Chapter 25

14 0 0
                                    

Eleidi's pov



"Eleidi? Steen?" Biglang may pumasok at agad kong nakilala ang boses nito.

Binitawan ng Daddy ni Prio ang mga panga ko. Nang mabitawan niya ako ay agad akong lumapit kay Prio at tinulungan siyang makatayo.

"Oh! Rouella my dear! Narito na pala ang mapapangasawa mo Steen." Anito atsaka ngumisi.

Nagulat ako, inaasahan kong may koneksyon talaga silang dalawa. Pero kahit na nagulat ako ay iwinaksi ko sa isip ang bagay na iyon at inalala ang sinabi at bilin sa akin ni Prio.

"Let's go." Bulong niya sa akin.

Tumango ako atsaka tumalikod na kami ngunit di pa kami nakakahakbang ay biglang nagsalita ito.

"Where do you think your going Steen?! We have a deal you son of a bitch!"

"I've never agreed to that." Ani ni Prio at agad niya akong hinatak papalabas ngunit bago pa kami lumabas ay narinig namin ang huling sinabi nito.

"You fucking weak brat. You'll beg me."

Hindi ko inaasahang may biglang pumaradang sasakyan pagkababa ng hagdanan. Ibang sasakyan na ito, hindi na katulad ng sinaksyan namin kanina.

Tinulungan ko siyang makapasok pagkatapos ay pumasok na rin ako at tumabi sa kanya.

"Are you okay?" "You okay?"

Sabay naming litanya kaya naman napangiti kami sa isa't isa. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Yung likod mo..."

"Hindi, wala. That was my acting only." Aniya habang natatawa pa ngunit nang makita niya akong hindi na nakangiti ay napawi ang pagtawa niya.

"Alam mo gago ka."

"A-ako? Anong kasalanan-"

"Nag-alala ako roon! Akala ko may bubog na ang likod mo! Peste ka!"

Badtrip kong binitawan ang kamay niya at sumiksik sa dulo. Pinagmasdan ko lang ang dinaraanan namin hanggang sa naisipan kong buksan ang bintana ng kotse at dinama ang malakas na hangin.

Unti unti akong napapikit, dinama ko ito at nilanghap.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaganon ngunit napadilat na lamang ako ng biglang nawala ang hangin na nararamdaman ko, huminto na pala ang kotse.

Nagtataka akong napatingin kay Prio na lumabas at umikot pa para pagbuksan ako ng pinto.

"Bakit? Nakauwi na ba tayo? Hindi pa naman ah?"

Imbis na sagutin ang tanong ko ay iniabot niya ang kamay niya sa akin. Napatitig ako roon ng saglit, pagkatapos ay nagpabalik balik ang tingin ko sa mata niya at kamay niya.

Parang naguudyok ang mga kamay niya nq hawakan ko iyon, parang sinasabi nitong pagkatiwalaan ko siya. At iyon nga ang aking ginawa. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay.

Inilibot ko ang tingin at nakitang nasa isang sakayan kami ng air balloon. Napanguso ako dahil sarado na ito.

"Ano ba ang ginagawa natin dito?" Nagtataka ko ng tanong sa kanya.

"You'll see."

Nagulat ako ng bigla lang kaming pumasok doon at kumatok sa bilihan ng ticket. Nagulat pa ako dahil may tao roon na bantay. Iniwan ko muna sila doon at naglakad papunta sa gitna ng damuhan.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang paligid ko ng biglang may humatak sa braso ko at niyakap ako ng ilang segundo. Kusa siyang bumitaw at biglaang hinawakan ang mukha ko.

Fall for you (Falling series #3)Where stories live. Discover now