Chapter 31

9 0 0
                                    

Eleidi's Pov




I think i'm going crazy, everything was a mess right now. Faerie and Kuya Riston is in critical state, Kuya Vester is a mess, Ariyah is still in shock.

I only have one body but i feel like i'm doing ten people's job everyday.

Pagkarating namin ay nakita ko ang kapatid na naghihintay sa sala, ang sabi niya ay hinatid lang daw siya ng family driver, tinanong ko rin si Eamon kung ayos lang ba siya ang sabi niya naman ay okay lang, noong una ay hindi ako naniniwala pero nakita kong may mga bago siyang damit na bigay daw sa kanya.

Gabi-gabi namang wala si Kuya Vester at kapag uuwi naman na ako ay hahanapin ko siya at susunduin sa kanyang bar, palagi ko siyang natatagpuang lasing, tulog sa umaga lasing sa gabi, hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni Ariyah dahil alam kong may pinagdaraanan din siya pero nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay natutulungan niya ako sa gawaing bahay kahit na yun naman talaga ang trabaho kong tunay.

Simula rin nang makita ko siyang naglalakad papalayo sa akin ay hindi ko na siya nakita pa. Parang bula nalang siyang naglaho sa mata ko.

Nagmomop na ako dahil napagpasyahan kong magsara na ng coffee shop, biglang bumukas ang pintuan kaya naman ay mabilis akong lumingon sa dumating para sabihing magsasara na ako.

"I'm sorry pero magsasara na po-" Nagulat ako ng tuluyan siyang pumasok.

"T-tita Vesca." Gulantang kong sabi sa kanya.

"Magsasara ka na? Ni hindi mo pa nga ako binigyan ng pasasalamat sa pagbabantay sa kapatid mo." Angat kilay niyang sunod- sunod na sabi.

"P-pasensiya na ho, naging busy lang po, ano po bang kape ang gusto niyong itimpla ko?" Pag-alok ko sa kanya.

"Green tea is okay."

Alam kong hindi niya ako sasadyain rito ng walang dahilan kaya naman ay mabilis ko siyang ipinagtimpla ng tsaa na gusto niya, masyado kong iniingatan ang bawat galaw ko dahil alam ko at nararamdaman kong nakatingin siya at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"Kamusta?" Tanong niya na nasa harapan na ng counter.

Agad kong naisip na si Ariyah ang kanyang itinatanong katulad ng bilin niya sa akin kaya naman ay sinagot ko siya.

"O-okay naman po si Ariyah pero-"

"I'm asking you, not Ariyah." Malamig na sabi niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita at tinapos ang ginagawa.

Nang matapos ako ay tumingin ako sa banda niya at hindi siya nakita roon, mabilis kong ipinalibot ang tingin at naisip na baka ay gumamit lang siya ng banyo. Kinuha ko na ang tsaa niya at saka naglakad patungo sa mesa ni Tita Vesca. Bigla namang bumukas muli ang pinto ng shop at agad kong nabitawan ang hawak nang pumasok si Tita Cara.

Kumabog ng malakas ang puso ko, narito si Tita Vesca at narito rin si Tita Cara, hindi ko alam ang gagawin ko.

"I told you already to stay away from my son!" She yelled at me.

Ang mainit na tsaa na natapon sa paa ko ay hindi ko na nabigyang pansin pa dahil sa kabang bumabalot sa akin.

"Look, because of you, nagkagulo ang lahat! Isa kang malas! Malas sa pamilya!"

Parang napantig ang tainga ko sa kanyang sinabi, kahit nakatayo siya ay masasakit ang mga salitang ibinabato niya sa puso ko. Sinubukan kong iwasan na 'wag ikahiya ang sarili at lumaban sa kanya pero para akong binuhusan ng semento sa kinatatayuan ko dahil lamang sa kanyang sinabi.

'Malas kayo ng nanay mo! Naiintindihan mo ba ako?! Malas kayo sa pamilya ko! Mga panira kayo! Lumayas kayo rito!' Sigaw sa akin ng mama ni Kuya Vester habang pinagbabato ang mga gamit namin ni nanay. Wala akong magawa kundi matakot at umiyak habang pinupulot ang mga gamit namin.

Natauhan ako at bumalik sa katinuan, nananatili pa 'rin akong nakatayo sa harap niya.

"Palibhasa kasi ay wala kang pamilya! Kaya gano'n na lamang sa 'yo kadali para sirain ang buhay ng anak ko at pamilya ko!"

Lalaban na sana ako sa kanya nang biglang may nagsalita sa bandang likuran ko.

"At sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?!"

Kumunot ang noo ni Tita Cara. "At sino ka naman para makisali rito?!"

Napakagat ako ng labi, gusto kong tuktukan ang sarili ko para kumilos, dahil kapag hindi ako kumilos ay mas magiging malaki ang gulo.

"I'm her mother! And who are you?!"

Otomatikong lumaki ang mata ko at napalingon kay Tita Vesca, anong sabi niya?

"Y-your what?!"

"I fucking said that i am her mother! And she is my daughter! Are you freaking deaf or what?!" Mabilis na akong gumitna sa kanilang dalawa, tinignan ko ng diretso sa mata si Tita Cara.

"T-tama na po, Tita Cara." Halatang nabigla siya sa aking sinabi. Magsasalita sana siya ngunit inunahan ko siya. "H-hindi ko pa po siya nakikita magmula nung s-sumama po siya sa inyo." I felt my voice cracked a bit. "P-pero 'wag na ho kayong mag-alala, b-buo na po ang desisyon kong lubayan at iwan siya." Rumihistrado muli ang gulat sa kanyang mukha, nagpatuloy akong muli. "Huwag niyo lang po sasaktan ang pamilya ko." Huling pakiusap ko sa kanya.

Mukhang naubusan na siya ng sasabihin dahil umalis na lamang siya ng walang sinasabi. Dahan-dahan akong humarap kay Tita Vesca at natagpuan ko ang malamig niyang tingin sa akin.

"T-tita-"

"You should take care of yourself, by the way, i wanted to see Vester with you tommorow, please do your best to look presentable, do you understand?" Tumango lang ako sa kanya.

Dire-diretso lamang ang lakad ko papasok sa unit ni Kuya Vester, napahawak ako sa sintido nang malaman nanamang wala siya rito. Tumalikod na ako para maglakad pabalik sa unit namin nang makita kong nakatayo si Eamon sa tapat ng pinto.

"Ate, wala nanaman ba si Kuya?" Minasahe ko ang sintido ko at saka tumango sa kanya.

"Aalis ka ate?" Muli akong tumango sa kanyang tanong. Lumabas na kami ng unit ni kuya at saka pumasok na ulit, naroon ako sa sala hawak

"Sama ako-"

"Eamon, huwag na, pumasok ka na roon sa kwarto mo at magpahinga."

"Ate! Gusto ko nga kasing sumama!"

"Hindi nga pwede!"

"Ate brett! Sama ako!"

Nagpatuloy ang pagtatalo naming dalawang magkapatid, nawalan naman ako ng choice kundi hayaan nalang si Ariyah na maghanap kay kuya. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Eamon dahil nakailang katok na ako ay hindi pa rin niya ako pinagbubuksan, sinisigawan niya ako.

Tumunog ang door bell at mabilis akong tumakbo patungo sa pinto dahil sa pag-aakalang si Kuya Vester na iyon at si Ariyah pero isang presensiya ng isang tao ang nagpakita sa harap ko.

Kung bakit ka ba naman dumating ng hindi na kita kailangan pa?

Bakit ngayon lang, Prio?










\(^O^)/

Fall for you (Falling series #3)Where stories live. Discover now