Chapter 19

14 2 0
                                    

Eleidi's Pov




Sa huli ay hindi ko na nakayanan ang pang-aasar namin kay Prio. Kaya naman eto ako ngayon, naka-upo at nasa tabi kong upuan si Rebo na ginagamot ako. Si Prio naman ay nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Rebo.

"Tsk! Kung hindi ko pa 'to nahawakan, hindi mo pa mararamdaman." Ani ni Rebo habang binabalutan ng bandage ang aking kanang braso.

"Ano ba ang nangyari sayo at nagkaroon ka niyan? May nanakit ba sayo?" Tanong ni Prio atsaka inayos ang kanyang salamin, umiwas agad ako ng tingin.

"Si tito Hamong ba?" Tanong ni Rebo na ngayon ay nililinis ang sugat ko na natamaan ng bubog kanina.

Tumikhim na lamang ako dahil wala akong maisagot ni isang tanong sa kanilang dalawa.

"Sino si Hamong?" Seryoso ngunit nagtatakang tanong ni Prio.

"Wala-"

"Si tito Hamong ay ang papa ni Eamon." Pagsabat ni Rebo kaya naman mabilis ko siyang tinignan at tinaliman ang tingin ko.

"Oh, what about him?" Tanong ni Prio na ngayon ay nakatingin na kay Rebo dahil wala siyang nakukuhang sagot sa akin.

"Siya ang may gawa nito kay Eidi."

"Ano?!" Biglang sigaw ni Prio.

"Panigurado akong nanghingi nanaman iyon ng pera kay Eidi pangbisyo niya at ganito ang ginagawa niya kay Eidi kapag walang nabibigay si Eidi na pera sa kanya."
Seryosong ani ni Rebo.

"At hinahayaan mo naman?!" Galit na baling sa akin ni Prio.

Nanlalaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa narinig ng tainga kaya naman ay napatayo pa ako at napahawak sa beywang ko.

"Hoy! Gago ka ba?! Parang hindi mo rin hinahayaan na saktan at abusuhin ka ng mga bumubully sayo ah?!"

Halata namang nagulat siya sa sigaw ko sa kanya. Hinatak naman ako ni Rebo para pa-upuin ako sa silya dahik hindi pa siya tapos maglagay ng mga gamot sa sugat ko.

"Hindi ka pa ba tapos diyan?!" Iritado kong sabi sa katabi na ngayon ay naglalagay na ng gasa roon.

"Ayan po madam! Tapos na ha?!" Tumayo na si Rebo atsaka inayos ang first aid kit at nilagay iyon sa dating lagayan nito, lumapit naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kusina.

"A-ano yon?! Bakit niya kailangang guluhin yung buhok mo?!" Aniya habang pasugod pa sa akin.

"Hoy! Itahimik mo yang bibig mo! Punyeta!"

"Hoy ka rin! 'Wag mo nga akong minumura!"

"Oh? Sige gago ka!"

"Sabing 'wag mo akong minumura eh!"

"Ano ba?! Ano bang nangyayari sayo?! Nasapian ka na ba ng demonyo at nagkakaganyan ka ngayon sa harap ko?! Parang baliw amputa!" Sunod sunod kong bira atsaka tumayo sa pagkakaupo ko.

"Why are you letting him do this to you?"

"Alam mo Prio, alam kong alam mo ang sagot diyan, iisa lang din yon pero magkaibang tao at sitwasyon! Kung ikaw wala kang laban sa mga taong nambubully sayo, ako naman, wala ring laban sa tatay-tatayan ko! Buti ka pa nga eh ay kapag hiningian ka ng pera ay may maibibigay ka kaagad! Samantalang ako wala! Iyong mga pinag-ipunan ko sa kanya lahat napupunta para lang hindi kami masaktan ng kapatid ko!" Ani ko sabay talikod sa kaniya. Naramdaman ko na kasi ang pagbabadya ng luha ko.

"I'm sorry..."

"Okay lang."

Nagpaalam siya sa akin na pupuntahan niya si Eamon sa kwarto at sasamahan iyon. Pumayag naman ako atsaka lumabas ng kusina. Naabutan kong nakaupo si kuya Vester at Ariyah.

Fall for you (Falling series #3)Where stories live. Discover now