A FEW DAYS LATER
Chaeyeon's POV
Tulala, nandito sa kwarto.
"Chaeyeon unnie!"
Rinig kong pag katok ni Chaewon at halos magiba na niya ang pinto.
Narinig ko nalang na bumukas ito at may tigre na sa harap ko.
"Unnie, libing na ni Sakura unnie. You can't miss that right?"
Naramdaman ko ang pag agos ng luha mula sa mga mata ko.
"Unnie tahan na yan, tara hindi magugustuhan ni Sakura unnie pag nakita ka niyang ganyan" ani niya.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko.
Tama, hindi siya matutuwa.
Pag babayarin ko ang gumawa sayo nito Saku-chan...
Pangako yan.
TIME SKIP
"Iwan niyo muna ako..." ani ko.
Umupo ako sa tabi ng puntod, tinititigan ang pangalan niya.
"Saku-chan...."
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kalangitan.
Maulap ngayun, hindi maaraw ngunit hindi rin maulan.
Ganyan din nung araw na hindi ko inaasahang mawala siya.
"Damn it.."
I failed as a lover.
Hindi ko siya na protektahan...
Wala akong nagawa..
"Ipaghihiganti kita, hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang mga pumatay sayo."
Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
Sandaling sumulyap sa puntod niya.
"Kakayanin ko, para sayo Saku-chan..."
Nag lakad na ako palayo at sumakay sa sasakyan.
Tahimik na nakatingin ako sa labas.
Naikuyom ko ang aking kamao, nangigigil ako.
"Chaeyeon unnie" rinig kong pag tawag sakin ni Chaewon.
"Ano yun?" Walang buhay na tanong ko.
"Since vacant ang Vice President na posisyon sa SSG. Nag suggest si Eunbi unnie, kung okay ka na daw... kung gusto mo daw ba i-handle"
Importante kay Saku-chan ang posisyon na yun.
Pero hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako o tatapusin ko na rin ang buhay ko.
Huminga ako ng malalim bago tumango.
"Sige, ako na." Ani ko.
Kita ko sa repleksyon na tumango si Chaewon.
Kaya ko toh, hindi ako pwedeng sumuko.
"Nasan si Nako?" Tanong ko.
"Nasa kanila, kasama si Hitomi" ani niya.
Tumango ako.
"Pupunta ako kay Nako" ani ko.
"Okay"
Inihatid ng driver si Chaewon sa bahay at nag pahatid ako sa bahay nila Sakura.
"Nako-chan?"kumatok ako sa pinto dahil bukas nanaman ang main gate.
"Pasok ka unnie"
Rinig ko mula sa loob.
Pag pasok ko ay malinis ang bahay, walang bakas ng mga nangyare.
BINABASA MO ANG
Selenophile || Chaekurra AU
ФанфикMuli kitang hahanapin, at ipapangakong hindi ka na iiwan. Isasayaw kita, sa ilalim ng liwanag ng buwan. -Chaeyeon CHAEKURRA TAGLISH AU