Chapter 14

11 2 0
                                    

Eleidi's Pov





"Bakit po ang tagal niyo ni kuya ate?"

Tanong ng kapatid ko pagkapasok namin ng sasakyan.



"Sino ba si rebo?"

Napatingin ako sa kanya at nakaramdam ng kaunting kaba, bagaman sinagot ko siya ng diretso at walang bahid ng takot.

"He's my ex."

Hinintay ko na magbago ang kanyang itsura ngunit hindi man lang iyon nagbago. Nanatili lamang siya na nakatingin sa akin at saka naman dahan dahan rin siyang tumango tila ba napipilitang sumangayon.

"Hoy kayong dalawa! Bakit niyo kami tinakasan ha?"

Ibinaling ko ang mga mata sa lalaking nagsasalita at tinignan siya ng matalim. Hindi siya nakatingin sa akin at na kay prio ang kanyang mga tingin kaya naman ng tumingin na siya sa akin ay bahagya siyang nagulat at napatalon.

"Aba, Aba! Huwag mo nga akong matignan-tignan ng ganyan! Hinampas mo pa ako ng bag! May atraso ka rin sa akin!"

"Bakit ba ang ingay-ingay mo?" Tanong ni prio na nagpatalon sa gulat sa aming dalawa.

Mukhang natameme ang lalaking iyon atsaka halatang lalong napikon sa kanyang sinabi.

"Hoy! Mga hampas lupa! Ang lalakas ng loob niyo ah?! Hindi niyo ba ako nakikilala?!"

"Kilala."

Natahimik ang lalaki ngunit nakabawi agad itong muli atsaka tumawa ng malakas.

"Kilala naman pala eh! Eh bakit ang lalakas ng loob niyo?!"

"Kami malakas loob! ikaw makapal ang mukha!" Matapang kong sabi sa kanya.

"Hoy babae! Manahimik ka! Akala ko ba ay kilala niyo ako ha?!"

"Kaya nga, kilala nga. Ikaw? Kilala mo ba ako?"

Malakas muling tumawa ang lalaki at napahawak pa ito sa kanyang mga tiyan. May mga luha ang mata nito galing sa pagtawa bago hinarap si prio na natatawa parin.


"Gago! Tinatanong pa ba yan?! Eh isa ka lang naman sa mga mahhina at mahirap sa paaralang ito! Katulad niyang babae na yan!" Tinuro niya ako.

"Nakita ko na siya sa isang iskwater! Doon siya nakatira! At ano kamo? sino ka ulit? gago!" anito at saka tumawa muli ng malakas.

"Sorry to burs your bubble but that was Caprio..."

"Oh? Wag mo sasabihing may kambal ka na? Lampa rin ba? Bakit hindi mo ipakilala sa akin ha?!"

Ngumisi si Prio at bumuntong hininga. Dahan dahan, inangat niya ang kanyang mga kamay at dahan dahan ring itinanggal ang kanyang suot na salamin.

"I'm Steen, Nice to meet you?" He said in full of sarcasm.

Tinignan ko ang lalaking nag-iingay. Kung kanina ay puro siya daldal ngayon naman ay parang nakalimutan niya ng magsalita pa. Namumutla na siya ngayon
at nanginginig.

"Mr. Santing, sisiguraduhin kong makakarating ito sa ama mo.."

Aniya at lumapit sa akin. Tinalikuran namin ang lalaki at iniwan siya sa ganong sitwasyon, nilingon ko siya saglit ngunit agad na rin akong humarap sa daanan at naglakad na patungong parking lot.



Fall for you (Falling series #3)Where stories live. Discover now