+++
Nandito kami ngayon sa practice room namin. Hinihintay ang mga kasama ko. Nandito ako ngayon sa tabi ng bintana nakaupo lang ako sa sahig habang si Nathan naman ay nakaupo sa monoblock sa tabi ng desk sa harapan medyo magkalayo kami.
"Bat ang tagal naman nila? You sure chinat mo sila?" tanong niya. Ilang ulit na niyang tinanong yan.
" Oo nga. Sabi ko naman sa'yo may bukas pa naman." sabi ko habang busy pa rin sa pagkalikot ng phone ko.
Chinat ko nalang ulit sila.
"Hoy mga walang hiya nasaan na kayo? Ayokong kausapin to kanina pa nangungulit please lang pumunta na kayo mga kingina niyo!!!"
Mga walang hiya sila sineen lang nila ako lahat.
"Tara na kase. Baka ma-lock pa tayo dito di naman alam ni Manong Guard na may tao dito alam niya wala tayong practice ngayon dahil sinabi na ni Sir Evans." ang kulit kasi nito edi sana nakahiga na ako ngayon at nood nood lang sa Netflix okaya naman naglalaro na sana ako.
"No. Tell them punta na sila ngayon or else buong araw ang practice niyo 'till 8 pm bukas. I'm not kidding." seryoso niyang sabi.
"Ito na boss chat ko na sila." inis na sabi ko.
"Hoy mga hampaslupa pag di daw kayo pumunta buong araw yung practice natin bukas hanggang 8pm. Please lang pumunta na kayo save me from this dimunyu." pagkasend ko nagreply agad si Pablo.
"Kanina walanghiya tapos ngayon hampaslupa. Ge 'kaw nalang mag-isa magpractice diyan."
"Gwapo mo fafa Pablo. Dali na punta nakayo." pakiusap ko.
"Sorry fafa Markus di ako makakapunta ngayon, may emergency sa bahay." reply ni Aki.
"Bat naman kasi nandiyan ka? At bakit kasama mo si Nathan?" tanong ni Art.
"Punta kayo. Kwento ko." reply ko.
"Ge kaw na lang mag practice diyan." langyang to.
"Tara na wala si Aki may emergency sa kanila. Wala din namang saysay kung dadating sina Pablo at Art dito." tumayo na ako at naglakad na papunta sa pintuan.
"Ikaw nalang practice mo yung sa'yo. Tingnan ko kung kabisado mo na." naiirita na ako dito. Bat ba gustong-gusto niya na may practice ngayon? Kanina pa ako nagtitimpi dito.
"No." tuluyan na akong lumabas ng pintuan.
"Hoy baka nakakalimutan mo freshman ka palang, senior na'ko. You should follow whatever I say." rinig kong habol niya sa likod ko.
"Oo pero hindi sa lahat ng oras susundan kita. Kung sinabi mo bang tatalon ako sa building, tatalon ako?" sagot ko sa kanya.
"Wala akong sinabing ganon." aniya. Di ko nalang siya pinansin at naglakad na pababa sa hagdan. Wala na akong makitang ibang estudyante at tahimik na rin ang paligid tanging mga tunog lang ng mga sapatos namin ang naririnig namin.
Pagkarating namin sa baba nakasara ang gate ng building namin. Lumapit ako dahil akala ko ay nakasara lang ito pero hindi ko napansin na may padlock na pala ito.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Kasalanan mo to paano tayo makakalabas nito?" inis na tanong ko.
"Manong? Manong? May tao pa dito." sigaw ko nang ilang ulit.
"Argh kasalanan mo to bat mo ba ako nauto kanina. Kainis." napaupo nalang ako dun sa hagdan.
Tatawagan ko sana ang mga tropa ko kaso namatay naman ang phone ko. Pag nga naman minamalas oh.
"Nathan baka naman may alam kang gawin para makalabas tayo dito? Di yung nakatunganga ka lang diyan." sabi ko.
"What do you want me to do?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Lifetime (BL) Ongoing
RomanceAno ba talaga ang tama? Ang sinasabi ng ating nararamdaman o ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa'tin? Sa mundong ating kinagisnan, dapat ba tayong sumunod? Hindi ba dapat ay ang susundin lang natin ay ang sinasabi ng ating puso, hindi kung ano...