+++
Ilang buwan na ang lumipas magmula nung umalis papunta sa ibang bansa si Jesse. Paminsan-minsan ay nag-uusap kami pero madalas hindi.
Hindi ko alam kung sino ang nagbago sa amin. Madalas mainitin ang ulo niya dahil hindi ko nasasagot ang mga iba niyang tawag dahil rin busy ako sa preparation namin para sa round 2 ng Battle of the Bands.
Magmula non ay mas naging malapit kami sa isa't-isa ni Nathan. Masasabi kong iba pala siya sa Nathan na nakilala ko dati. Ika nga nila "Don't judge the book by its cover."
Alam ng nakararami na suplado, mayabang, walang pake sa mundo, pero ako na napalapit na rin sa kaniya at tinuring na siyang isa sa mga matatalik kong kaibigan ay hindi sumasang-ayon doon dahil kabaligtaran siya ng mga ugaling binabato nila sa kanya.
Nandito kami ngayon sa practice room kasama sina Art, Pablo, at Aki kakatapos lang mag-practice.
"Napapadalas ang paglabas niyo ni Nathan ah?" tanong ni Art.
"Oo nga, nagseselos na kami. Pag siya ang nag-aaya, lagi kang maraming oras. Pag kami naman ang nag-aya siguradong busy ka." sabi naman ni Pablo habang nilalagay niya sa bag yung gitara.
"Malas kasi kayo napapatiyempo na may ginagawa ako pag nag-aaya kayo." sabi ko.
Hindi ko rin alam pero pag nag-aaya sa akin si Nathan ay kaagad akong umo-oo. Nagiging komportable lang ako kapag kasama siya dahil sinasakyan niya lahat ng trip ko sa buhay.
"Tara mamaya labas tayo. Wag kang tatanggi Markus, pag tumanggi ka di ka na babalikan ni Jesse." sabi ni Aki sabay tawa.
"Oo na sama na ako." sabi ko.
" Ayun! Talagang mahal na mahal si Jesse, gustong mabalikan."
Umoo ako sa kanila hindi dahil sinabi nila na hindi na ako babalikan ni Jesse dito sa Pinas, pero sige hindi na ako magsisinungaling may konti parin sa'kin na gusto pang bumalik kami sa dati ni Jesse. Pero ang pinaka-reason ko kung bakit ako sasama sa kanila ay para makabawi dahil madalas nga ay hindi nila ako nakakasama sa mga walwal nila.
Ang totoo niyan ay naka-oo na ako kay Nathan na samaan siya mamaya sa pupuntahan niya. Pero tinext ko nalang siya na 'di ko na siya masasamahan mamaya.
"Why?" reply niya.
"Babawi lang ako kina Aki dahil matagal na akong di nakakasama sa mga lakad nila." reply ko.
"Sama nalang ako." sabi niya.
"Di ka belong samin. Kung gusto mo magwalwal din kayo nina Troy, Vince, at Venice." sabi ko.
"Ang sama mo sa'kin. Kiss kita diyan eh." reply niya ulit.
"Puro salita ka lang naman eh Carter!" biro ko.
"Hoy Markus! Ba't ngumingiti ka mag-isa diyan? Kanina ka pa namin tinatawag. Tara na!" sabi ni Pablo at palabas na silang tatlo.
Ganun ba ako ka-focus sa palitan namin ng mensahe ni Nathan na tipong 'di ko narinig na tinatawag na pala ako ng mga 'to?
"Hoy! Hintayin niyo ako." tumayo na ako at kinuha ang bag ko tsaka na tumakbo papunta sa kanila.
•••
Nandito kami ngayon sa Azalea's Bar.
"Uy hindi ba si Nathan yon?" turo ni Pablo dun sa lalaking may kasayawang babae.
Napatingin naman ako dun, likod palang niya alam ko nang si Nathan yon.
"Ayun sina Troy, tara sali tayo sa table nila." sabi ni Art sumang-ayon naman kaming tatlo at pumunta na nga kami sa pwesto nila.
BINABASA MO ANG
Lifetime (BL) Ongoing
RomanceAno ba talaga ang tama? Ang sinasabi ng ating nararamdaman o ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa'tin? Sa mundong ating kinagisnan, dapat ba tayong sumunod? Hindi ba dapat ay ang susundin lang natin ay ang sinasabi ng ating puso, hindi kung ano...