong tinignan iyon. Nagsalubong ang kilay ng makitang puro numero lang iyon.

"What is this?" sa sobrang pag-aalala sa dalaga hindi ko na makuhang mag-isip pa ng malalim. Sinulyapan iyon ni L.A na s'yang katabi ko.

"Coordinates?" takang sabi nito. Mabilis kong binigkas ang mga numero, maya-maya lang ipinakita na ni Lira ang location.

"Sinasabi ko na nga ba!" malakas na sigaw ng Don.

"D'yan nakatira ang ilan sa relatives n'ya, especially her Aunt Olly!"

"Olly?" takang sabi ko rito.

"Yeah, Olly Willis!" mas lalo akong naguluhan. Napatingin pa ako kay L.A na pareho ko ring natigilan. Of course, kilalang-kilala n'ya ang pangalan na iyon. Ang babaeng inibig ko simula pa noong dawampu't isa ako.

"Pwede ho ba kitang makausap saglit?" sabi ko sa matanda at mabilis na tumayo. Sumunod ang tingin ng mga kaibigan namin sa aming dalawa ni Don Jacob Roberts. Nagtungo kami sa garden.

"Hijo?"

"Olly Willis?" ulit ko sa pangalang binangit nito.

"Yes, hijo!"

"Nakilala ko si Olivia bilang Olly Willis!" sabi ko rito.

"Sa totoo lang, kasiraan sa pamilya ko na malaman mo ito, pero sige, ipapaalam ko sa'yo para mas maunawaan mo."

Flashback

"Paano mo nagawa sa akin ito? Buntis ako, Mason! Malapit na tayong magkaanak!" nanlalamot na napaupo si Olivia sa gilid ng kama. Sapo ang ilang buwan ng tiyan n'ya.

"I'm sorry, Mahal! I'm sorry!" lumuhod ito at nagmamakaawa sa asawa. Tinangka pa n'ya itong yakapin kahit nakaluhod ngunit itinulak s'ya nito.

"Paano mo nagawa sa akin ito? Niloko mo ako! Lahat ginawa ko para maging maayos tayo, minahal kita, hindi ko nagawang tumingin sa iba kasi nga ikaw lang ang mahal ko, pero niloko mo pa rin ako! Hindi pa pala sapat na inilaan ko ang lahat ng oras ko sa'yo, nagawa mo pa ito sa akin! Alam mong galit na galit ako sa mga manloloko! Kasi ginawa sa amin ni Daddy 'yan, hindi ko akalain na ang lalaking inilagay ko sa pedestal ang s'yang tutulad sa ama ko, ang s'yang magpaparanas ng ganitong sakit sa akin!" nanginginig ako sa sobra-sobrang emosyon. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko. Naninikip ang dibdib ko sa labis na sakid dahil sa ginawa nito.

"Natukso ako, Olivia, hindi ko sinasadya!" malakas ko s'yang hinampas. Kasunod no'n ay mag-asawang sampal. Bahagya pa ngang dumugo ang pisngi dahil nakalmot pa ng mahaba kong kuko.

"Walang t*t* na basta na lang pumapasok sa butas ng ibang babae, sinadya mo! Sinadya mo! Huwag mo akong bibigyan ng ganyang dahilan!" malakas na hiyaw ko rito.

"Makinig ka muna sa akin!"

"Hindi, ayoko nang makinig! Ayoko na! Lolokohin mo na naman ako, sasaktan mo na naman ako! Ayoko na!" hiyaw ko rito na tinakpan pa ang tenga upang hindi na marinig ito. Ngunit mahigpit n'ya akong niyakap. Paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran pero tiyak kong malabo ko na iyong ibigay.

Itutuloy....

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon