Chapter 35

7 0 0
                                    

Eleidi's Pov


"Bwisit, kupal." Iritadong bulong ko habang naglalakad. Bitbit ko ang limang iba't ibang klase ng kape patungo sa elevator.

"Uy! Eidi! Dami naman niyan?" Biglaang sulpot ni Tivo sa tabi ko.

Nagkibit-balikat lamang ako sa kanya, nagulat ako ng bigla niyang agawin ang apat na kape sa aking kamay.

"Ako na rito, sa bagong boss ka ba?"

Napakunot ako sa kanyang tanong dahil parang iba ang ibig sabihin no'n sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Oo." Nang masagot ko ang tanong niya ay parang sinusuri niya ako kung may sira ba ang utak ko.

"S-seryoso ka ba?" Nilingon ko siya at binigyan ng matalim.

"Mukha ba akong nagpapatawa?" Umiling nalang siya atsaka pumasok kami sa elevator.

"Nagtataka lang ako, balita ko kasi ay balak ka na raw tanggalin rito? Kasi diba wala na yung dating boss natin! I mean hindi pa naman siya patay pero diba alam mo 'yon? Retired na, yun anak niya papalit! Tapos balita rito na sibat ka na raw sa pwesto dahil ipinatanggal na mesa mo." Umangat ang kilay ko sa kadaldalan ni Tivo.

"Napakachismoso mo rin ano? Pero salamat sa balita at nandito ako okay? Lamesa lang nasibat." Ani ko at tinapik-tapik ang balikat niya.

"Buti nalang ano! Ikaw pa naman pinakamaganda rito!" Natawa ako sa sinabi niya at umiling.

Pagkapasok pa lamang kami sa elevator ay dumaldal nanaman siya. Napahawak ako sa aking sintido.

"Ang dami naman nito, uubusin niya ba to lahat? Pag hindi bigyan mo ko dalawa!" Tumango nalang ako dahil sumasakit talaga ang ulo ko sa kanya.

"Saan pala ilalagay 'to?" Tanong niya sa akin.

"Sa mesa ko nalang muna." Sagot ko sa kanya at tumango naman siya.

Tumunog na ang elevator at sabay kaming lumabas na dalawa, paglabas ng elevator ay mesa ko na agad ang bungad, mukhang hindi niya iyon napansin atsaka dumiretso patungo sa opisina ng amo ko. Mabilis akong tumakbo at hinawakan siya sa balikat upang pigilan ngunit napalakas yata ang paghatak ko dahil tumilapon sa mukha ko ang iced coffee! Sakto namang bumukas ng pintuan ng opisina at lumabas ang amo ko.

Napapikit ako sa lamig ng tubig na tumama sa mukha ko.

"Uy! Hala ka-gagi ka- Uy! Sandali! Pakihawak!" Ani ni Tivo at inabot ang mga hawak na kape kay Prio, este Sir Prio.

Mabilis na nangapa ng bulsa si Tivo inabot sa akin ang panyo niya. Mabilis ko namang ipinunas iyon sa mukha ko.

Nang matapos ako sa pagpupunas ay mabilis akong humarap sa amo namin at hihingi sana ng paumanhin dahil sa natagalan at dahil sa kalat. Ngunit bago pa ako magsalita ay ibinagsak niya sa lupa ng may pwersa ang mga kape, nadaplisan ang kaliwang binti ko ng mainit na kape.

"What the fuck is this?" Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi niya.

'Tangina nitong gago na 'to ah? Diba dapat ako ang magsasabi noon?!'

"K-kape Sir-" Sagot ni Tivo ngunit natahimik agad sa tingin ni Prio, sabing Sir Prio.

"What the hell is this mess?! And you!" Turo at baling niya sa 'kin. "We have a meeting and you look like that?!"

'Gago ampota kala mo sinadya eh, sayo ko ibuhos 'yang kape.'

"S-sir, kasalanan ko po-"

"Bumaba ka na Tivo, salamat sa tulong. Pasensiya ka na." Napatingin sa akin si Tivo at parang ayaw niya bumaba ngunit nilakihan ko siya ng mata at agad niya naman nakuha iyon.

"S-sige." 'Ingat.' he mouted before he left.

"Clean up your mess, you have 10 minutes." Anito at nilagpasan ako.

