Twenty-five

1.2K 45 1
                                    

Twenty-five

"Ipapaalala ko lang sa'yo na 'wag na 'wag mong hahayaang mahulog ang loob mo sa taong iyon." Mariing bilin ni Princess. Tumawag ito sa akin, hindi ko pa man nakwekwento rito ang mga pagbabago sa buhay ko, nagsalita na ito ng ganoon. Paano kung hindi magustuhan ni Princess? Nakakalungkot naman ang ganoon.

"P-rincess?"

"Hindi ka rin naman magtatagal d'yan, ayokong mahirapan ka na namang mag-adjust. Mapapalapit ka sa kanila, samantalang iiwan mo rin naman sila. Remember this, pansamantala lang ang pananatili mo d'yan. Ikaw rin ang mahihirapan kung hahayaan mong mag-invest ka ng feelings mo sa kanila." Bilin pa nito. Napabuntonghininga ako. Ayokong maglihim dito. Pero masaya kasi ako sa nararamdaman ko, ititigil ko ba? Alam ni Princess ang makakabuti sa akin---, naramdaman ko ang pagpasok ni Gage sa silid ko. Mabilis ko itong nginitian. Ayokong mag-alala ito, mahawa sa gulo ng emosyon ko.

"Are you okay?" tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango rito.

"Who's that? W--ait, kailangan ako ng Lolo mo!" sabi nito na waring nagmamadali na sa pagsasalita.

"O--kay!" ibinaba ko na ang tawag at inilagay sa bedside table ang cellphone, tsaka lumapit kay Gage na may malawak na ngiti.

"Si Princess 'yon, you see I got a best friend. Inalagaan n'ya ako, mahal na mahal ako ng kaibigan kong iyon." Masayang kwento ko rito.

"I'm happy to hear that!" napangiti na naman ako. This time, hindi na iyon pilit.

Alam ko naman kung paano humanga, ngayon hindi ko maiwasang ma-amaze sa gwapong lalaki na nasa harap ko. Napakagwapo lalo na ng mga mata nito na napakasarap titigan.

"Napakagwapo mo po!" usal ko na hinaplos ang pisngi nito. Abot tenga naman ang naging ngisi nito ng kabigin ako payakap sa kanya. Masyadong matangkad ang binata, hindi ako maliit pero ng pumaloob ako sa kanyang mga bisig ay parang bigla akong lumiit.

"Pinapakilig mo naman ako!" bulong nito sa akin. Takang tinignan ko ang lalaki, tumingala pa ako.

"Kinikilig ka? Bakit naman?" inosenteng tanong ko rito.

"Sinabihan mo kasi akong gwapo."

"Hindi mo ba alam? Pero may salamin dito, dali tignan mo!" hinila ko s'ya patungo sa walk-in closet at iniharap sa floor to ceiling mirror.

"That's not what I mean!" mahinahong sabi nito.

"Then what? Paano kang kinilig?" tanong ko rito. Naguguluhan kasi ako.

"Kinilig ako kasi sinabi mo 'yon, I know I'm soooo handsome---"

"Oh, I get it now. You're so adorable!" 'di napigil na pisilin ang pisngi nito.

"Change topic, gusto mo bang lumabas?" excited na tanong nito. Nagulat pa ako ng iangat nito ang bewang ko. Instinct na mabilis kong ipinulupot ang mga hita sa kanyang bewang. Parang wala lang dito ang bigat ko.

"Hindi ka ba nahihiya kung mag-panic na naman ako?" tanong ko rito. Naupo ito sa gilid ng kama habang buhat pa rin n'ya ako.

"Nope, never!"

"Hindi pa ako ready!" malungkot kong sabi at bahagyang napayuko. Ngunit inagapan n'ya iyon at sinapo ang baba ko. Tsaka inilapat ang labi sa labi ko.

"How about---maglakad-lakad tayo sa village? Walang makakapag-trigger ng phobia mo rito." Gusto n'ya talaga akong matulungan. Napangiti ako at mabilis na tumango.

"F*ck!" nagsalubong ang kilay ko.

"Why?" worried na sabi ko rito. Galit na ito? Pero wala naman akong ginagawang masama.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon