Thirty-six

1.1K 45 1
                                    

Thirty-six

"Nazneen!"

"Quinn, gustong-gusto ko ng gumaling. Kelan ba 'yong susunod na session nating dalawa?" malungkot ang expression ng mukha ko.

"Nagmamadali ka na naman!"

"Kasi naman, pakiramdam ko ibang-iba ang nakukuha kong treatment sa mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko hindi ako normal!"

"Paano si Gage?"

"For sure okay na okay kay Gage 'yon."

"Tiyak na tututol s'ya pero sige, magdahilan ka sa mga bodyguards mo. Puntahan mo ako rito sa bahay bukas."

Tiyak na nasa office si Gage bukas, balik office na ito at magagawa namin ni Quinn ang dapat na gawin para maging okay ako.

Kinaumagahan sinabi ko sa mga guards na pupunta ako sa bahay ni Quinn. Agad naman silang pumayag. Naiwan sa guards house ang mga ito. Gaya ni Gage wala rin si Abe, I think nasa office rin ito at nagtratrabaho kaya malaya kaming dalawa ni Quinn.

Pagpasok namin sa kwarto n'ya, weird, sina Mommy and Daddy same room sila. Pero si Quinn at Abe mukhang separate room silang dalawa. Dahil ng pumasok kami ni Quinn sa room n'ya, puro gamit lang n'ya ang naroon. Sumentro ang tingin ko sa isang malaking kahon parang hangang bewang ko ang taas.

"Sa loob n'yan, uunahan na kita, 'yong pinakakinatatakutan mo ang nandyan. Well, iisa lang ang paraan natin para tuluyang mawala na 'yang takot mo sa dolls, iyon ay harapin ang takot na matagal mong ikinulong sa puso mo, are you ready?"

"Y-eah!"

"Kahit ubusin natin ang maghapon, I don't mind. Ang kailangan kong Nazneen 'yong handang harapin lahat ng takot, isipin mo, nasa panganib si Gage, ikaw lang ang pwedeng makatulong sa kanya, kaso napapalibutan s'ya ng mga dolls!"

"Mas nakakatakot ang idea na malagay sa panganib si Gage!" mabilis kong tugon dito na ikinangiti n'ya.

"Mukhang mahal mo na nga!"

"Hindi man ako sobrang pamilyar sa love na tinutukoy n'yo, alam ko naman sa puso kong mahalaga si Gage."

"Then, hayaan mong makalaya ka sa takot na nasa puso mo. Hindi kita i-be-baby para lang kumalma ka. Wala akong magiging pakialam kung mawalan ka ng malay. Nandito lang ako para i-guide ka. Kailangan mong maging matatag." Sunod-sunod akong tumango. Walang Lolo Jako, walang Princess at lalong walang Gage sa tabi ko. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kahon. Marahang hinaplos ng kamay ang edge no'n.

Umupo naman si Quinn sa kulay brown na leather couch.

"Isipin mo kung bakit hinaharap mo ang takot mo!"

"Para hindi na ako kailangan protektahan, para maging pareho na rin ang treatment sa akin ng mga tao, para magawa namin ni Gage 'yong mga bagay na hindi lang ako 'yong napapasaya kundi s'ya rin." Nakapikit kong tugon dito.

"Isipin mo, Nazneen, kung bakit kailangan tapusin na 'yang takot na 'yan!"

"Para tuluyan na akong maging masaya at ang mga tao sa paligid ko. Sana mawala na ang takot na ito para hindi na rin ako maging pabigat sa kanila!" usal ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Gustong-gusto na ng puso ko na makalaya sa takot na ito.

"Ngayon, kung ready ka na, subukan mo ng buksan. Pero kung hindi pa, mahaba ang oras natin para gawin 'yan!" huminga ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan iyon. Pero mabilis ko ring naipikit ang mga mata ko.

"Go, Nazneen! Sundin mo ang sinisigaw ng puso mo. 'Wag mong pakikinggan ang sinisigaw ng isip mo." Tama ito, ang sinisigaw ng puso ko ay maging okay ako, na nais ko na talagang maging malaya. Habang ang isip ko, ang mga doubts ko at takot ang inihihiyaw nito.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon