CHAPTER 8

78 35 0
                                    

+++

MARKUS' POV

Putik na Nathan na yon pinakaba pa ako kala ko hahalikan niya ako kukunin lang pala yung toothbrush niya. Nakahinga ako nang maluwag bumalik ata pagkalasing ko sa ginawa niya. Pero biro lang wasak parin talaga ako dahil sa sinabi sa akin ni Jesse kanina.

Kahit saang anggulo ko tingnan mali eh. Mali talaga. San ba ako nagkulang? Ganun ba talaga kahirap sabihin iyon? Bakit kanina lang niya sinabi kung kailan aalis na siya bukas?

Kung mahal niya ako at kung iniisip niya talaga yung mararamdaman ko dapat dati pa, dapat dati pa niya sinabi. Matatanggap ko naman eh, pero bakit ngayon lang? Edi sana ginugol ko yung oras ko sa natitira niyang pananatili dito sa Pilipinas nang kasama siya, sana nasulit namin yung oras niya nang magkasama bago siya magpunta sa ibang bansa.

Di ko namalayan na tumutulo na naman pala ang aking mga luha. Kaya nagshower na ako para kasabay ng pagbagsak ng tubig ay ang pagbagsak din ng aking mga luha na kanina ko pa pilit pinipigilan. Ang sakit sobra. Nakaya niyang maglihim sa akin ng ganon, lahat naman ng nangyayari sa buhay ko sinasabihan ko siya, pero siya? Wala naglihim parin!

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. Nasa kama na si Markus at nakaharap sa kabilang side, humiga na rin ako sa tabi niya. Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi parin ako makatulog.

"Gising ka pa?" tanong ko kay Nathan.

"Hmm.. Tulog na." matagal bago siya sumagot at nagkunwaring humihilik.

"Sira! Bat sumagot ka kung tulog ka na?"

"Siyempre tinatanong mo'ko eh." pilosopo niyang sabi.

"Di ako makatulog." sabi ko.

"Iniisip mo girlfriend mo? Sabi ko naman kasi sa'yo habang wala siya hanap ka muna ng iba diyan. Gayahin mo ako nagagawa ko ang gusto ko dahil walang girlfriend na kumokontrol sa akin." mayabang na sabi niya. Sinuntok ko siya nang mahina sa tiyan.

"Aray!" daing naman nito habang tumatawa. 

Pareho kaming nakatingin lang sa kisame habang nagkukwentuhan.

"Diba may girlfriend ka? Nasaan siya?" curious na tanong ko at tumingin saglit sa kaniya tsaka binalik sa kisame ang aking tingin.

"Nasa California doon sila nakatira ng pamilya niya, she's my childhood friend. Nahulog ako sa kaniya kaya I courted her. Nagbago lang din ang lahat nung tumira sila sa doon permanently. Nung una okay pa kami pero habang tumatagal nagiging mahirap. Hindi magkasalubong ang mga oras namin. Kung naman may free time kami, pareho naman kaming pagod." hindi ko alam pareho pala kami ng sitwasyon pero yung sa'kin papunta palang doon.

"Kami parin naman hanggang ngayon dahil pinili naming manatili, pinili naming intindihin ang isa't-isa." pagtuloy niya.

"Bakit ka nambababae? Kung totoong iniintindi mo kung ano ang mararamdaman niya pag nalaman niya na kani-kanino kang babae nagpapapansin, kung iniintindi mo siya, bakit ka parin nagloloko?" tanong ko.

"Hindi naman sa nagloloko pero ofcourse lalaki rin ako hinahanap ko yung atensiyon, lingap, at pagmamahal sa iba dahil minsan lang kami mag-usap ni Andy. Pero kahit ganon seryoso lang ako kay Andy dahil siya lang ang nakakaalam ng totoong ako yung walang filter dahil magmula bata ay magkasama na kami kaya alam nanamin ang buhay ng isa't-isa."

"Okay. I won't judge you. Buhay mo yan at di kita pakikielaman. Pero for me it's our own choice kung pipiliin natin huwag lokohin ang isang tao, dalawa lang kasi iyan either dun sa tama na mag-stay ka at maging tapat sa taong minamahal mo or dun sa mali na nag-stay ka nga niloloko mo naman ang nag-iisang taong mahal mo at nakakaintindi sa'yo." napapansin kong nagiging malalim na ang usapan namin.

Lifetime (BL) OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon