+++
Nathan's POV
"Woah! Sa'kin yung naka-black na dress." manghang sabi ni Troy sabay turo sa babaeng unang nakita namin pagpasok sa Bar.
Nandito kami ngayon sa Azalea's Bar at nakakita na kaagad sila ng babaeng mapagtitripan nila. We go here every Sunday to hang-out.
"Sa'kin yan pre tignan mo wala man lang limang minuto makukuha ko na ang number niyan." Vince said and he went to the girl who's wearing a black dress.
"Alam niyo? Sana kayo ang maloko nang maramdaman niyo ang feeling ng naloloko." sabi ni Venice.
She's the only girl in our gang. May pagka-boyish siya pero nangingibabaw parin ang kagandahan niya, she's pretty but not my type. And one more thing may girlfriend ako na nasa California ldr kami and she's my childhood friend and then became my girlfriend.
Lalaki lang din ako, hinahanap ko yung atensiyon niya. Ang hirap sobra lalo na magkaiba ang oras dito at doon. Tulog ako, gising siya. Gising siya, tulog ako. Kung mapatiempo man na may free time kami ay pareho naman kaming pagod. Kaya dinadaan ko na lang sa ganito nang maibsan ang pangungulila ko sa kaniya. Hanggang flirt lang sa iba-ibang mga babae and no strings attached. Yeah you can call me a babaero pero hindi ako umabot sa point na makipag-sex sa mga babaeng nakakalandian ko.
Nakahanap na kami ng magandang pwesto at nag-umpisa ng uminom. Wala pa ngang limang minuto nakabalik na si Vince sa amin.
"Oh nasaan na yung number na sinasabi mo?" tanong ko.
"Bat mo tinatanong? Gusto mo ba?" tanong niya pabalik sa akin.
"No. Sayo na mamaya hanap ako ng para sa'kin." sabi ko.
"Asan bigay mo sa'kin liligawan ko." biglang hinablot ni Venice yung phone ni Vince.
"Seriously? Nahihibang ka ba?" tanong ni Troy at kinuha niya sa kamay ni Venice ang cellphone ni Vince.
"Why? Masama ba?" tanong ni Venice.
"No. It's just that hmm.. you're both girls. Hanap ka nalang ng iba diyan, hayaan mo na si Vince diyan." sabi ni Troy tsaka binalik kay Vince ang cellphone.
Woah I smell something fishy. Sa tingin ko ay may pagtingin si Troy kay Venice.
"Tsk. Mind your own business nga!" ayan na nainis na si Venice para kasing aso't-pusa sila dahil madalas silang mag-asaran.
Nag-inom lang kami nang nag-inom. Medyo nararamdaman ko na rin ang tama ng iniinom namin. Nagiging wild na rin ang mga tao dito. Medyo nahihilo na rin ako.
"CR lang ako mga pre." paalam ko sa kanila. Naiihi na kasi ako at gusto ko rin maghilamos para mawala ang pagka-tipsy ko.
Medyo may kalayuan ang CR kaya naglakad pa ako ng pagkahaba-haba. May mga babaeng lumalapit sa akin pero hindi ko sila pinansin dahil konti nalang lalabas na ang ihi ko. Maya kayo sakin girls.
Nung nasa may CR na ako may naririnig akong nag-aaway. Binuksan ko ang pintuan at napalingon naman sila sa akin. May dalawang lalaking nakatayo at parang pinagtutulungan yung isang lalaki. Hindi ko maaninag ito dahil nakayuko siya at mukhang nasaktan siya nang sobra.
"Hoy anong problema niyo? Isa laban sa dalawa? Lumaban kayo nang patas!" lumapit ako at sinuntok ko yung isa sa kanila. Medyo lasing na ako kaya, medyo mainit na rin ang ulo ko dahil sa tama sa ininom kong alak kanina.
"Yan dalawa sa dalawa!" sinuntok ko ulit sa kabilang pisngi yung sinuntok ko kanina at napaupo siya sa sakit.
"Hoy bat ka nangingielam?! Sino ka ba ha?!" sabay tulak sa'kin nung isa. Sinuntok ko siya pero nakailag siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/260785871-288-k913628.jpg)
BINABASA MO ANG
Lifetime (BL) Ongoing
RomanceAno ba talaga ang tama? Ang sinasabi ng ating nararamdaman o ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa'tin? Sa mundong ating kinagisnan, dapat ba tayong sumunod? Hindi ba dapat ay ang susundin lang natin ay ang sinasabi ng ating puso, hindi kung ano...