08

79 6 18
                                    

Sakura's POV

Nagising ako at nakayakap pala ako kay Chaeyeon.

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil dito. Naupo ako ng maayos at pinag masdan si Chaeyeon.

Ramdam ko ang paggalaw niya at kita ang pag bukas ng mga mata niya.

"Merry Christmas" ani ko.

"Lah? Pasko na?" Gulat na tanong niya at tinawanan ko siya.

"Joke lang, good morning" ani ko.

"Morning din" ani niya.

Umupo siya bago lumapit sakin at hinalikan ang noo ko.

Napangiti ako dahil dito.

"Papasok ba tayo?" Tanong niya.

"Katamad ih" dagdag pa niya.

Tinawanan ko lang siya bago ibato ang sarili ko sa kanya kasabay ng pagyakap ko dito.

"Kung ayaw mo pumasok edi wag na tayong pumasok" ani ko.

"O-okay.."

Naramdaman ko na bumalot ang braso niya sa bewang ko.

"Tulog nalang ulit tayo" ani niya.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at ipinahinga ulit ang sarili ko.

Chaewon's POV

Natataranta na ako, walang parandam,text o kahit tawag manlang si Chaeyeon unnie.
Ano na kayang nangyare dun?

"Ssamu!" Napalingon ako ng makita ko si Minju.

Otomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko ng masilayan ko ang mukha niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Hindi mashado, hindi umuwi si Chaeyeon unnie. Nag aalala na ako eh" ani ko.

"Kalma ka muna, sinubukan mo na ba siya tawagan?" Tanong niya.

"Pinapatayan niya ako ng phone" malungkot na ani ko.

"Malay mo naman gusto niya lang mapag isa. Kalma ka lang okay?" Ani niya bago ako yakapin.

"Thanks Minmin.." bulong ko.

"Anything for you" ani niya bago humiwalay sa yakap.

"Tara na sa dance practice room?" Tanong niya.

Ngumiti ako at tumango.

Hinawakan ko ang kamay niya at ikinandado ang daliri namin sa isa't isa. Kita ko ang bahagyang pag pula ng pisngi niya, napangiti naman ako dahil dito.

Nag lakad kami papunta sa dance practice room at sumalubong samin ang mga naka busangot na mukha nila.

"Oh napano kayo?" Tanong ko.

"Walang paramdam si Sakura unnie, naka lock kwarto niya. Ayaw akong pag buksan..." ani ni Nako.

"Ilang araw na rin siyang laging lutang at distant" dagdag pa ni Nako.

Same kay Chaeyeon unnie, kaya medyo nag aalala rin ako sa pwedeng mangyare.

"Hindi umuwi si Chaeyeon unnie" ani ko na kinagulat nila.

"Baka naman mag kasama sila" ani ni Minju.

"Nasa kwarto lang si Sakura unnie" ani ni Nako.

Ako wala paring idea kung nasan si Chaeyeon unnie.

Sana okay lang siya.

Chaeyeon's POV

Nagising ako dahil naka ramdam ako ng gutom. Anong oras na ba?

Selenophile || Chaekurra AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon