+++
Late na naman ako sa practice dahil anong oras na ako nagising. Alam kong pagsasabihan na naman ako ni Nathan gaya nung dati na nalate ako kaya binilisan ko na ang lakad ko paakyat.
Pagbukas ko ng left door ng practice room namin bumukas din ang pinto sa kabilang side at nandun si Nathan na bagong dating at hinihingal rin.
"Uy bat sabay kayong dumating? Himala!" pagsalubong samin ni Aki.
"At dahil diyan kayo ang bibili ng pagkain natin ng lunch sa Cafeteria mamaya." sabi ni Pablo.
Di naman ako umangal dahil napag-usapan na namin iyon na kung sino man ang ma-late ay siya ang bibili ng pagkain. Kaya binilisan ko kanina para makaiwas sa parusa kaso wala rin na-late parin ako. Nag-start na kami mag practice. Bukas na ang round 1 kaya dapat ay seryosohin nanamin ngayon.
"🎶So I'm coming home to you, you...
You're all I need, the very air I breathe
You are home🎶" pagkanta ko sa chorus.Ride Home by Ben&Ben. Ito ay isa sa mga paborito kong kanta, hindi ako ang pumili pero napatiyempo na gusto ko rin ito.
Para sa akin pag sinabing home hindi lang siya basta bahay lang. Home is where you find your comfort zone, where you find your happiness, where you feel being loved, where you can do whatever you want without being judged by others at itong mga bagay na ito ay naramdaman ko kay Jesse. Sa kanya ko naranasan na mahalin, hindi niya ako hinusgahan kung anuman ang kaugalian ko dati na binago ko dahil ayaw ko na siyang mawala sa'kin, komportable ako kapag kasama siya at masasabi kong siya ang aking HOME.
Saan man tayo dalhin ng ating mga paa, marami mang unos at tagumpay ang ating pagdadaanan, hahanapin at hahanapin pa rin natin ang daan pauwi sa ating tinatawag na HOME.
"🎶So many questions, I've thrown to the skies
All of the answers, I've found in your eyes
When I'm with you home is never too far
My weary heart has come to rest in yoursI found my way home
So I'm coming home to you, you
You're all I need, the very air I breathe
You are home🎶" pagtapos ko sa kanta."Lunch break muna guys. Great job! Ang galing niyo!" sabi ni Sir Evans.
"Balik na ako sa faculty ito yung pambili niyo ng pagkain. Good luck sa inyo para sa laban niyo bukas." binigay sa'kin yung pera pambili ng pagkain namin. Sagot kasi nila ang pagkain namin para malaya kami makapamili binibigyan na lang kami ng budget para sa pagkain.
Inalis ko muna yung gitara na nakasakbit sa'kin. "Oh Nathan bili ka na." sabi ko sabay abot sa kaniya.
"Bat ako lang?" tanong niya.
"Magmula kanina nakatunganga ka lang diyan kami dito kanina pa tumutugtog. Para issa tie naman. Ikaw nalang bumili. Please.. Masakit na kamay ko oh" sabay pakita ng mga daliri ko na mamula-mula dahil sa pag-gitara kanina.
"No. Rule is rule. Pareho tayo na-late kaya tayo na." aniya habang nakapamulsa siya at lumapit sa'kin.
"Ano? Kayo na?" tanong ni Art at natawa silang lahat.
"Ha? Sira ba kayo? Ito na nga sasama na ako." sabi ko at hinablot ang kamay ni Nathan palabas ng room.
"Ikaw kasi dinamay-damay pa ako. Masakit na nga mga daliri ko oh." speaking of daliri hindi ko pa pala nabibitawan ang kamay niya ilang room na ang nadaanan namin ngayon ko lang napansin. Marami rin akong nakita na napapatingin sa mga kamay namin kanina.
Ang tanga ko. Aakalain pa yata akong bakla. Binitawan ko yon agad at nauna na sa paglalakad.
"Anong bibilhin natin sa kanila?" tanong ko habang naglalakad at hindi parin ako makatingin sa likod dahil na-awkardan parin ako kanina sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Lifetime (BL) Ongoing
RomanceAno ba talaga ang tama? Ang sinasabi ng ating nararamdaman o ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa'tin? Sa mundong ating kinagisnan, dapat ba tayong sumunod? Hindi ba dapat ay ang susundin lang natin ay ang sinasabi ng ating puso, hindi kung ano...