Pupunta sana ako sa mesa ko para tumawag ng maglilinis ngunit naalala kong wala pala akong telepono. Banas akong kumuha ng tissue sa aking bag at pinagtiyagaan iyon.

Nang mapunasan ko na ang sahig ay inipon ko ang mga nagamit na tissue, sa baba nalang ako gagamit ng restroom.

Pagpasok ko palang sa cubicle ay nagulat ako sa mantsa ng damit ko, ngunit mas nagulat ako dahil pinag-uusapan ako ng mga salot rito.

"Yes! She's still here! Argh! I thought she was resigning or much better, she was fired! Ang usap-usapan pa ay sinagot sagot niya raw ito sa una nilang pagkikita! My gosh! Hindi niya deserve maging secretary!"

"Yes, for real! Ang cheap niya kaya! For sure pinerehan niya lang 'yong si Mr. Verdal dati."

Naghilamos ako ng mukha dahil sa pagkairita. Naglabas ako ng yosi at malakas na hinithit iyon at ibinuga iyon. Hindi ako lumalabas hangga't hindi ko pa sila naririnig na umubo. At nang marinig ko na silang magreklamo ay ngumisi ako at ibinato ang upos ng sigarilyo isa sa kanila.

Lumabas na ako at dumiretso sa parking lot, nagtaka ako ng hindi makita ang sasakyan ng kasama ko, napabuntong hininga ako ng malalim ng mapagtantong kailangan kong mag-taxi.

'Tangina, oo nga naman, hindi niya ko papasakayin sa kumikinang-kinginang kotse niya.'

Nagpasya na akong maglakad papunta sa sakayan ng taxi ng biglang may bumusina ng malakas sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko siyang busangot ang mukha sa loob ng kotse.

"Get in!" Sigaw niya, napa-angat pa ang kilay ko sa sinabi niya ngunit pumasok na rin ako.

"The fuck?! You're so late! I told you, 10 minutes! And why the hell are you still wearing that dirty suit?! I told you to change! And what is that fucking smell?!"

'Nakailang mura na ba ako sa taong 'to? Tangina talaga nito, putanginang shit ka-'

"Usok ng dragon." Pilosopong sagot ko sa kanya na may kasamang mura sa utak.

"What?!"

"Daming arte, putragis." Bulong ko at ibinaba ang window.

"Hey! Lalong lumala yung amoy!"

'E'di wag kang tumira sa manila!' pero hindi ko sinabi sa kanya at ibinaba na nga ang bintana.

"Don't you have some extra clothes to change?" Supladong aniya sa akin.

"Sorry sir, di naman ako inform na matatapunan ako ng kape ngayon." Ani ko sabay pakita ng pekeng ngiti.

"And don't you have some freaking respect?!"

'Tangina wala, kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil.'

"Sorry PO sir, at wala PO akong extra clothes na dala at pwede naman PO akong hindi sumama sa meeting niyo na ito, dahil magpapakilala lang naman PO kayo sa mga stock holders PO, Kaya kung pwede PO, pakibaba ako riyan sa mall, at bibili ako ng damit ko." Ani ko habang nakangiti.

Mukhang napikon na ata sa akin dahil ipinasok niya ang sasakyan at diniretso iyon sa parking lot ng mall, akala ko lang ay ako ang bababa ngunit nagulat ako ng bigla rin siyang lumabas. Pero hindi na ako nagtanong atsaka iniwanan siya roon.

Dumiretso ako sa pinakamurang may bilihin roon, kahit naman puting t-shirt lang ay okay na dahil hindi naman halata ang mantsa sa coat ko dahil itim ito.

Pagbigay ko sa cashier ay pikit mata ko itong binayaran. Napanting ang tainga ko ng marinig ko ang presyong tumatagingting na isang libo. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagpalit na ng damit.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang mapahinto ako sa pamilyar na store roon, dahan-dahan ko itong nilingon.

"Hala! Ang salamin ko!" Aniya at lumuhod roon at pinulot ang mga bubog.

"Alam ko puta." Sabi ko at bahagya siyang sinipa upang umalis.

Bahagya akong napangiti ng maalala ang una naming pagkikita, dito kami bumili ng salamin niya-

Mabilis na napawi ang ngiti ko at napalitan ito ng pait at kirot.

I should stop remembering about our past, it's not the same anymore, and it will never be the same anymore.








\(^O^)/

Fall for you (Falling series #3)Where stories live. Discover now