Sakura's POV
Hindi parin ako makapaniwala sa totoo lang. May idea na naman ako, pero gulat na gulat parin ako.
"Jjae, pano kaya kung hindi mo ko paulit ulit na kinulit noon?" Tanong ko habang nakatingin sa buwan.
"Edi sana walang tayo ngayun" napalingon ako sa kanya.
Nakatingin siya sa buwan bago tumingin sakin.
"Sobrang saya ko na nahanap na kita" ani ko.
"Ako rin, pasensya ka na kung hindi ako nakapag paalam ng maayos" ani niya.
"Ayos lang yun, nag kita naman ulit tayo diba?" Ani ko.
Ngumiti siya at tumango.
"Saku-chan.." tawag niya sakin.
"Ano yun?"
"Yung blue moon, sa araw ng prom yun right?" Tanong niya.
Oo, ako nag set non. Gusto ko talaga na isayaw niya ako, kahit hindi pa ako sigurado noon kung si Jjaeyeon siya o hindi.
"Oo, san tayo sasayaw?" Tanong ko.
"Sa rooftop, ayoko ng crowded. Gusto ko ikaw at ako lang, literal na nasisinagan ng liwanag ng blue moon" ani niya.
"Okay then, hindi ko ipapasara ang rooftop sa prom" ani ko.
"Teka, wala sa topic pero... alam ni Grandpa na si Jjaeyeon ka?" Tanong ko.
"Yep nakilala niya ako, then nakilala ko siya" ani niya.
"Tas ako hindi mo nakilala" pag mamaktol ko.
"Malay ko bang gaganda ka ng ganyan, mukha ka kayang unggoy noon" ani niya dahilan para hampasin ko siya.
"Yah Lee Chaeyeon! Hindi kita ginaganyan kahit ugali mo pang gorillang nakawala sa zoo!" Bulyaw ko.
"Lah? Hindi kaya bait bait ko eh!" Depensa niya.
"Bait ka jan? Likot likot mo eh!" Reklamo ko.
"Ikaw kaya yung malikot" bato niya sakin.
"Ikaw nga nag dala sakin dito eh" ani ko.
"Ikaw naman yung ayaw umuwi kaya napapagalitan tayo ni gramps" ani niya.
"Abay ikaw kaya yun!" Bulyaw ko.
"Sabi ko na nga ba nandito kayo eh"
Napatalon naman kami sa gulat ng makita namin si Grandpa.
"Gramps" tawag ni Chaeyeon kay Grandpa.
Umupo ito sa tabi ni Chaeyeon.
"Parang kailan lang mga bata pa kayo, ang bilis ng panahon. Mga dalaga na kayo ngayun" ani ni Grandpa habang nakatingin sa buwan.
"Saksi talaga ang buwan sa pag mamahalan niyo, tama ba?" Tanong niya bago lumingon samin.
Pareho kaming tumango.
"Iba talaga kumilos ang tadhana, malay ko bang aalis kayo dito ng mag kahiwalay pero uuwi kayo ng sabay" ani niya.
"Jjaeyeon"
"Ano po yun gramps?"
"Alagaan mo ang apo ko hah, walang ibang binukam bibig yan kundi pangalan mo" ani ni Grandpa.
Lumingon sakin si Chaeyeon at nakangiting nakakaloko.
"Grandpa naman!" Reklamo ko.
"Admit it Sakura" ani ni Grandpa.
BINABASA MO ANG
Selenophile || Chaekurra AU
FanficMuli kitang hahanapin, at ipapangakong hindi ka na iiwan. Isasayaw kita, sa ilalim ng liwanag ng buwan. -Chaeyeon CHAEKURRA TAGLISH AU