Forty-five

1.1K 58 5
                                    

Forty-five

Dahil sa banta ni Papa kay Olivia, nakita ko naman na sinubukan nitong ibalik 'yong amor nito kay Nazneen. Bumalik naman iyon sa dati, iyon ang akala ko. Dahil sa labis na pagkimkim nito ng hinanakit sa akin ay nagsimula itong magloko.

Nakilala nito si Gage. Ang binatang pinagbubuksan nito ng lahat ng frustration nito.

"Hindi ko talaga akalain na pangalan ko pa ang gagamitin n'ya sa kalokohan n'ya." Natatawang sabi nito pero hilam na rin sa luha.

"Sana po maunawaan n'yo kung bakit gusto kong makuha si Nazneen ngayon, hindi rin s'ya ligtas sa kamay ni Princess." Sabi ko rito."Sinubukan n'yang ipahalay si Nazneen sa mga tauhan n'ya, mas ligtas si Nazneen sa akin, Miss Olly!" nakinig ito sa naging kwento ko. Kung paano ako minanipula ni Princess na ikinabuhay ng galit nito.

"Uuwi mo s'ya sa inyo, tiyakin mo na hindi na makakalapit pa si Princess sa kanya." Mabilis na sang-ayon ng ginang. Naisip din siguro nito ang posibleng panganib na kaharapin ni Nazneen sa kamay ni Princess. Agad na pinababang muli si Nazneen ng nagkasundo sila na huwag munang ipaalam dito ang tungkol sa pinag-usapan nila.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng katabi ko na si Nazneen sa sasakyan kasama ng mga kaibigan ko. Nakayakap ako rito, balewala kung kantyawan ako ng mga loko, pero wala namang umiimik sa mga ito. Pagdating namin sa The Alpha's Town, iyak nang iyak si Nazneen ng makita ang Lolo Jako n'ya.

"Lolo!" mabilis akong sumunod dito ng makita kong halos lundagin na nito ang matanda.

"Apo, matanda na ang Lolo mo. Gusto mo bang mabalian na ako ng buto?" napabungisngis naman ito.

"L-olo, marami akong gustong ikwento sa'yo---"

"Apo, magpahinga ka muna. May pupuntahan lang ang Lolo saglit," mukha nga itong may lakad. Kaya tumango na lang si Nazneen."babalik din ako agad, pakibantayan ng mabuti ang apo ko." Mabilis akong tumango. Nang makita ni Nazneen si Rosalinda, agad na lumapit ito roon at mahigpit a nagyakap ang dalawa.

"I'm sorry, I'm sorry!" paulit-ulit na hingi ni Rosalinda ng paumanhin.

"I'm fine, don't cry na!" malambing na sabi ni Nazneen, Nazneen is Nazneen. Kahit ano pa ang mangyari rito. She's sweet and kind. Napaka-down to earth nito.

"Akyat muna tayo sa kwarto mo!" pukaw ko sa atensyon ng dalaga. Tumango naman ito at mabilis na nagpaalam kay Rosalinda. Magkahawak-kamay kaming pumanhik ng silid nito.

"Gageeeee!" tili nito ng pagbukas ng pinto ay tumambad dito ang upuang in-order nito, online. Mabilis itong tumakbo patungo roon at excited na naupo.

"N-az!" mukhang simula na naman sa pagiging inosenteng pilya ang kasintahan ko. Lumingon ito sa akin at malawak na ngumiti.

"Pwede rin akong matulog dito." Napasinghap ako nang umayos pa ito ng upo at sumandal doon. Walang ka-ide-idea si Nazneen na kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko habang pinanonood ito.

"Gagee, dali tabi tayo rito!"

"Naz, magpahinga ka muna!" lumapit ako sa kama nito at mabilis na humiga roon. Excited na tumayo ito at dali-daling sumampa ng kama at tumabi sa akin.

"Miss na miss kita, Gage!" umunan ito sa dibdib ko habang ang tingin ay nasa akin. Mabilis kong kinintalan ng halik ang labi nito.

"Halos mabaliw ako no'ng nalaman ko na kinuha ka ni Princess! I'm sorry kung hindi agad ako nakapunta sa'yo!"

"Ayos lang iyon, sabi naman ni Quinn. Darating ka raw!" nakangiting sabi nito.

"W-hat?" mabilis na umupo si Nazneen at kinapa ang bulsa nito. Sabay angat ng parang stuffed toy na may mukha. Maliit lang iyon pero sapat para mapagmasdan kong mabuti.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon